Nang Dahil sa Hermes
7 stories
CAUGHT ON CÜM by cold_deee
cold_deee
  • WpView
    Reads 43,810
  • WpVote
    Votes 2,322
  • WpPart
    Parts 13
Synopsis: Matinding karibal para kay Jericho Gonzales si Gerome Almeria kung pag-uusapan ang trabaho at atensyong nakukuha nito. Magmula nang dumating si Gerome sa kanilang kompanya mahigit isang taon na rin ang nakalilipas, lahat ng proyekto maging sa iba pang aspeto ay nawala sa kanya. Kinasusuklaman niya si Gerome at hindi binigyan ng pansin kahit minsan sa loob ng halos dalawang taon. Isang gabi na nagkakasiyahan silang magkakatrabaho mula sa iisang departamento, isang sikreto rin ni Gerome ang nadiskubre ni Jericho -- habang nasa CR si Gerome, nakatitig ito sa isang poster. Ang poster na iyon ay larawan ng sikat na grupong Asyano na puro lalaki ang miyembro. Nakababa ang kanyang pantalon; Ang isang palad niya ay nakalapat sa pader na nasa kanyang tapat; At ang kagimbal-gimbal at karumal-dumal na nasaksihan ni Jericho ay ang makitang pinaglalaruan ni Gerome ang naghuhumindik nitong alagad. Habang pinapanood ni Jericho ang tagpong iyon, isang ideya sa isip nito ang pumasok -- ideyang siguradong makasisira sa magandang imahe ni Gerome. Ito na kaya ang pagkakataong hinihintay ni Jericho upang mabawi ang titulong nasa kanya noon? Gagamitin niya ba ang kanyang natuklasan tungkol kay Gerome upang maibalik ang nawala sa kanyang mga proyekto at atensyon?
TASTE OF A TRUE LOVE (COMPLETED) by cold_deee
cold_deee
  • WpView
    Reads 780,128
  • WpVote
    Votes 25,009
  • WpPart
    Parts 35
[TOM] Wala akong hangad kundi ang maibigay ang pangangailangan ni Mama at kapatid kong si Julius. Pero dumating sa buhay ko ang lalaking magiging malaki ang parte ng pagiging buhay waiter ko. Trabaho lang naman ang gusto ko, pero bakit kailangan kong pakisamahan ang arogante at paiba-ibang ugali ng lalaking ito? [XANDER] Ano ba ang meron sa'yo at para kang tumatambay sa utak ko?! Lalaki ako! Nabigo man ako sa unang relasyon ay hindi naman dahilan 'yon para mapukaw mo ang atensyon ko dahil lalaki ako! Sige, tingnan ko na lang kung hanggang saan ang itatagal mo!! | Paano babaguhin ang buhay ng dalawang taong ito kung sa simula pa lamang ay mali na ang kanilang naging pagkikita? FEBRUARY 2016 - APRIL 2016 HIGHEST ACHIEVEMENT RANK IN ROMANCE CATEGORY: #138
Taste of a True Love II (COMPLETED) by cold_deee
cold_deee
  • WpView
    Reads 660,340
  • WpVote
    Votes 23,960
  • WpPart
    Parts 42
|Sakripisyo, paghihiganti at walang katapusang pagmamahal. 'Yan ang mga bagay na magpapaikot sa istoryang ito. Paano maibabalik ang pagmamahal ng taong lubusang nasaktan? Paano tatanggalin ang pilat na iniwan ng nakaraan? Paano kung ang akala mong taong kinalimutan ka na ay magbabalik sa buhay mo para muling ipadama ang pagmamahal n'ya? **** Book 2 po ito ng story nina Xander at Tom. Bago n'yo po basahin ito, basahin n'yo muna po sa profile ko ang Book 1. Thanks guys! WARNING: Karamihan sa mga chapters na inyong mababasa ay drama. Kaya kung hindi n'yo po gustong maluha kahit isang beses, pag-isipan n'yo po muna kung itutuloy n'yo pa. Maraming salamat po! *MAY 2016 - NOVEMBER 2016* HIGHEST ACHIEVEMENT RANK IN ROMANCE CATEGORY: #154
