Mga kwentong pang bata
17 stories
Alamat ng Tipaklong COMPLETED (Published by Lampara Books) by Kuya_Jun
Kuya_Jun
  • WpView
    Reads 2,973
  • WpVote
    Votes 37
  • WpPart
    Parts 1
Noong unang panahon, may isang batang nagngangalang Paklong na nangarap tumira sa palasyo. Ipinag-adya ng tadhana na matupad ang kanyang pangarap--naging kaibigan niya ang prinsipe at ang hari't reyna; nakatuntong siya sa palasyo, at nakapagsuot ng mga damit ng prinsipe. Kung naging mapagkumbaba lamang si Paklong sa kabila ng magandang kapalaran na dumating sa kanya, baka sakaling natupad ng tuluyan ang kanyang pangarap na maging tunay na prinsipe. Sa halip, siya ay naging-\ TIPAKLONG!
Alamat ng Palay COMPLETED (Published by Lampara Books) by Kuya_Jun
Kuya_Jun
  • WpView
    Reads 1,487
  • WpVote
    Votes 54
  • WpPart
    Parts 1
Alamat ng Palay Kuwento ni Segundo D. Matias, Jr. Guhit ni Zeus Bascon Noong unang panahon sa isang kagubatansa Asya, may isang halamang nakaligtaang bigyan ng pangalan ng diwata ng kagubatan. Gayunpaman, inialay ng halamang walang pangalan ang buhay nito upang iligtas ang kagubatan sa maitim na balak ng mga mananakop. Dahil doon, nakamit ng halaman ang karangalang maging palay-isa sa pinakamahalagang butil sa buong mundo.
Alamat ng Gagamba COMPLETED (Published by Lampara Books) by Kuya_Jun
Kuya_Jun
  • WpView
    Reads 1,653
  • WpVote
    Votes 42
  • WpPart
    Parts 1
Alamat ng Gagamba Kuwento ni Segundo D. Matias, Jr. Guhit ni Zeus Bascon Noong unang panahon, may isang mahusay na manghahabi. Wala na siyang ibang ginawa kundi maghabi nang maghabi. Hinabi niya ang mga damit ng kanyang mga kanayon, hinabi rin niya ang damit ng mahal na reyna, hinabi pa rin niya ang kasuotan ng isang bukas-palad na diwata. Ngunit kasabay ng kanyang pagsikat bilang manghahabi ay naging labis na mapagmataas at mayabang siya. Alamin sa makabagong alamat na ito ang pinagmulan ng gagamba at ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kababaan ng loob sa panahon ng tagumpay at kasaganaan.
Alamat ng Ahas COMPLETED (Published by Lampara Books) by Kuya_Jun
Kuya_Jun
  • WpView
    Reads 2,185
  • WpVote
    Votes 33
  • WpPart
    Parts 1
Alamat ng Ahas Kuwento ni: Segundo D. Matias Jr. Guhit ni Ibarra Crisostomo Noong araw sa isang lugar na hindi na matukoy, may dalawang lalaking matalik na magkaibigan: Sina Arman at Dumaz. Si Arman ay may kasintahan na nagngangalang Doray, na ang pangarap ay makatulong sa kanyang mga kanayon. Sa kagustuhan nilang matupad ang pangarap ni Doray, tinunton nina Arman at Dumaz ang isang yungib na may nakabaong ginto. Ngunit dahil sa ginto, nasira ang pagkakaibigan nina Arman at Dumaz. Ipinagkanulo ng isa ang buong pagtitiwala ng isa. Alamin sa makabaong alamat na ito ang pinagmulan ng ahas at kung bakit nanunuklaw ito.
Ang Sarimanok (Published by Lampara Books, Completed) by Kuya_Jun
Kuya_Jun
  • WpView
    Reads 2,830
  • WpVote
    Votes 42
  • WpPart
    Parts 1
Ang Sarimanok Kuwento ni Segundo Matias Jr. Guhit ni Erwin Arroza
Mga Kuwento Ni Kuya Jun - Joseng Dalag (PUBLISHED under Lampara Books) by Kuya_Jun
Kuya_Jun
  • WpView
    Reads 1,685
  • WpVote
    Votes 40
  • WpPart
    Parts 1
Children's Book
Alamat ng Pagong COMPLETED (Published by Lampara Books) by Kuya_Jun
Kuya_Jun
  • WpView
    Reads 5,666
  • WpVote
    Votes 32
  • WpPart
    Parts 1
Alamat ng Pagong Kuwento ni Segundo D. Matias Jr Guhit ni Ghani Madueño Noong unang panahon, may isang lalaking pinagkaitan ng magandang kinabukasan. Ngunit dahil sa kanyang busilak na puso ay ginantimpalaan siya ng pagkakataong umunlad sa buhay. Ngunit ang magandang kapalarang ipinagkaloob sa kanya ay kanyang inabuso, at dahil dito, siya ay isinumpang maging isang makupad na hayop. Alamin sa makabagong alamat na ito ang pinagmulan ng pagong at ang kapalit ng pagiging mapagmataas.
Alamat ng Bawang COMPLETED (Published by Lampara Books) by Kuya_Jun
Kuya_Jun
  • WpView
    Reads 2,587
  • WpVote
    Votes 53
  • WpPart
    Parts 1
Alamat ng Bawang Kuwento ni Segundo D. Matias Jr. Guhit ni Jomike Tejido Noong unang panahon, may isang barangay sa hilaga na pinagyayarihan ng di-maipaliwanag na pagkawala ng mga ani. Si Sakwel, ang bunsong anak ng datu, ang nakatuklas sa di-mabuting gawain ng mga taong-puti. Ngunit sa halip na parusahan niya ang mga ito ay inaruga niya ang mga ito at pinakitaan ng ganap na kabutihan. Alamin sa kuwentong ito ang pinagmulan ng bawang at kung bakit kumpul-kumpol ang mga klabo nito, gayundin ang maaaring makamit na biyaya mula sa kasipagan at kabutihang-loob.
Alamat ng Rosas COMPLETED (Published by Lampara Books) by Kuya_Jun
Kuya_Jun
  • WpView
    Reads 3,719
  • WpVote
    Votes 85
  • WpPart
    Parts 1
Alamat ng Rosas Kuwento ni Segundo D. Matias Jr. Guhit ni Ghani Madueño Noong unang panahon, may isang reynang namumukod-tangi ang kagandahan na namumuhay nang maligaya sa piling ng kanyang asawang hari. Isang karibal na hari ang naghangad sa kanya at ipinadukot siya, samantalang isang mainggiting mangkukulam naman ang naghangad sa kanyang magandang mukha at buong kataksilang kinuha iyon sa kanya. Alamin sa kuwentong ito ang pinagmulan ng rosas-kung gaano kalaki ang pagmamahal ni Haring Hulio kay Rosa, at kung paano nagkaroon ng mga tinik ang rosas.
Ang Batang Galit sa Lamok COMPLETED (Published by Lampara Books) by Kuya_Jun
Kuya_Jun
  • WpView
    Reads 851
  • WpVote
    Votes 18
  • WpPart
    Parts 1
Ang Batang Galit sa Lamok Kuwento ni Segundo D. Matias, Jr. Guhit ni Domz Agsaway Lagnat? Sakit ng ulo? Pananakit ng kalamnan at kasu-kasuan? Mga pantal sa balat? Hindi ba't sintomas ng dengue ang mga iyan? Naku, dengue nga! Waaa! Basahin sa aklat na ito ang naging karanasan ng isang batang dinapuan ng dengue at kung anong mahalagang aral ang kanyang natutuhan.