Sweet_Revenge1989's Reading List
95 stories
Cupid's Trick by gypsysays
gypsysays
  • WpView
    Reads 60,219
  • WpVote
    Votes 1,243
  • WpPart
    Parts 10
College buddies sina Elise at Clint. Noon pa man ay may lihim nang pagtingin si Elise sa binata. Hindi nga lang niya magawang ipahalata iyon dito dahil hindi ito naniniwala sa pag-ibig. Pero ganoon na lang ang gulat niya nang sabihin nitong handa na itong sumubok sa larangan ng pag-ibig. At gusto pa nitong tulungan niya itong ligawan ang babaeng gusto nito! Hay, kung magbiro nga naman ang tadhana! Para hindi na lang siya masaktan, pinili niyang umiwas na lang dito. Doon naputol ang ugnayan nila. Ngayon, pagkalipas ng maraming taon ay bigla na lang itong sumulpot sa gabi ng birthday niya, telling her na ito ang secret admirer na nagpapadala sa kanya ng paborito niyang blue roses na may kasamang sweet quotes. She realized he still had the same effect on her. Ito pa rin ang nagmamay-ari ng puso niya. Sa pagkakataong iyon, matutupad na kaya ang matagal na niyang pangarap na mahalin din siya nito?
Always Been You (First Five Chapters Only) by LituSSutiL
LituSSutiL
  • WpView
    Reads 38,150
  • WpVote
    Votes 496
  • WpPart
    Parts 13
Nang lokohin si Kody ng boyfriend, si Jeff ang naging sandalan niya. Perfect boyfriend material si Jeff. Pero ayaw ni Kody rito dahil habulin na nga ng mga babae, mas bata pa sa kanya nang apat na taon. Wala siyang balak pumatol sa mas bata. Younger men lacked maturity, mabilis magbago ang isip. But against her better judgment, she fell in love with Jeff. Todo kasi ang effort nito sa pagpaparamdam na espesyal siya. Ang akala ni Kody, tuloy-tuloy na siyang magiging masaya sa piling ni Jeff. Hindi pala. May isang pangyayaring bumuhay sa galit na inakala ni Kody na matagal na niyang nakalimutan. At damay si Jeff, dahilan para lumayo ito. Pero sa muli nilang pagkikita, nadiskubre ni Kody na mahal pa niya si Jeff. Pero ayaw na siya nitong kausapin, mukha ngang naka-move on na sa kanya. Mayroon naman siyang option para magkaharap uli sila. Iyon nga lang, kailangan niyang lunukin ang pride. Your pride won't bring Jeff back, sermon ni Kody sa sarili. Hindi kayang punuan ng pride ang malaking butas na iniwan ni Jeff sa kanyang puso nang itaboy ito noon. Kaya gagawin niya ang lahat para makuha uli ang pagmamahal nito. Kahit pa magmukha siyang tanga. Available online in ebook and print. ebook : https://www.preciousshop.com.ph/products/ebooks/always-been-you-phr06206-ebook/ print: https://www.preciousshop.com.ph/products/new-releases/phr06206-always-been-you/
His Jaded Heart by LituSSutiL
LituSSutiL
  • WpView
    Reads 183,356
  • WpVote
    Votes 5,111
  • WpPart
    Parts 29
Andrea ang pangalan ko, pero mas kilala sa pangalang Drew. Ang sabi ni Kuya Bernard, dapat daw sa edad ko ay nakikipag-date na ako. Iisang pangalan lang ang naisip ko, si Troy---angmasungit na kaibigan ni Kuya. Galing kasi si Troy sa isang heartache. Kaya ba ng powers ko na mapukaw muli ang kanyang puso? Para kasing mahirap magtago ng feelings sa harap ni Troy. "Is there something you're hiding from me, Drew?" minsan ay tanong niya. "Hindi mo na kailangang malaman." "You can never hide anything from me. Remember that." "Mukhang wala na akong choice kundi magsabi sa iyo. But promise me one thing, you won't get mad." Kay ako ba? Huminga muna ako nang malalim. Isa, dalawa, tatlo... "I like you!" There, nasabi ko na kay Troy ang feelings ko sa kanya. Sa kuwento namin ng isang makulit at isang masungit, may "I do" kayang masungkit?
