Precious hearts romances
83 stories
Sweetheart 1 COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 904,025
  • WpVote
    Votes 13,549
  • WpPart
    Parts 21
Sweetheart 1 By Martha Cecilia "Ikaw ang aking panaginip... ang aking magandang pag-ibig." Isang matinding crush ang umusbong sa batang puso ni Kimberly para kay Renz noong sixteen siya. Love letters and gifts, waltz and a song, promises and the very first kiss. All grew into a beautiful love noong eighteen siya under the stars and the moonlight. Mananatili ba ang magandang pag-ibig when she was already pregnant at eighteen at si Renz at tumalikod sa pangako?
Señorito Series 3: Aristeo COMPLETED (Published by PHR) by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 409,931
  • WpVote
    Votes 9,611
  • WpPart
    Parts 24
Walang pag-aalinlangang sinunod ni Agripina ang pakiusap ng kanyang kaibigan na i-deliver ang isang sulat sa Alvarossa Island. Pagdating sa isla, saka niya natuklasan ang katotohanan-na ibinenta pala siya ng kanyang kaibigan sa lalaking pagbibigyan niya ng sulat para maging asawa nito. Sa tindi ng galit, hindi nagawang i-appreciate ni Agripina ang kaguwapuhan ni Aristeo Cuevas III. Sukdulang magkatabi na sila sa higaan ay hindi pa rin niya magawang pansinin ang pagpapalipad-hangin ni Aristeo, gayong pareho nilang alam na kahit kailan ay wala pang babaeng tumanggi rito...
Señorito Series 2: Robertito COMPLETED (Published by PHR) by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 204,600
  • WpVote
    Votes 4,912
  • WpPart
    Parts 15
Ang balak lang ni Perdita ay ipakilala ang anak ng yumaong kaibigan niya sa ama nito para mabigyan ng magandang kinabukasan ang bata. Pero hindi ganoon ang nangyari. She ended up agreeing to marry Ronald, the child's father. Pumayag lang siya sa proposal para tulungan si Ronald na pagtakpan ang pagiging miyembro nito ng federasyon. Pero tinangay siya ni Robertito-ang kapatid ni Ronald. Kailangan kasi ng lalaki ng pera at ayaw aprubahan ang loan nito sa kompanyang pag-aari ng sariling pamilya. At wala itong balak na isauli siya kay Ronald hangga't hindi naaaprubahan ang loan! Sa lahat naman ng na-kidnap, si Perdita lang ang nagdasal na huwag sana siyang tubusin dahil nabighani agad ang puso niya sa kanyang abductor. At sa lahat naman ng mga kidnapper, si Robertito lang ang masama ang loob nang ibigay na rito ang ransom para sa kanya.
Señorito Series 1 : Algernon COMPLETED (Published by PHR) by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 296,476
  • WpVote
    Votes 6,761
  • WpPart
    Parts 17
Dahil frustrated sa trabaho bilang real estate agent, tinanggap agad ni Tipper ang alok ng TV personality na si Margot Soriano na magpanggap na maid at mag-apply kay Alberto Fierro, ang action superstar na kasalukuyang nagtatago sa Tranquility Island. Gusto ni Margot na mag-spy siya sa aktor. Kaya ora mismo, lumipad siya papunta sa isla. Ang nadatnan ni Tipper doon ay isang lalaking nagpanganga sa kanya. Alberto was indeed larger than life. Tall, dark and brooding. Ang kaguwapuhan nito ay hindi dala ng matangos na ilong o ng nangungusap na mga mata kundi ng karakter. Hanggang sa ipakilala nito ang sarili. "You see, my dear Tipper, my name's 'Algernon.' Algernon Tobias Fierro, Alberto's older and more dashing brother." Biglang nagdoble ang tingin niya sa lalaki.
Blush Series 2: Crush Clash by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 230,605
  • WpVote
    Votes 5,913
  • WpPart
    Parts 18
Alam ni Rima sa sarili na hindi lang siya pang-promo girl sa supermarket na nagpapa-sample ng iba't ibang produkto. She had proven herself right nang matanggap siyang account executive sa isang kompanya. From selling instant noodles, she would now be selling toilet bowls. Well, not bad dahil galing naman iyon ng Italy. Pero mainit ang dugo ng boss ni Rima sa kanya. Wala nang alam gawin si Andy-her boss-kundi awayin siya. In one of their fights, she bit his finger-hard. She was fired. Sa awa ng bratitat na anak ni Andy, kinuha siya nitong yaya. From promo girl, yaya ang kinabagsakan ni Rima. Siya na yata ang halimbawa ng naghanap ng kagitna, isang salop ang nawala. Kaya? Eh, fifteen thousand pesos naman daw ang suweldo plus allowance. Meron pang isang benefit na hindi niya alam. Si Rima pala ang napili ng anak ni Andy na maging new mommy nito. That was some benefit that was hard to resist.
