Phr
65 stories
KISSING A STRANGER by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 168,894
  • WpVote
    Votes 4,379
  • WpPart
    Parts 10
"Ang gusto ko lang, instead na maghanap ka nang maghanap kung saan-saan, try to look at me." Sa isang hindi inaasahang pagkakataon kinailangang manatili ni Jena sa loob ng isang hotel room buong gabi kasama ang isang estrangherong nakilala lamang niya sa pangalang Woody. Kinabukasan aalis na lang sana siya at gigisingin ito nang bigla siya nitong halikan. Sa gulat niya umalis siya na hindi nagpapaalam dito. Akala niya hindi na niya ito makikita pa. Pero laking gulat niya nang makita ito sa kumpanyang pinapasukan niya. Ito pala ang bagong head ng Designs Department nila. Balak niya itong iwasan pero nakita agad nito ang plano niya. Parang nang-iinis na kinuha pa siya nito bilang temporary secretary at walang araw na hindi siya binubully kaya pikon na pikon siya rito. Pero kahit ganoon, hindi niya napigilan ma-inlove kay Woody. Tingin din naman niya nafo-fall na rin ito sa kaniya. Kaso maraming problema. Kabaligtaran ito ng lahat ng gusto niya sa lalaki. Mas bata rin ito kaysa sa kaniya. Madalas din sila hindi nagkakasundo kasi magkaiba ang mga ugali nila. In short, hindi sila compatible. May silbi pa bang sumuong sa isang relasyong alam niyang hindi maganda ang kahahantungan? PS: Thanks to Abby (@OhCheeseball) for this new and prettier version of the cover. love you. :)
Love Revolution 5: Ace, The Playful Fairy [Published under PHR] by nikkidelrosariophr
nikkidelrosariophr
  • WpView
    Reads 24,851
  • WpVote
    Votes 311
  • WpPart
    Parts 13
Maverick Gonzalo went to the Philippines because he wants to meet the girl he's going to marry. Ipinagkasundo siya ng Lola niya sa babaeng nagngangalang Gracel Ivan Dumigpe at gusto niyang makita nang personal kung ano ang mayroon dito at ito ang napili ng abuela. Pero hindi inasahan ni Mavy ang kinalabasan ng pagsasakripisyo niya dahil nang makilala niya si Ace, hindi niya napaghandaan ang mga damdaming ngayon lang niya naramdaman na kusang lumalabas dahil sa dalaga. Patay tayo diyan! Paano na ang plano niya kung nagkakagusto na siya kay Ace? Itutuloy pa ba niya iyon o gagawa na lang siya ng paraan para mapaibig ito? At paano kapag nalaman nito ang responsibilidad nila at hindi ito pumayag sa kalokohang iyon? Uuwi kang luhaan at sugatan ang puso, Maverick!
Car Wash Boys Series 11: Wesley Cagaoan by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 93,673
  • WpVote
    Votes 1,579
  • WpPart
    Parts 11
"I will shower you with kisses everyday. That's my revenge." Teaser: Umalis si Bernadette sa Canada at nag-desisyon na umuwi ng Pilipinas nang hindi nalalaman ng kanyang Daddy. She has to do that. For her freedom. For her own life. Tumuloy siya sa bahay ng pinakamalapit niyang pinsan. At doon sa lugar na tinutuluyan niya, nakilala niya si Wesley. Hambog at malakas ang bilib sa sarili. Ngunit ang pinaka-ayaw niya dito ay napakaguwapo nito. Na kahit na anong gawin niyang iwas dito, nagagawa pa rin nitong makalapit sa kanya. Hindi rin niya alam kung paano nito nagagawang pabilisin ang tibok ng puso niya. Hanggang sa isang araw, namalayan na lang niya ang sarili na umiibig dito. At sa paghahanap niya sa Ina niyang nawalay sa kanya ng matagal na panahon. Si Wesley ang nasa tabi niya at dinamayan siya sa mga sandaling labis ang kalungkutan niya. Hanggang sa dumating ang araw na pinakahihintay niya nagpahayag ng pag-ibig si Wesley sa kanya. Nagkita na sila ng Mommy niya. Ngunit kasabay niyon ay ang pagdating ng kinatatakutan niya, dumating ang Daddy niya at pilit siyang nilayo sa lalaking pinakamamahal niya. Hanggang kailan niya matatagalan ang buhay na malayo sa piling nito?