When Winter Turns To Summer (Published Under PHR) by jcrosswriter
jcrosswriter
  • WpView
    Reads 6,728
  • WpVote
    Votes 239
  • WpPart
    Parts 6
POSTED: February 15, 2019 STATUS: ONGOING UNEDITED VERSION Paano ba ang magmahal? Palagi bang masasaktan? Makailang ulit na yang naitanong ni Summer sa sarili. Ilang beses na kasi siyang nasasaktan sa tuwing babanggitin ng bestfriend/kababata niyang si Clenon ang salitang 'Little Sister' habang nakangiti sa kanya. Lihim niyang minahal ang bestfriend niya sa loob ng mahabang panahon, hanggang sa dumating ang araw na hindi na niya kayang tiisin ang lahat. Umamin siya sa kaibigan pero hindi katulad ng mga nangyayari sa pelikula ay walang happy ending na naganap. Nadurog lang ang puso niya. Paano ba ang magmahal? Palagi bang mag-aabang? Dalawang taong abanger si Winter, hindi lang sa gate kundi maging sa atensyon. Paano ba naman siya mapapansin na babaeng gusto niya kung palaging lumilihis ang mga mata nito sa kanya? Kung sa tuwing lalapitan niya ay pulos sigaw at pagtataboy ang inaabot niya? Pero isang pangyayari ang magbibigay ng liwanag sa papaupos nang ilaw ng pag-asa niya. Bumagsak siya sa Major niya at isang tao lang ang makakatulong sa kanya. Si Summer, ang University Genius at ang babaeng dahilan kung bakit palagi siyang nag-aabang. Isang failed subject lang ba ang makakapaglapit sa kina Winter at Summer?
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 5: Nico Santiago by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 65,767
  • WpVote
    Votes 1,815
  • WpPart
    Parts 21
*This is an unedited version.* Dianne was a widow - a virgin widow to be exact. Simula ng mamatay sa isang aksidente ang asawa niyang si Arnold ay ipinangako niya sa sariling hindi na uli siya magpapatali sa isang relasyon kung saan walang napapala kundi pawang sakit, paghihirap at kalungkutan. Subalit isang malaking pagbabago ang nangyari sa buhay niya nang muling makatagpo si Nico Santiago isang taon matapos mamatay ng asawa. Si Nico ay isa sa malalapit na kaibigan nila ni Arnold. Silang tatlo ang madalas na magkasama noon. Hindi maintindihan ni Dianne kung bakit nag-iba ang klase ng pagtrato at pagtingin ni Nico sa kanya ngayon. Pero mas higit na hindi maintindihan ni Dianne ang sayang nararamdaman kapag kasama ang binata. At maging ang pagpapadala niya sa bawat halik at haplos nito. Hindi ito tama. Kaibigan si Nico ng dating asawa at siguradong pag-uusapan siya ng mga tao kung sakaling patuloy siyang makikitang kasama ito. At isa pa, isang sekreto ng asawa ang pinaka-iingatan niyang itago - isang sekretong nagkulong sa kanya sa pagsasama nila ng mahabang panahon. Isang sekretong hindi niya maaaring ipaalam sa ibang mga tao. Magagawa niya bang patuloy na panghawakan ang sekretong iyon at bitawan ang sariling kaligayahan?
Charm Me with Your Heart (published by PHR) by maryruthwrites
maryruthwrites
  • WpView
    Reads 109,750
  • WpVote
    Votes 2,331
  • WpPart
    Parts 13
Written: 2010 Published: 2010 by Precious Hearts Romances The Legardas Book 2 - Enzo's Story Enzo Legarda set out charms like consecutive bullet shots. Mapalad na ang babaeng hindi mahuhumaling sa kanya. If he would want a woman, he'd have her begging on her knees. Pero hindi pala lahat ng babae ay kaya niyang akitin. A concrete example was Myeisha Ciel Templonuevo. Kung iwasan siya nito ay parang siya ang pinakapangit na nilalang sa balat ng lupa. She stung him like a bee after her honey, glared at him like a lioness to its predator. At ito lang ang nag-iisang babaeng tumanggi sa kanya, the only woman who crashed his ego. He was off to play with her to get even. He had to show that woman what she was missing. Kailangan niyang ipakita rito kung paano mang-akit si Enzo Legarda. Sigurado siyang naglalaro lang siya nang i-date niya ito. Sigurado siyang biro lang nang halikan niya ito. Pero may biglang sinabi ang dalaga sa kanya-words that awakened his senses, words that changed his heart. "Don't use your charms to get me. Charm me with your heart." Paano niya gagawin iyon?
