SofiaFrancesca
23 stories
Barely Heiresses Series: BERRY (COMPLETED) by Sonia_Francesca
Sonia_Francesca
  • WpView
    Reads 217,524
  • WpVote
    Votes 5,733
  • WpPart
    Parts 20
Tahimik ang buhay ni Berry sa isang squatter's area sa Tondo, nang dumating ang isang hindi niya inaasahang suwerte. Isa raw siya sa tagapagmana ng isang mayamang don mula sa Sagada, sabi ng guwapong abogado na naghanap sa kanya. Pero may mga kundisyon ang lolo niya bago niya makuha ang kanyang mana. Isa na roon ang maging mahinhin na dalaga na babagay sa dadalhin niyang pangalan ng kanilang angkan. Tsiken! Madali lang iyon kay Berry lalo na at ang guwapong abogado ang tutulong sa kanya para maging prinsesa. Ang problema, nalaman ni Berry na may sarili ding agenda si Atorni kaya siya nito tinulungan. At ang mas malaking problema, apektado siya dahil nangarap siyang pupuwede sila kahit malayo siya sa babaeng magugustuhan nito. Sabi na nga ba, eh. Dapat nanahimik na lang siya sa isang tabi at nagbilang ng kanyang kayamanan. Pahamak talaga ang puso kahit kailan.
CALLE POGI #3: WAKI (completed) by Sonia_Francesca
Sonia_Francesca
  • WpView
    Reads 137,536
  • WpVote
    Votes 3,495
  • WpPart
    Parts 16
Lumaki si Jazzy na tinitingala ang kanyang Kuya Bucho. Lahat na kasi ay narito. Galing, talino, may itsura at napakabait. Isang perpektong role model. Ni minsan ay hindi niya ito nakitaan ng kahit na anong mali. Kaya laking disappointment niya nang iwan nito ang lahat para sa maging simple at ordinaryong kapitan ng isang maliit na barangay ng Calle Pogi. Dahil hindi matanggap ang naging desisyon nito, nagtungo siya roon. Balak niyang sirain ang reputasyon ng lugar na iyon para layasan na iyon ng kuya niya at bumalik na ito sa agency nila. But there she met one of its residents. Ang pinakasikat na aktor ng bansa na si Waki Antonio. Pero unang kita pa lang nila ay nagkabanggaan na sila dahilan upang mauwi siyang bodyguard nito at makilala ito ng husto. Now she had to choose between the man she idolized and the man who taught her how to love.
CALLE POGI:  RYU  (Completed) by Sonia_Francesca
Sonia_Francesca
  • WpView
    Reads 102,868
  • WpVote
    Votes 3,049
  • WpPart
    Parts 17
Bigo, galit sa mundo at nasuong sa panganib si Cari. Kaya kinuha niya ang serbisyo ng security expert na si Kim Jaze Asuncion. Dinala siya nito sa Brgy. Calle Pogi upang mailayo at maitago siya sa nagtangkang dumukot sa kanya. Pagkatapos ay ipinasa siya nito sa mga kamay ni Mr. Low Profile Ryu Eustaquio. Pero imbes na protektahan ay ginawa lang siya nitong katulong dahil sa nasira niya ang bukbuking gate ng mas bukbukin nitong bahay. They clash everytime they see each other. Gayunman, sa tuwing nalalagay naman siya sa panganib ay ang antipatikong binata ang laging nasa frontline. Hindi tuloy maiwasang isipin ng pasaway niyang puso na maaaring may pagtingin ito sa kanya. Uuuuy, tsismis!
Stallion Riding Club 6: Neiji Villaraza (COMPLETED) by Sonia_Francesca
Sonia_Francesca
  • WpView
    Reads 391,484
  • WpVote
    Votes 8,640
  • WpPart
    Parts 10
Boring ang buhay ni Winry. Wala na siyang social life, wala pa siyang lovelife. And she's not getting any younger. Kaya nang mamatay ang matandang dalaga niyang tiyahin, nangako siya sa kanyang sarili na hinding-hindi siya matutulad dito na namatay ng malungkot at walang kasama. Nagbago ang lahat sa buhay niya nang makita niya isang madaling araw ang takaw-trabahong si Neiji Villaraza sa isang café bar. She immediately fell for him. Ang problema, isang beses lang niya itong nakita at imposible na uli silang magkasama. Hanggang sa manalo siya sa isang raffle promo. And premyo? A date with one of the commercial's hunks. Kung saan isa roon si Neiji. She could have her chance again. Pero iba ang sumundo sa kanya. Where's her chance?
Stallion Riding Club 1: Jubei Bernardo (COMPLETED) by Sonia_Francesca
Sonia_Francesca
  • WpView
    Reads 630,647
  • WpVote
    Votes 16,579
  • WpPart
    Parts 10
Nagrerebelde si Temarrie. At sa gitna ng pakikipagsapalaran niya sa galit ng ama, mga kapatid at lintik na holdaper, natagpuan niya si Jubei. Ay mali, si Jubei pala ang nakatagpo sa kanya. Kasalukuyan siya noong nakikipagnegosasyon sa holdaper nagn sumulpot na lang ang lalaki mula kung saan. Nailigtas siya nito. Kaso, ang pera niya, hindi. Importante pa naman iyon sa kanya. Napundi yata sa kanya ang lalaki sa kakakulit niyang bayaran nito ang kanyang perang nawala nagn dahil dito. Kaya bigla na lang siya nitong ipinakulong, saying na isa siyang miyembro ng malaking sindikato. Isinumpa niya ang lalaki sa lahat ng santong kilala niya. Pero ang hindi niya akalain, sa lahat ng santo rin iyon siya haharap...kasama ng lalaking isinumpa niya. Because Jubei was the man her father wanted her to marry. Eto ang matindi, narinig at nakita pa niya ang lalaki nang mag-propose ito ng kasal sa ibang babae. O di ba ang saya? ***side note*** Post ko muna itong story ni Jubei dahil may kailangan akong gawin dito sa Wattpad. Sa mga di pa nakakapagbasa nito, hope you'll enjoy reading the first ever Stallion boy. Sa mga nakabasa na at nami-miss uli ito basahin, hope you'll enjoy re-reading this. Sa mga nakabasa na na ayaw na basahin uli, apir na lang tayo hehehe!