NO STRINGS ATTACHED by cold_deee
cold_deee
  • WpView
    Reads 521,797
  • WpVote
    Votes 19,687
  • WpPart
    Parts 50
-COMPLETED- CONTENT: [BxB] Romance / Comedy / Heavy Drama / Slice of Life Synopsis: Sa loob ng sampung taon na magkakilala, paano nabuo ang samahan nina Randy at Rigo na higit pa sa magkaibigan ngunit hindi nila mabigyan ng titulo? Si Randy Liam de Torres --- Matalinong tao kaya madaling naabot ang pangarap sa buhay na hinangad nito. Ngunit, sa kabila ng tagumpay ay iilan lamang ang nagmamalasakit dito. Iilang kaibigan lamang ang mayroon dahil sa hindi magandang pag-uugali nito. Mas ikinatutuwa niya kung siya ay isusumpa o kagagalitan. Pero sa kabilang banda, mayroon kayang nagtatago sa personalidad niyang ito? Mayroon kaya siyang mabigat na pinagdaanan sa buhay upang maging ganito? Kung mayroon man at atin iyong malalaman, patuloy pa rin kaya natin siyang kamumuhian? Si Rigo Silvestre --- Isang mayaman at tanyag sa larangan ng pagmomodelo at pagluluto. Iniidolo ng lahat dahil sa taglay na kababaang-loob. Maaari niyang makuha ang ano mang bagay o ang kahit sino kung gugustuhin lamang nito. Ngunit sa kanyang sarili, may isang bagay lang siyang gusto --- ito ay ang makuha at mapaibig ang taong sampung taon na niyang binabantayan dahil sa ito ang itinitibok ng kanyang puso. Tunghayan ang kanilang kwento na magbibigay kahulugan sa tunay na pag-iibigan. Saksihan ang samahang puno ng kulay tulad ng isang bahaghari na maaaring magbigay inspirasyon at magandang karanasan. Kilalanin si Randy na bida-kontrabida sa kwentong ito, at si Rigo na magpapa-ibig sa inyo. ***Side story po ito ng una kong isinulat na 'Taste of a True Love'. Pero maaari n'yo rin po itong basahin kahit hindi n'yo pa iyon nababasa. Salamat. HIGHEST ACHIEVEMENT RANK IN ROMANCE CATEGORY: #185 GENERAL FICTION: #82 Started: December 2016 Completed: December 2017
RESTRICTED CHAPTERS by cold_deee
cold_deee
  • WpView
    Reads 103,579
  • WpVote
    Votes 2,045
  • WpPart
    Parts 10
Compilation po ito ng mga sensitibong bahagi ng ilang chapters ng sinulat ko. Dito ko nilagay ang mga eksenang hindi dapat mabasa ng bagets! hahahaha!
One Shot Stories by cold_deee by cold_deee
cold_deee
  • WpView
    Reads 17,661
  • WpVote
    Votes 786
  • WpPart
    Parts 6
Collection of short stories na bigla ko na lang naiisip. S'yempre, BXB po ito o may kinalaman sa LGBT. Maraming salamat sa mga magbabasa!
The Forgotten Prince by cold_deee
cold_deee
  • WpView
    Reads 6,695
  • WpVote
    Votes 316
  • WpPart
    Parts 1
Short story nina Ian at Angelo. Paano kung sa paglipas ng panahon ay maramdaman mong tuluyan nang nawala ang pagmamahal mo sa isang tao? Handa ka bang iwan siya at magsimula ng panibagong buhay na hindi kasama ito? Ngunit, paano kung tuluyan na siyang nawala sa buhay mo? Paano kung sa pagkawala niya ay doon mo lang naisip ang halaga nito? Aasa ka pa bang maiibalik ang dati kahit alam mo nang ito ay imposible?