Martha Cecilia
29 stories
Sweetheart 5 - All My Love (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,606,629
  • WpVote
    Votes 30,804
  • WpPart
    Parts 28
Siyam na taon si Lara nang una niyang makita si Jaime, ang binatilyong ampon ng lola niya. Kinaiinisan niya ang pagiging malapit nito sa sarili niyang ina. Sa pakiramdam niya'y lahat ng mahal niya'y nakuha na ni Jaime ang atensyon. She was seventeen nang makita niya ang sariling ina sa silid nito kayakap ang binata. Pero walang gustong maniwala sa kanya, kahit ang sariling ama na ganoon na lang ang pagmamahal sa asawa at tiwala kay Jaime. Siya ang gumawa ng pasya. She left her home. Nang mamatay ang mga magulang niya'y muli siyang nagbalik upang malamang kay Jaime ipinamana ng mama niya ang villa, ang inheritance na dapat ay sa kanya. She despised him. Pero bakit hindi magkapuwang ang ibang lalaki sa buhay niya? Bakit sa kabila ng galit niya'y nadadarang siya kay Jaime.
Impostor - COMPLETED (Published by PHR) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,550,730
  • WpVote
    Votes 34,894
  • WpPart
    Parts 25
Bago siya nawalan ng malay ay si Divina Ventura siya, a twenty-year-old student. Nang muli siyang magmulat ng mga mata'y siya na si Mariz Florencio. Twenty-nine and married to a famous handsome businessman, Jason Florencio. At tinaglay niya ang pinakamagandang mukhang nasilayan niya. At ang lalaking ninais niyang hangaan ang kagandahan ng mukha niya'y kinasusuklaman siya. Hindi siya maaaring manatiling asawa ni Jason dahil nakatakda siyang idiborsiyo nito. At lalong hindi siya maaaring bumalik bilang si Divina Ventura dahil taglay niya ang mukha ni Mariz Florencio. Kasamang namatay ng tunay na Mariz ang mukha ni Divina. Kaninong identity ang tataglayin niya?
Only You (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 881,002
  • WpVote
    Votes 16,067
  • WpPart
    Parts 18
Maari ko bang hingin ang gabing ito, Nico? Love me, please..." isang araw ay sinabi ni Erika sa lalaki. Dose anyos pa lamang siya ay hindi na niya gusto si Nico; ang anak ng stepfather niya. Sampung taon ang ang lumipas ngunit walang nagbago sa damdamin niya. At ang dislike ay nauwi sa hatred nang ilayo siya ni Nico kay Cholo nang araw na handa na niyang ipagkaloob ang sarili sa kasintahan. Ano ang nangyari at tila nagmamakaawa siya ngayong hingin ang pag-ibig ni Nico?
Sweetheart 6 - Mrs. Winters (Soon Your Name And Mine Are Going To Be The Same) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,458,884
  • WpVote
    Votes 28,730
  • WpPart
    Parts 27
Mula pagkabata'y lihim na minahal ni Kate si Rafael. Subalit ang playboy ng San Ignacio College ay iba ang pinagtutuunan ng pansin, ang kaibigan matalik ni Kate na si Moana. Si Moana na ang gusto'y si Vince. Kahit na nasasaktan ay nagparaya si Kate, walang lakas ng loob na sabihin ang nararamdaman. Sa gabi ng graduation party ni Moana ay natuklasan ni Rafael na mali pala ito ng pinag-ukulan ng damdamin. At ang tunay na pag-ibig ay nasa tabi lang pala nito. Subalit paano pa nito maipaparating kay Kate ang damdamin gayong ang buong pamilya nito'y nangibang bansa na?
Kristine Series 1: The Devil's Kiss (Beso del Diablo) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,605,678
  • WpVote
    Votes 37,223
  • WpPart
    Parts 17
Dumating sa Paso de Blas si Emerald upang sa unang pagkakataon ay makatagpo si Leon Fortalejo, ang lolo niya. At upang linisin ang pangalan ng daddy niya. Subalit sa unang araw pa lang ay sa mga kamay na ng kaaway siya bumagsak, kay Marco de Silva. At, eh, ano, kung si Marco ay may pinakaseksing ngiti na nakita niya? At, eh, ano rin kung masarap at mahusay itong humalik? Isa pa rin itong kaaway at gusto nitong pagbayarin siya sa kasalanan ng daddy niya.