The Tanangco Boys Series 6: Ken Charles Pederico by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 114,876
  • WpVote
    Votes 2,068
  • WpPart
    Parts 10
"The moment I laid my eyes on you. Alam ko nang ikaw ang babae para sa akin." Teaser: Dahil sa matinding problema sa pamilya, pinili ni Myca na lumayo pansamantala. At sa kanyang pag-alis, tinulungan siya ng kaibigan niyang si Abby. Doon sa Tanangco Street siya dinala nito kung saan ito nakatira. There she met, the handsome and the ever bubbly Doctor Ken Charles Pederico. Simula nang makita siya nito, hindi na siya nito tinigilan. Hanggang sa naging masugid niya itong manliligaw. At dahil sobrang kulit nito, nainis na siya dito ng tuluyan at binasted niya ito sa harap ng mga barkada nito. Dahil labis na nasaktan sa hayagan niyang pagtanggi dito. Nangako itong hindi na siya kakausapin pa. At tinupad naman nito iyon. Pero bakit hinahanap naman niya ang presensiya nito? Na-in love na ba siya ng tuluyan sa Tanangco Boy na ito?
The Tanangco Boys Series 7: Jared Bandonillo by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 127,593
  • WpVote
    Votes 2,443
  • WpPart
    Parts 10
Tahimik ang buhay ni Adelle sa piling ng mga pinakamamahal niyang mga washing machines sa kanyang Laundry Shop. Nagulo lang ang lahat sa buhay niya nang bigla siyang magka-utang ng two point eight million pesos kay Jared Bandonillo. At bilang kabayaran, hiniling nito na magsilbi siya dito bilang isang 'housemaid' nito sa loob ng dalawang buwan. Labag man sa kalooban niya, pumayag siya dahil wala naman siyang choice. Ngunit iyon na yata ang pinaka-malaking pagkakamaling ginawa niya. Dahil habang tumatagal siya sa pagsisilbi sa binata. Kasabay niyon ay ang unti-unting pagtibok ng puso siya para dito. Paano na lang kung isang araw ay matuklasan niyang isang malaking kalokohan lang pala ang lahat ng iyon?
Car Wash Boys Series 9: Karl January Servillon by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 83,149
  • WpVote
    Votes 1,299
  • WpPart
    Parts 10
"I want to be the salt and light of your world. At kung hindi makakaabala sa puso mo. At kung hindi pa huli ang lahat para sa akin, gusto kong iparamdam sa'yo kung gaano kita kamahal." Teaser: Simple lang ang nais ni Chaia sa buhay niya. Ang maging successful at maging masaya. Dahil simula ng mamatay ang Mama niya, at muling mag-asawa ang Papa niya. Tila naging malabo na ang pangarap niyang iyon. At tila lalo siyang nawalan ng pag-asa ng sumunod na pumanaw ang Papa niya. Naiwan siya sa Stepmother niya, na parang tunay na anak na ang naging turing sa kanya. At sa anak nitong babae at itinuturing niyang Ate. Ngunit simula noon, hindi na maganda ang relasyon nila ng Ate niya. Madalas siyang mapahamak ng dahil dito. Inaagaw ang lahat ng para sa kanya. Pero hindi siya lumalaban dito. Ang madilim niyang mundo ay tila biglang nagliwanag ng makilala niya si Karl. Ito ang may-ari ng Bar na pinapasukan niya. At lalo pa silang naging malapit sa isa't isa ng manalo siya ng kotse sa Mondejar Cars Incorporated. Sa pagdaan ng mga araw, tumibok ang puso niya para dito. Ito ang naging dahilan upang magkaroon ng kulay ang buhay niya. Para lamang masaktan, dahil ng makilala nito ang Ate niya, dito ito naging interesado. Pero dumating ang araw na kinailangan niyang umamin sa damdamin niya dito. Isang bagay na hindi niya alam kung dapat niyang pagsisihan, dahil iyon ang naging daan para lumayo si Karl sa kanya. Hanggang kailan ba niya kailangan umiyak? Hanggang kailan ba siya masasaktan?
Car Wash Boys Series 2: Miguel Dustine Despuig by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 113,744
  • WpVote
    Votes 2,261
  • WpPart
    Parts 10
TEASER: Nang dahil matinding pangangailangan sa pera. Napilitan si Sumi na balikan ang isang gawain na matagal na niyang tinalikuran at pinangako na hindi na muling babalikan pa. At ang naging target niya, ay ang guwapo at mayaman na si Miguel Dustine Despuig. Okay na sana ang lahat ng mabuking nito ang modus operandi niya. Saka niya napag-alaman na isa pala itong pulis. Ngunit sa halip na hulihin siya nito at ikulong. Isang parusa ang ginawad sa kanya nito. Ang maging kasambahay at tumira sa piling nito. At sa pagtagal ng mga araw na nagsasama sila sa iisang bubong. Unti-unti ay nahuhulog ang loob niya dito. Hanggang sa magising siya isang umaga, na mahal ang lalaking nagmistulang anghel na pinadala sa kanya ng Diyos. Okay na sana ang lahat sa buhay niya, dahil sa pagmamahal na inuukol din sa kanya ni Miguel. Pero dumating ang isang pangyayari na siyang nagdulot ng panganib sa kanyang buhay. Handa na ba siyang iwan si Miguel, at sumuong sa kamatayan?
