Beatrice
bluecoloredpen
- MGA BUMASA 397
- Mga Boto 77
- Mga Parte 10
Meet Beatrice Bueno. Pure Filipina, and pure maganda. Makinis, maputi, mahinhin, palakaibigan at mayaman. Madamimg manliligaw pero ni isa wala syang sinagot.
Sa tingin ng lahat ay perpekto na ang kaniyang katangian pati na rin ang pamumuhay ngunit doon nakahimlay ang isang pagkatao na hindi alam ng iba.
Maldita, maarte at higit sa lahat, kung anong gusto niya, makukuha niya. Mabait siya ng ngunit gagawin niya ang lahat makuha lamang ang kaniyang nais. Isang bagay na alam niyang hindi niya nararapat sa kaniya ngunit ninanais pa rin niya.
Aphaea Alcaraz. Independent woman. Yung tipong dapat mahinhin yung mga babae noon ngunit mas pinili niyang maging masculine. Nakikipagbunong-braso sa mga lalaki at hindi siya nanampal ng mga babae. Nanununtok, oo.
Bahagi ang pamilya nila sa mga taong nasa mataas na lipunan. Ang pinagkaiba lamang nila ni Beatrice eh, siya handa niyang ipakita kung sino siya. Wala siyang pake sa mga sinasabi ng kung sino man dahil busy siya sa pagiging siya kesa sa gusto ng mga tao na maging siya.
Ang pinakamahirap na sigurong kalaban ay ang iyong matalik na kaibigan. Dahil ang dating matalik na magkaibigan ay naging isang mortal na magka-away. Hindi lang dahil sa iisang ginoo ang kanilang minahal, ngunit dahil na rin sa kanilang katayuan sa lipunan at sa eskwelahan.