MissWeeber
- Reads 1,022
- Votes 39
- Parts 34
Nanlaki ang mata ko , anong... anong klaseng nilalang tong nasa harapan ko?!
Walang nagsalita sa amin, nakatingin siya sa mga mata ko... napa atras ako, nakakatakot... nakakatakot ang mga mata niya! Pero laking gulat ko ng umabanti ito, umatras muli ako hanggang sa naramdaman ko ang malamig na puno sa likuran ko.
"A-Anong kailangan mo s-sakin?! A-anong klaseng n-nilalang ka?! "
Sigaw ko, sa halip na magsalita ay inilapit pa niya ang ulo niya sa akin.
"A-anong... "
"Sumama ka sa akin, please . "
Malamig ang boses niya, malamig na para bang walang buhay... biglang nanginig ang tuhod ko, Anong pinagsasabi niya?!
---------
Tumanggi ako.... pero hindi siya tumigil sa kakapilit sa akin.
Ang matahimik kong buhay ay nagbago simula nong sinabe niya ang mga katagang 'yun.
Paano nalang pag may nalaman ako sa nakaraan ko? Sasama ba ako sa kanya? kakalimutan ko na ba ang dating "ako" at mabuhay sa panibagong "ako"?
? At ano nga ba ang kinalaman ko sa mga Bampira??
CP: Nico Lee ^_^