user20267433's Reading List
161 stories
Ang Pilyo Kong Gitarista (Published under PHR) COMPLETE by LianZobel
LianZobel
  • WpView
    Reads 48,049
  • WpVote
    Votes 902
  • WpPart
    Parts 23
"Naniniwala na nga ako na gusto mo na ako. Nagseselos ka, eh!" Clarie promised herself and her family na magiging priority muna ang kanyang pag-aaral. Pero nakilala niya si Raymond, ang ultimate crush ng kanilang lugar. Kinilig pa siya nang ang lalaki raw ang nakalaan ayon sa isang hula, dahil sa "signs" na nakita niya mismo sa lalaki. Lalo na nang si Raymond pa ang kusang lumapit sa kanya at hiningan siya ng tulong. But here comes Jayden, ang antipatikong pamangkin ng kapitbahay at kaibigan ng kanyang tiyahin na laging nagpapainit ng ulo niya dahil sa mga pang-aasar nito. Lagi ring panira ng diskarte ang lalaki sa pagpapa-charming niya kay Raymond. Kaya naisipan niyang maghiganti kay Jayden. Isinali niya ang pangalan nito sa isang singing contest sa fiesta ng kanilang baranggay. Pero laking gulat ni Clarie na talented pala ang binata aa pagkanta at pagtugtog ng gitara. Kaya sa halip na mapahiya, iyon pa ang simula ng pagsikat ni Jayden at maging heartthrob din ng bayan ng Manalansan! At hindi matanggap ni Clarie na pati yata siya ay nahuhumaling sa lakas ng dating ng binata... Credits to: PHR
Devoted (Completed) by xoxoxxbelle
xoxoxxbelle
  • WpView
    Reads 371,151
  • WpVote
    Votes 8,580
  • WpPart
    Parts 29
Sometimes, love could be easy and uncomplicated. Matagal nang gusto ng kanya-kanyang pamilya na magkatuluyan ang isang Punzalan at isang Soriano. Pero hindi iyon nabibigyang-katuparan dahil walang Punzalan at Soriano na nagkakagustuhan. Hanggang sa magkaharap muli ang kapwa brokenhearted na sina Mimi Punzalan at Mark Soriano. Pareho silang naglaan ng mahabang panahon at nag-invest ng pagmamahal sa mga taong hindi naman sila totoong minahal. Naisip ni Mimi, wala naman sigurong masama kung susubukan nila ni Mark na mahalin ang isa't isa. "Be my boyfriend, Mark," deretsahang sabi ni Mimi. Napamata sa kanya si Mark. "Pakiulit." "Let's be officially together. I'll be your girlfriend, you'll be my boyfriend. Subukan lang natin. Tingnan natin kung compatible tayo. Mukhang magkakasundo tayo nang husto. Guwapo ka, maganda ako. Heartbroken ka, heartbroken din ako. Iniwan ka, pinagtaksilan ako. We can heal each other. We can make each other happy." "Okay." Nagsalubong ang mga kilay ni Mimi. "Okay? Okay, let's just forget about it?" "No. Okay, let's be officially together. You'll be by girl, I'll be your man. We'll be devoted to each other. Only to each other." Magtatagumpay ba ang relasyong by choice at hindi nagsimula sa pagmamahalan? - guys, this is the unedited version, okay? patawarin po muna ako sa mga mali. happy reading! :)
Wish List Number Ten: Love Me Again by springmendezphr
springmendezphr
  • WpView
    Reads 115,786
  • WpVote
    Votes 2,701
  • WpPart
    Parts 10
Chryzelle had given Calix three hundred and sixty-five chances every year. But he wasted them all. Hanggang isang araw ay nag-quota na ang puso niya. Hiniwalayan niya si Calix na parang naging daan naman para ma-realize nito ang importansiya niya. Si Calix naman ang humabol-habol sa kanya pero dead-ma na siya sa muling panliligaw nito. Pagod na siya. Pero para namang pinapaikot siya ng tadhana. Circumstances made her closer to him again making her fall for him all over again. Until one day, she found herself agreeing to the last wish on his list. Minahal niyang muli si Calix at binigyan ng panibagong pagkakataon. But will that one thousand eight hundred and twenty-fifth chance be worth it?