Blush Series 3: Crush Curse (Completed) by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 289,859
  • WpVote
    Votes 6,259
  • WpPart
    Parts 18
"Akitin mo si Kuya Mack," request kay Mirinda ng kaibigang si Beka. Gusto na kasi nitong lumagay sa tahimik. Kaso, may patakaran ang istrikto nitong kuya. Hindi puwedeng magpakasal ang kaibigan niya hanggang binata ang diktator nitong kapatid. Inis si Mirinda kay Mack dahil sinasabihan siya dati na bad influence kay Becka. Pinag-resign pa ng lalaki sa trabaho ang kapatid para tuluyang mailayo sa kanya. Kaya nagtaka siya kung bakit napapayag sa request ni Beka. Maybe she was just plain stupid. Or was it something else? Because Mack may be tyrannical, but he was also irresistibly gorgeous.
UNEXPECTEDLY (COMPLETED) by BethanySyLove27
BethanySyLove27
  • WpView
    Reads 120,471
  • WpVote
    Votes 2,136
  • WpPart
    Parts 13
"Hindi mo lang alam kung gaano ko katagal na hinintay ang tamang panahon para sabihin sa 'yo kung gaano kita kamahal." Basted si Patty kay Kurt kaya sa galit ay hindi niya ito kinausap nang ilang taon. Pero hindi maiiwasang makita niya ang lalaki dahil bukod sa magkapitbahay sila at magkaibigan ang kanilang mga magulang, best friend din niya si Zac, ang kakambal ni Kurt. Matitiis sana ni Patty na makita ang pagmumukha ni Kurt, kaso may isa pa itong atraso. Sa hindi niya malamang dahilan, sinabi nito sa lahat ng mga nagtatangkang manligaw sa kanya na may dala siyang sumpa. Lahat daw ng naging boyfriend niya, kung hindi naaksidente ay naholdap, o kaya ay minalas. Kaya nagalit siya kay Kurt. Hindi naman siya tinantanan ng paliwanag ng binata. Kasabay niyon ay sinuyo siya nang katakot-takot. Nagawang tunawin ng pagmamahal nito ang galit niya. Kurt proved to her that he deserved to be loved. Nagtaka siya. Binasted na siya nito dati, hindi ba? Nasagot naman ang lahat ng katanungan ni Patty nang malamang ang katuparan pala ng pag-iibigan nila ni Kurt ay kalungkutan ang dulot sa taong kapwa mahalaga sa kanilang mga puso...
MY EXTRA ORDINARY YOU (COMPLETED) By: BETHANY SY  by BethanySyLove27
BethanySyLove27
  • WpView
    Reads 105,101
  • WpVote
    Votes 2,156
  • WpPart
    Parts 12
Gumuho ang mundo ni Cyrene nang mahuli niya ang boyfriend niyang may kaniig na babae sa kama nito. Sa sobrang sakit na naramdaman ay sa pagkain niya ibinunton iyon. Namalayan na lang niyang palobo nang palobo ang katawan niya. Bale-wala lang naman sana iyon sa kanya kung hindi lang siya tinawag ni Lanter na "mataba" at "manang." Palibhasa, ubod ito ng guwapo. Dahil doon ay tinangka niyang gayumahin ang matagal na niyang crush na pinsan nitong si Josh para ipamukha kay Lanter na magkaka-love life siya kahit mataba siya. Pero kung kailan hinihintay na niya ang resulta ng ginawa niyang panggagayuma kay Josh ay saka naman biglang bumait si Lanter sa kanya. Kung suyuin siya nito ay para siyang isang prinsesa. Diyata't dito umepekto ang gayuma? Parang gusto tuloy niyang uminom ng isang box na slimming tea.
SUKI DAKARA (COMPLETED) by BethanySyLove27
BethanySyLove27
  • WpView
    Reads 53,712
  • WpVote
    Votes 1,131
  • WpPart
    Parts 11
Suki Dakara (I Love You, After All) By Bethany Sy published year 2016 PHR "Kapag hinalikan mo ako, para mo na rin akong inalisan ng karapatang umalis sa tabi mo." Hinanap ni Jean si Mr. Right sa halip na magmukmok sa isang sulok at indahin ang sakit na dulot ng paghihiwalay nila ng unang boyfriend. Nakilala ni Jean si Zac nang lakas-loob siyang makisakay sa kotse nito pagkatapos niyang mahuli ang kanyang boyfriend na nagtataksil. Ang buong akala ni Jean ay iyon na ang huling pagkikita nila. Pero naulit iyon nang iligtas siya ni Zac sa muntik nang pagkapahamak sa kamay ng lalaking nakasalubong niya sa labas ng isang bar. Natagpuan na lang ni Jean ang sarili na ipinapakilala si Zac sa kanyang mga magulang bilang boyfriend. Sumang-ayon ang binata sa pagpapanggap nila pero hindi niya akalain na mahuhulog ang loob niya rito. Pero may hadlang sa kanilang dalawa. Ang first love ni Zac na matagal nang inaalagaan ng pihikan nitong puso.
Once Upon Forever (COMPLETED) by CadyLorenzanaPhr
CadyLorenzanaPhr
  • WpView
    Reads 138,074
  • WpVote
    Votes 2,341
  • WpPart
    Parts 19
Fairy Tale Retelling of Sleeping Beauty