RANDY's Sweetheart 02: Loving A Stranger (Somebody's Me) by KimberlyLace
KimberlyLace
  • WpView
    Reads 99,744
  • WpVote
    Votes 1,818
  • WpPart
    Parts 12
This is the second book. Please meet Nico and Cha-Cha and enjoy Japan! :) "Alam ko sa kaibuturan ng puso ko na darating din ang araw na magtatagpo ang mga landas natin." Pumunta si Cha-Cha sa Tokyo para sorpresahin ang boyfriend niyang si Edmond na ipinadala roon ng kompanyang pinagtatrabahuhan para sa isang two-year extensive training. Hindi niya alam na pagdating doon ay siya pala ang masosorpresa. May iba na palang karelasyon si Edmond. And he was gay and in love with another man! Pakiramdam ni Cha-Cha ay natapakan ang pagkababae niya. Hindi siya makapaniwalang lalaki rin ang mahal ng salawahang boyfriend. She was hurt and devastated. Sa panahong iyon ay nakilala niya si Nico Onofre. Tulad niya ay may masakit ding pinagdaraanan ang binata dahil naman sa pagkamatay ng ina nito. It was a week of unexpected bliss with Nico. At hindi inakala ni Cha-Cha na sa loob ng napakaikling panahon ay makakalimutan niya ang mga ginawa ni Edmond at mamahalin si Nico nang buong puso. Pero hindi na nga yata siya natuto. Dahil sinaktan din siya ni Nico at iniwang luhaan at mag-isa sa Japan.
What Love Is by tyraphr
tyraphr
  • WpView
    Reads 93,757
  • WpVote
    Votes 1,708
  • WpPart
    Parts 10
Mahalaga kay Anise ang Liberty Hotel account na malaki ang maitutulong sa career niya bilang architect. What she did not expect was that once she got the account, her world would turn upside-down and she would meet Cain Ledesma who would sweep her off her feet. Pero hindi si Cain ang tipo ng lalaki na naniniwala sa pag-ibig at hindi naman siya ang tipo ng babae na susugal sa isang walang kasiguruhang relasyon. But when she got sick, Cain was there to take good care of her and no other person had ever done that to her. She could not stop her heart from falling for him pero handa na ba siyang sumugal sa buhay kasama si Cain na ang tanging nararamdaman sa kanya ay matinding physical attraction? PUBLISHED UNDER PHR. THIS IS THE RAW AND UNEDITED VERSION. (This was my second published book 😊)
RANDY'S Sweetheart 01: My Enemy, My Dream Girl by KimberlyLace
KimberlyLace
  • WpView
    Reads 134,235
  • WpVote
    Votes 2,444
  • WpPart
    Parts 13
This is the first of five books and the very first mini series that I did for Precious Hearts Romances. All five books were approved; four are already published. This series is about five boys and their journey to find their one true love. RANDY stands for each heroes name. R - Russell A - Antonio Carlos or Ace N - Nicandro or Nico D - Dash Angelo or Dash Y - Yvo Israel or Yael Book 1: My Enemy, My Dream Girl - Dash and Jane Book 2: Loving A Stranger (Somebody's Me) - Nico and Cha-Cha Book 3: From Hongkong with Love (At Last!) - Russell and Grace Book 4: Faraway - Ace and Rose Book 5: Destiny - Yael and Maggie
My Sweet Surrender COMPLETED (Precious Hearts Romances - 2012) by CelineIsabellaPHR
CelineIsabellaPHR
  • WpView
    Reads 117,194
  • WpVote
    Votes 2,326
  • WpPart
    Parts 11
"Akala ko, sa panaginip ko na lang uli mahahawakan ang kamay mo. Akala ko, kailangan ko nang matulog maghapon at magdamag para lang makita kita uli." Tuliro si Margaret. Bukod kasi sa ipinamanang sandamakmak na utang sa kanya ng ama niyang sabungero, inirereto pa siya ng madrasta niya sa isang amoy-lupang pinagkakautangan din nila. Wala siyang balak ipambayad ang sarili niya sa utang! Mabuti na lang at nakilala niya si Jedi-ang guwapong lalaking itinuro niyang boyfriend niya upang tantanan siya ng kanyang madrasta. Walang pag-aatubiling tinulungan siya nito. He was kind, lovable, and, oh, so caring. Hindi nakapagtatakang nahulog ang loob niya rito. Binale-wala niya ang kaalamang katulad ng kanyang ama, sabungero din si Jedi. Ngunit nang mas makilala pa niya ito, nag-alinlangan ang kanyang puso...