WILDFLOWERS series book 1 - A Liar's Kiss by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 291,950
  • WpVote
    Votes 7,784
  • WpPart
    Parts 18
Bumalik sa Pilipinas si Stephanie at ang buong banda niya para mag-break at para mag-compose ng mga awiting gagamitin nila para sa kanilang anniversary album. Dahil wala naman siyang uuwiang pamilya sa Pilipinas, nagdesisyon siyang manatili sa isang exclusive resort upang doon mag-isip. Isang gabi, habang nanonood siya ng meteor shower sa dalampasigan ay nakilala niya si Oliver. Simbilis ito ng bulalakaw na lumapit sa kanya, hinalikan siya sa mga labi, at nawala sa kanya. Nalaman niya na nagbabakasyon din ito sa resort na iyon. She was drawn to him because he didn't seem to recognize her as a member of a popular band. So she ended up spending her days... and night with him. Subalit kung kailan akala niya ay magkakaroon ng magandang patutunguhan ang namagitan sa kanila ay nalaman niya ang katotohanan sa likod ng paglapit nito sa kanya. Na mula umpisa ay alam nito kung sino siya. That for him, she was nothing but a job he has to do to save his precious magazine...
How To Make Him Fall For You (My Boy Chinito) 'Published' by Cornynorte
Cornynorte
  • WpView
    Reads 44,940
  • WpVote
    Votes 543
  • WpPart
    Parts 17
Narda played the most dangerous game in life-the game called LOVE. Sa pag-ibig, dalawa ang maaari niyang kahinatnan: ang magkaroon ng happy ever after kasama si Strike o danasin niya ang unang pagkabigo. In the first part of the game, Narda played well dahil nakikinita niya na maaari niyang makamit ang gantimpala mula sa larong pinasukan. Pero sa bandang dulo ng laro ay unti-unting nag-iba ang takbo at mukhang nadedehado siya. Dahil si Strike ay naipit sa alanganing sitwasyon na nagdulot ng isang desisyon na maaaring magbago ng laro. And when finally Strike made a decision, hindi inaasahan ni Narda ang naging pasya ng binata. Umalis ito at nagpakalayo, at naiwan siyang talunan. But years later, bumalik si Strike at ibang-iba na sa dating Strike na nakilala niya. At ang tinamaan ng magaling, humihingi ng sorry sa kanya. Hinding-hindi niya ito mapapatawad kahit na may matinding epekto pa rin sa kanya ang ngiti nito. Naka-get over na siya sa binata at wala nang rason para patawarin niya ito. Promise.
Ikaw, Ikaw Ang Iniibig Ko by Martha Cecilia by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 973,448
  • WpVote
    Votes 15,317
  • WpPart
    Parts 21
"Kung mayroong pagkakataon para sa atin, I'll make love to you right here. In a bed of grass... at twilight." Identical twins sina Angelo at Anthony. Hindi maitago ni Wilna ang pagkamangha sa remarkable likeness ng magkapatid. Paano malalaman ng dalaga na ang iniibig niya at ang kasintahan ay dalawang magkaibang tao? Magagawa ba niyang tukuyin kung sino ang sino?
The Ladies' Man Meets Toni Villanueva by AndieHizon
AndieHizon
  • WpView
    Reads 110,453
  • WpVote
    Votes 1,733
  • WpPart
    Parts 10
Just for a day, she wanted to be the woman he loved. Oo, nababaliw na siya at wala siyang magawa para pigilin iyon. Toni automatically liked Luis the first time she saw him. Napaka-charming ni Luis at maraming kababaihan ang nahuhumaling dito, including her friends. Kailangang makuha ni Toni si Luis dahil kapag nangyari iyon ay kaiinggitan siya ng lahat. Nakahanap siya ng paraan upang mapalapit kay Luis. Kaibigan pala ito ni Japheth-her twin's best friend. Humingi siya ng tulong kay Japheth at ang kapalit ay tutulungan naman niya itong digahan ang kakambal niyang si Trinity. Alam kasi ni Toni na may gusto si Japheth sa kakambal niya ngunit sadyang torpe ang lalaki. Nangako si Japheth na tutulungan siya ngunit nang nasa proseso na sila ng kanilang "pagtutulungan" ay nagkaproblema. Habang tumatagal kasi ay naramdaman niyang nahuhulog na ang loob niya rito. Nagising na lang si Toni isang araw na nagpapanggap na may gusto pa rin kay Luis para lang may dahilan siyang lapitan si Japheth. Kaya lang, siya lang yata ang nagbago dahil si Japheth ay si Trinity pa rin ang gusto...
