Pulosa trilogy
3 stories
Zeph COMPLETED (PREVIEW) by Victoria_Amor
Victoria_Amor
  • WpView
    Reads 270,621
  • WpVote
    Votes 7,584
  • WpPart
    Parts 32
UNEDITED COPY. Nakilala ni Ara si Zephyrus "Zeph" De Villar nang gabing tumakas siya para hindi maging biktima ng white slavery. Dinala siya ng lalaki sa hotel na tinutuluyan nito. Noong una ay hindi niya ito pinagkatiwalaan. Pero nang mga sumunod na araw ay napatunayan niyang mabuti itong tao. Sapat na ang naging tulong ni Zeph sa kanya para makauwi siya nang ligtas sa kanilang probinsiya. Pero may isang "trabahong" inialok ito sa kanya bago siya umalis. Isang nakakatuksong alok para sa isang gaya niyang nangangailangan-ang maging girlfriend ng lalaki sa harap ng ina. At natukso nga siya. Hindi nga lang niya naisip na sapat ang sampung araw para mahulog ang loob niya kay Zeph.
Ed (PREVIEW ONLY) by Victoria_Amor
Victoria_Amor
  • WpView
    Reads 254,436
  • WpVote
    Votes 3,381
  • WpPart
    Parts 24
UNEDITED version. Teaser: Daisy wanted a perfect man. May check list siya ng mga katangiang kailangang taglay ng kanyang Mr. Right. Ang ilan sa 'must have'- guwapo, matalino, galing sa matinong pamilya at mayaman. Mala-fairy tale rin ang pangarap niyang love story. Keyword: Perfect. Pero sabi nga sa kanta ni Bruno Mars: She wanted someone that's perfect. Well okay, but can you tell me who is? Ang lalaking nasa tabi niya ay wala yata ang mga katangiang nasa listahan-abs lang ang meron, madilim pa ang isang bahagi ng nakaraan. Pero bakit tuwing umaalis si Edgar ay lagi niya itong nami-miss? At tuwing biglaang nagpapakita ay nakikita niya ang sariling laging lumalapit rito? Natakot si Daisy nang maisip ang posibilidad: Hindi kaya nahuhulog siya sa isang Mr. Wrong sa halip na Mr. Right? Paano na? Puso o check list?
Zeus--PREVIEW ONLY by Victoria_Amor
Victoria_Amor
  • WpView
    Reads 329,288
  • WpVote
    Votes 2,465
  • WpPart
    Parts 10
Maraming hindi magagandang alaala ng kabataan si Ingrid kay Zeus De Villar, ang lalaking crush ng bayan ngunit wala nang ginawa kundi inisin siya. Pati paborito niyang camote cue moments noong twelve years old siya ay sinisira nito. Ang pinakamalala, sinira nito ang pang-fairy tale na first kiss na pantasya niya! At pagkatapos siyang halikan, hindi na ito nagpakita. Sa pagluwas ni Ingrid sa Maynila ay nakilala niya si Elton. Agad siyang nagkagusto sa binata. Sa tingin niya ay pareho sila ng nararamdaman. Balak na niyang aminin ang nararamdaman sa lalaki pero nahuli niya itong kahalikan ang seksing kaibigan niya. Sa labis na sama ng loob ay nagpasya siyang umuwi sa probinsiya nila. Pero may problema. Iniiwasan niyang umuwi roon tuwing summer dahil ganoong panahong nagbabalik si Zeus sa lugar. Pero bahala na. Sa pag-uwi niya ay umuwi rin si Zeus. At mas malaki ngayon ang problema ni Ingrid. Dahil ang halik ni Zeus ang lagi niyang naiisip kapag nagtatama ang mga mata nila.