Sweetheart Series 3 (You Belong To My Heart) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,292,267
  • WpVote
    Votes 26,629
  • WpPart
    Parts 20
"You belong to me, sweetheart, to my heart, now and forever." Hindi mapaniwalaan si Joana na makalipas ang pitong taon ay muling nagbalik sa buhay niya si Franz. Seven years of heartache pero mukhang determinado si Franz na patuluy siyang magdusa sa kasalanang bagaman hindi niya ginawa ay inako niya. Isa lang ang alam niyang solusyon upang matahimik na silang pareho, ang magpakasal kay Arnel.
Be My Love, Katherine COMPLETED (Published by PHR) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 597,279
  • WpVote
    Votes 12,023
  • WpPart
    Parts 18
"I'll make you fall in love with me, Katherine. Maybe then... you'll stay." Makalipas ang sampung taong paninirahan sa Amerika ay nagbalik si Katherine sa bayan nila. Hindi upang manatili kundi upang sapilitang magbigaygalang sa tinakasang ama. Doo'y muling nakita ng dalaga si Emilio, na isang munting bahagi lamang ng kabataan ni Katherine. Aakalain ba niyang an payat at matangkad na Emilio noon ay isang guwapong "hunk" na ngayon? Ngunit paano palalayain ni Emilio si Katherine sa isang masakit at di-malimot na kahapon.
My "I Love You" Girl (Published under PHR) by phrladyj27
phrladyj27
  • WpView
    Reads 20,953
  • WpVote
    Votes 108
  • WpPart
    Parts 2
Si Scarlett de Asis ay ultimate stalker ng band vocalist ng kanilang school na Collegio de Sto. Niño, na si Brayden Navarro. Hindi lamang ang boses nito ang kinagiliwan niya kundi pati na rin ang personality. Sa kabila ng katotohanang may girlfriend na ang binata ay hindi iyon naging hadlang para lalong lumalim ang kaniyang pagtingin para dito. Kaya nga ikinatuwa niya nang mapansin siya ni Brayden at ang nakakaloka pa ay nalaman niyang single na ulit ito. At nong ligawan siya ng binata ay hindi na niya ito pinatagal pa, agad niyang sinunggaban ang pagkakataong iyon. Pero nagtataka siya kung bakit ni minsan ay hindi nito binabanggit sa kaniya ang magic words na 'I love You'. Hanggang sa may nalaman siya tungkol sa binata. Iyon ang naging dahilan ng kaniyang first ever heartache. Lumayo siya para makalimot.
Midnight Phantom by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 842,478
  • WpVote
    Votes 19,079
  • WpPart
    Parts 25
Si Brandon Brazil - ang Midnight Phantom. Isang guwapong DJ. Magnificently male. With a voice that would make a nice girl go bad. Subalit patuloy na nakakulong sa babae ng kahapon. Si Anya - ang thirty-nine-year-old stepmother. Kasalanan ba niya kung bakit nanatiling may poot sa dibdib ang Midnight Phantom? Ano ang lihim ng kanyang pagkatao? Si Nadja - ang magandang stepdaughter who fell in love with the voice of the Phantom. Hinangad na makatagpo ito sa kabila ng hindi ito nakikiharap sa mga adoring fans. Pinagbigyan siya ng DJ at dinala sa Phantom Island. Isang disimuladong kidnapping. Silang tatlo, caught in a web of love, deceit, and vengeance.
Love Trap (COMPLETED) Published by PHR by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 923,891
  • WpVote
    Votes 19,674
  • WpPart
    Parts 32
Naniniwala siyang higit ang pagtinging inuukol niya kay Lola Emilia kaysa sa sarili nitong apo, si Robb, whose true to life experience was made into a movir and became a big hit. Kaya walang dahilan upang tumanggi si Serena sa suhestiyon nito na magkunwari silang magkasintahan upang mapaligaya ang mga huling araw ng buhay ng matanda. Mula sa inosenteng pagkukunwaring iyon ay natagpuan niya ang sariling taglay na ang pangalan ni Robb nang magpakasal nila- kasal na tiniyak ni Robb na ipaa-annul nito sa sandaling matapos na ang silbi niyon. Subalit habang lumilipas ang mga araw ay natagpuan ni Serena ang sariling umiibig dito. Subalit paano ang nalalapit nilang annulmentÉ At ano ang gagawin niya gayong dinala ni Robb sa bahay nila ang magandang babae sa katauhan ni Yvette?