Sa Agos ng Tadhana (Precious Hearts Romances) by Emerald_Blake158
Emerald_Blake158
  • WpView
    Reads 73,347
  • WpVote
    Votes 1,272
  • WpPart
    Parts 13
"I had no plans of changing my lifestyle and perspectives. I thought my world would just remain the same, totally upside down. But all you did throughout this time was to make it right side up. Nagsimula ang lahat nang makilala kita sa barko. Binago mo ang takbo ng buhay ko..." HARLAN DELA RIVA. Known to be the headstrong, witty, and impulsive bachelor in his late twenties. He also happens to be the ultimate heir of Dela Riva Inc. Hindi siya magkamayaw sa napakaraming babaeng tila nahuhumaling sa kanyang pisikal na anyo, katalinuhan at kayamanan. Ngunit sa kabila ng halos perpekto niyang buhay ay isang mapait na pangyayari dalawang taon ang nakalipas. Isang bahagi ng kanyang buhay ang 'di niya na ninanais pang balikan bunga ng takot na muling mabuksan ang mga sugat at pilat ng kahapon. DAISY ANDRADA. Gentle, optimistic and softspoken. Nakahiligan na niya ang pagiging florist sa maliit na flower shop ng kanilang pamilya. Isang aksidente sa dagat ang naganap dalawang taon ang nakalilipas, at ito ang nag-iwan ng malaking pinsala sa kanyang pagkatao. Sa kabila nito, nanatili siyang puno ng pangarap, pag-asa at magagandang saloobin sa buhay. Ang tangi niyang ninanais ay isang buhay na payak ngunit mapayapa at higit sa lahat, ang makapagbigay ng inspirasyon sa mga batang may pinagdadaanan tulad niya. Iisang pangyayari sa nakaraan ang humubog ng kanilang mga buhay. Ngunit sa muli nilang pagkikita, mabura kaya ang mga sugat at pilat ng kahapon upang maging susi sa pagbabago ng kanilang mga tadhana?
ALL I ASK OF YOU (COMPLETED) by athenadelara
athenadelara
  • WpView
    Reads 88,919
  • WpVote
    Votes 1,472
  • WpPart
    Parts 11
"I love you like I find myself smiling every time I think of you and your silly antics." Isa lang ang naging pangarap ni Chelsea mula nang makilala niya ang perfect pitch at music genius na si Kristoff Miranda: Ang mahalin siya nito at pawiin ang lungkot sa berdeng mga mata nito, pati sa mga tugtuging nililikha nito. Kaya sinikap niyang mapalapit kay Kristoff sa kabila ng tahasang pagtataboy nito sa kanya. Sa huli, si Kristoff din ang sumuko. Naging malapit sila at na-in love sa isa't isa. Pero ang katuparan pala ng pangarap ni Chelsea ay pagkasira ng pangarap ni Kristoff na sumikat sa buong mundo nang tanggihan nito ang scholarship offer sa abroad dahil ayaw raw nitong mapalayo sa kanya. Pero hindi niya mapapayagang mangyari iyon. Walang maaaring humadlang kay Kristoff sa pagtupad ng pangarap nito, kahit na siya pa iyon!
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew Azcarraga by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 382,914
  • WpVote
    Votes 7,354
  • WpPart
    Parts 92
Liezl was very much contented with her life - having a stable job, a happy family and a perfect love life with her long time boyfriend na si Justin Aguirre. Idagdag pa ang best friend na laging nasa tabi niya para sumuporta, si Matthew Azcarraga, a licensed doctor. Wala na siyang mahihiling pa. Pero isang aksidente ang nagpabago ng lahat. She couldn't remember anyone from the past except her best friend. He was the doctor who was in charge of her and the only one who stayed by her side ng mga panahon na iyon. "You really can't remember anyone else?" he asked. "I can't..." kahit anong pilit niya ay wala na siyang maalala. "How about Justin?" She looked at him, puzzled. "Who's he?" Tinitigan lang siya nito pero hindi sinagot ang tanong niya. Bakit parang nag-aalangan itong sagutin siya? {This is an unedited version. There are some scenes that are only available in the published novel. The Breakers Corazon Sociedad is a series published under Precious Hearts Romances written by Venice Jacobs. The third book (Matthew Azcarraga) was published on May 2014. The series is still on going and available in all Precious Pages Book Stores & National Book Stores nationwide.}