Car Wash Boys Series 10: Mark Manuel Meneses by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 82,184
  • WpVote
    Votes 1,456
  • WpPart
    Parts 10
Noon pa man ay naiirita na si Kim kay Mark, ang kapitbahay at pinsan ng kaibigan niya. Sa tuwina na lang na may gusto siya ay palagi nitong kino-kontra. Ang mas kinaiinis pa niya dito ay parang hindi ito nagsasawa sa pang-aasar nito sa kanya. Hindi lang iyon, naiinis din siya dito dahil guwapo ito, mabait at sobrang maalalahanin. Mga ugali nitong kayhirap balewalain. Laking gulat niya ng isang beses ay lumapit ito sa kanya at nagsabing manliligaw. Noong una ay inakala niyang biro ito, ngunit kinagabihan ay personal na humarap ito sa kanya at sa mga magulang niya. At sa pagdaan ng mga araw, pinatunayan nito ang katapatan nito sa kanya. Hanggang sa unti-unti ay mahulog ang loob niya dito. Ngunit hindi niya inaasahan na may magbabalik mula sa nakaraan niya, si Robert. Ang kanyang first boyfriend. Ngunit sa pagbalik nito, ay siya naman biglang pag-iwas sa kanya ni Mark at tuluyang paglayo nito. Bakit ngayon pa? Kung kailan mahal na mahal na niya ito.
Car Wash Boys Series 1: Prince Daryl Rivera by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 171,639
  • WpVote
    Votes 2,827
  • WpPart
    Parts 11
"Kung sa mata ng buong Pilipinas, anak ako ng Presidente. Sa mga mata mo, gusto kong makita mo ako. Bilang isang simpleng lalaki na nagmamahal sa'yo." Teaser: Jhanine is a simple girl living a simple life. Kuntento na siya sa kung ano man ang ipinagkakaloob sa kanya ng Diyos. Kung meron siyang nirereklamo sa buhay niya, iyon ay ang pang-aasar sa kanya ni Prince Daryl Rivera. Ang kababata niya at anak ng Senador. Ang simpleng pamumuhay niya ay biglang nagbago ng masangkot sila ni Daryl sa isang eskandalo at malathala ang mukha nila sa diyaryo ng magkalapat ang mga labi. Kaya nang magkita sila, sinalubong niya ito ng isang suntok. Ngunit ganoon na lang ang pagtataka niya ng sa mismong harap niya at ng mga kasamahan niya sa trabaho, ay sinabi nito na in love daw ito sa kanya. At sa pagdaan ng mga araw na nagkakasama sila. Hindi na yata napigilan ni Jhanine ang sarili na mahalin ang lalaking dati'y mortal niyang kaaway. Isa lang ang tanging gumugulo sa isip niya, kayanin kaya niya na harapin ang klase ng mundo na ginagalawan nito? O mas nanaisin na lang niyang talikuran ito at bumalik sa simpleng buhay na nakasanayan niya?
Car Wash Boys Series 7: Glenn Pederico by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 80,347
  • WpVote
    Votes 1,660
  • WpPart
    Parts 11
It's amazing how make my heart beat faster. And it's also amazing how I fall in love with a beautiful stranger at first sight. Teaser: Pagkatapos mawala sa katinuan ng kapatid ni Nicole ng dahil sa pag-ibig. Pinangako niya sa sarili na hinding hindi siya iibig, hindi niya hahayaan na umiyak ng dahil sa lalaki. Kasabay ng pangako niyang iyon, ay ang pagkamuhi niya sa mga lalaking nanloko at naging dahilan sa pagkabaliw ng Ate niya. Ngunit nakilala niya si Glenn Pederico, ang guwapong negosyante at Doctor. Pinakita agad nito ang interes nito kanya, pilit niya itong iniwasan at tinaboy palayo dito. But fate always brought them together. Hanggang sa natutunan niyang tanggapin ito sa buhay niya. And then, she woke up one morning falling deeply in love with him. Okay na sana ang lahat, ngunit isang masakit na katotohanan ang bumulaga sa kanilang dalawa. Hindi niya matanggap na isa pala si Glenn sa mga nanloko sa kapatid niya noon. At ang pinakamasakit sa lahat, bakit hindi niya kayang kamuhian ito?