Luna King
18 stories
A Fabricated Romance: The Girl In The Journal by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 108,071
  • WpVote
    Votes 2,485
  • WpPart
    Parts 20
"It's funny how I came to love so many things because of you. I was a better man before than I am today. Because I had you then." Napilitan si Kring-Kring na gumawa ng pekeng love story sa kanyang blog at pinalabas na boyfriend niya ang guwapong schoolmate na si Paul Christian. Naging viral ang ginawa niyang kuwento. Pero dahil din sa kuwentong inimbento niya ay naghiwalay sina Paul Christian at ang girlfriend nito kaya nagalit sa kanya ang ultimate crush niya. Nang muling magpakita si Paul Christian kay Kring-Kring pagkaraan ng limang taon ay napag-alaman niyang nagkaroon ito ng amnesia at hinahanap ang ex-girlfriend nito. Nalaman din niyang umupa si Paul Christian ng private investigator at siya ang lumabas na "ex-girlfriend" ng binata sa imbestigasyon. Iyon din ang panahon na problemado si Kring-Kring kung saan kukuha ng pambayad para mabawi ang titulo ng bahay nila. Nakipag-deal si Paul Christian sa kanya. Simple lang ang deal na napag-usapan nila: pakakasalan niya si Paul Christian para makuha ng binata ang mana nito. Bilang ganti ay babayaran ni Paul Christian ang halaga ng titulo ng bahay ni Kring-Kring na isinanla ng kanyang kapatid. Pero hindi inasahan ni Kring-Kring na ilang linggo pa lang ang lumilipas ay bumabalik na ang dati niyang nararamdaman para kay Paul Christian. Naging sweet, mapag-alaga, at ipinaramdam ng binata sa kanya na mahal siya nito. Maganda ang naging samahan nila dahil pinaniwala ni Kring-Kring si Paul Christian na may "nakaraan" sila. Naging masaya si Kring-Kring sa kinalabasan ng ginawa niyang kuwentong-pag-ibig nila ni Paul Christian. Hanggang sa bumalik ang babaeng naaalala ng binata na minahal nito: si Veronika, ang babaeng naaalala at totoong ex-girlfriend ni Paul Christian.
Ghost Husband by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 154,721
  • WpVote
    Votes 9,205
  • WpPart
    Parts 91
Pakakasalan mo ba ang DOPPELGANGER ng "almost-boyfriend" mo para iligtas ang buhay niya?
Second Couple Duties by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 52,933
  • WpVote
    Votes 1,654
  • WpPart
    Parts 20
"You can hurt me, you can make a fool of me, and you can unlove me if doing so will lessen your pain. I don't care if I have to break myself just to fix you." Misyon ni Unica na tulungan ang best friend niyang si Solar na makipagbalikan sa ex-boyfriend nitong si Ashen. Para magawa iyon, kailangan niya ang cooperation ni Prime, ang best friend naman ni Ashen. May tatlo nga lang na problema si Unica: 1. Kilalang bad boy si Prime sa university. (Napikon agad ito nang aksidenteng mahagisan ni Unica ng bola sa mukha.) 2. Ayaw ni Prime sa mga babaeng mas matangkad dito. (5'5" ito samantalang 5'8" naman si Unica.) 3. Galit si Prime kay Solar, kaya automatic na galit din ito kay Unica. (Niloko kasi noon ng BFF niyang si Solar ang best buddy ni Prime na si Ashen.) Ay, meron pa palang pang-number four! 4. Nafo-fall na si Unica sa mayabang at barumbadong si Prime. (Kaya lang takot ang loko sa commitment, eh, seryosong relasyon naman ang gusto ni Unica.) Abort mission na ba?
My Favorite Girl (Completed) by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 103,287
  • WpVote
    Votes 3,288
  • WpPart
    Parts 22
Nag-suggest lang naman si Strike sa best friend niyang si Kraige na piliin si Cleo---ang one true love nito--- kesa pakasalan ang fiancee nito na alam niyang hindi talaga nito mahal. Siya rin ang mastermind sa planong binuo ng squad nila para magkatuluyan sina Kraige at Cleo. And yes, proud at masaya siya na naging successful ang plano nila. Pero ang masama, na-love at first sight siya kay CeeCee--- ang ex-fiancee ni Kraige na iniwan nito dahil sa udyok niya. Nakita niya kung ga'no ka-devastated si CeeCee pero nakita rin niya kung ga'no ito katatag at kabait sa kabila ng heartbreak na pinagdadaanan nito... dahil sa kanya. He fell madly in love with CeeCee. Pero pa'no niya aaminin dito na siya ang dahilan kung bakit ito iniwan ni Kraige? He doesn't want to lose CeeCee, dammit.
#NSFW: He Can Tell by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 374,701
  • WpVote
    Votes 8,684
  • WpPart
    Parts 39
She needs sex to literally live but the hot specimen of manhood that she chose is... allergic to sex?!
Of Hugot, Memories, At Marami Pang Iba by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 87,415
  • WpVote
    Votes 2,785
  • WpPart
    Parts 37
Paano mag-move on kung hindi naman naging kayo? Tanong iyon ni Champagne sa sarili pagkatapos i-give up ang ten years of unrequited love para sa best friend na si Kingston. Ngayong ikakasal na ang binata, lalayas na siya sa malungkot na mundo ng mga na-friend zone at maghahanap ng ibang lalaking mas deserving sa kanyang pagmamahal. The problem was, she did not want someone else. She wanted someone exactly like Kingston. Kaya gumawa siya ng ad kung saan maghahanap siya ng lalaking puwedeng pumalit sa puwesto ni Kingston na personification ng salitang 'Mr. Perfect.' Enter James Grande, the annoying 'applicant' who resembled Kingston in so many ways. Guwapo rin ito at successful, pero may kulang. So, she did what she thought was the best solution: teach James how to act, dress, and speak like Kingston. Siyempre, hindi masaya si James na maging carbon copy ng ibang lalaki. Mali raw iyon. "Paano ba ang tamang proseso ng pagmo-move on?" desperadong tanong ni Champagne. "Puwede kitang tulungan," alok ni James. Ilabas na ang pen at notepad. Magsisimula na ang lesson sa #MovingOn.
Dumb Ways To Love by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 67,910
  • WpVote
    Votes 1,684
  • WpPart
    Parts 35
For Tazmania, loving Odie was like playing Dumb Ways To Die. One wrong move, and the character will die. Movie producer si Tazmania na ang trabaho lang sana ay gawing pelikula ang love story ni Odie at ng pumanaw nitong fiancé na si Pluto. Naging hit kasi ang video ng kasal ng dalawa kung saan namatay si Pluto bago pa man din makapag-"I do." Nagkasundo sila ni Odie na papayag ito na gawing pelikula ang buhay, at ido-document naman niya ang "journey" nito habang kinukuwento at binabalikan ang love story nito at ni Pluto. Hanggang sa aksidenteng nakuha niya ang listahan ni Odie ng mga paraan ng pagpapakamatay na magmumukhang aksidente, dahil pinaplano pala nitong sundan sa kabilang buhaysi Pluto. Hindi naman gano'n kasama si Tazmania para magbulag-bulagan, kaya ginawa niya ang lahat para pigilan si Odie sa masamang balak sa sarili. But while doing his self-appointed duty of stopping her from killing herself, Tazmania found himself slowly falling in love with Odie... ... even if he knew she would never love any other man after Pluto.
I Married The Wrong Guy by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 199,307
  • WpVote
    Votes 3,910
  • WpPart
    Parts 31
Yoomi married Jason for his money. But it turns out he isn't the rich heir she thought he is. Ang kuya pala nitong si Chess ang totoong tagapagmana. At si Chess din ang kailangan niya para mabayaran ang mga utang niya. Dang, she married the wrong guy! (NOTE: This is the unedited version. You can buy the book version at any Precious Pages store or NBS branch near you. Thank you.)
HELLO Band Junior by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 67,229
  • WpVote
    Votes 3,408
  • WpPart
    Parts 76
The next generation of HELLO Band.
He May Fall For Her (Complete) by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 294,306
  • WpVote
    Votes 8,823
  • WpPart
    Parts 52
HELLO Band Series 4: Dolphin has been chasing Connor the moment she laid eyes on him. Akala niya, madadaan niya sa tiyaga ang pagpapa-impress sa band member. Pero nang nalaman niya kung sino ang babaeng mahal ni Connor, na-shock siya. It's very unacceptable.