PHR
34 stories
Bachelor's Pad book 5: Mr Hotshot (Ryan Decena) by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,448,549
  • WpVote
    Votes 32,942
  • WpPart
    Parts 48
"Higit sa takot na masaktan at mahirapan, mas takot akong mabuhay na wala ka." Buong buhay ni Jesilyn ay naging overprotective ang kanyang mga magulang. Sila ang nagdedesisyon para sa kanya, maging ang kasintahan niya ay ang kanyang papa at mama ang pumili. But all Jesilyn wanted in life was to be free and explore the world... Kahit maiksing sandali lang. Kaya nang yayain siyang magpakasal ng kanyang nobyo ay nagdesisyon siyang pumunta sa ibang bansa. Iyon na ang huling pagkakataon para magawa niya ang mga hindi pa nararanasan. Bitbit ang traveling bag at ang kanyang "treasured list of courageous things to do," nagpunta siya sa Singapore. Doon ay nakilala niya si Ryan Decena. Si Ryan ang naging companion ni Jesilyn habang nasa Singapore. He tolerated all her antics. Pakiramdam niya ay matagal na silang magkakilala. Unti-unti ay nararamdaman niya na pareho na silang nahuhulog sa isa't isa. Subalit may katapusan ang sandaling iyon. Kailangang bumalik ni Jesilyn sa Pilipinas at harapin ang realidad ng kanyang buhay. Inakala niyang hanggang doon na lamang ang magiging koneksiyon nila ni Ryan. Pero kaibigan pala ito ng kanyang nobyo. And when he realized who she was, he told her that they should forget everything that happened between them. Kung sana ay ganoon lamang kadaling gawin iyon...
Bachelor's Pad series book 4: LADIES' MAN by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,780,283
  • WpVote
    Votes 40,444
  • WpPart
    Parts 39
Isang dalagang ina si Cherry at sa loob ng walong taon ay itinago niya ang lihim sa likod ng tunay na pagkatao ng kaniyang anak na si Justine. Iniiwasan din niyang mapalapit sa kahit na sino para mapangalagaan ang lihim na iyon. Kaya naman labis siyang nabahala nang mapalapit ang kaniyang anak kay Jay Palanca, isa sa mga barkada ng kuya niya at kilalang babaero. Dahil kay Justine kaya kahit ayaw ni Cherry ay napipilitan siyang makasama ang binata. Subalit habang tumatagal ay hindi na lamang ang anak niya ang dahilan kung bakit sila nagkakasama. Lalo na at kinailangan niyang magpanggap na asawa nito upang magtaboy ng isang may saltik na stalker. Unti-unti ay nadadaan siya ng malakas na charm ni Jay. He was able to get past her defenses. He was able to make her feel that innocent and nostalgic feeling she once had for him. At habang lumalalim ang nararamdaman niya para sa binata ay tumitindi rin ang takot na nararamdaman ni Cherry. Dahil natatakot siyang kapag nalaman ni Jay ang pinakatatago niyang lihim ay magbabago ang pagtingin nito sa kaniya. Worst, he might end up disgusted and angry with her. At siguradong hindi iyon kakayanin ni Cherry.
Bachelor's Pad series book 6: Forbidden Lover (Draco Faustino) by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 2,274,441
  • WpVote
    Votes 42,802
  • WpPart
    Parts 51
May slight case ng mysophobia si Janine. Clean-freak siya at ayaw na napapadikit sa ibang tao. Ang tingin ng mga tao sa paligid niya ay maarte lang siya at matapobre kaya ganoon siya umakto. Hanggang sa may makadiskubre na mas matindi ang kondisyon niya kaysa inakala ng lahat. And the person who discovered it happened to be Draco Faustino-ang huling taong gusto ni Janine na makaalam ng kanyang sekreto, and who also happened to be her stepbrother. Teenagers pa lamang ay may tensiyon na sa pagitan nina Janine at Draco kaya hanggang maaari ay iniiwasan ni Janine ang binata. Matindi rin ang pag-iwas nito sa kanya. Kaya nagulat siya nang isang araw ay bigyan siya ni Draco ng proposisyon-tutulungan siya nito para mawala ang mysophobia niya. "I'll get close to you until you get used to it... Hanggang sa imbes na umiwas ka ay hahanap-hanapin mo pa ang haplos ko, until you crave to touch me in return." Natagpuan ni Janine ang sarling pumapayag. Because deep inside her, she wanted to get close to him. Kahit ang kapalit pa niyon ay ang pagkabuhay ng damdaming pinili
Strawberries & Champagne by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 176,933
  • WpVote
    Votes 5,692
  • WpPart
    Parts 22
Single mom by choice si Angelique Dela Serna Soriano. That was after so many failed relationships, idagdag pa ang pagkakaroon ng iresponsableng ama. Naniniwala siyang puwede pa rin naman siyang magkaroon ng sariling pamilya kahit walang lalaki sa buhay niya. Para magkaanak, naisip niyang mag-undergo ng artificial insemination. Pero nakakita siya ng ibang paraan nang may hinging pabor ang best friend niyang si Chris. Pumayag siya na maging fake fiancée nito dahil may lihim din siyang agenda-ang magpabuntis dito. Nagbuntis naman si Angelique. Kasabay niyon, kinailangan ni Chris na mag-stay sa Amerika. Sa loob ng limang taon ay napagtagumpayan ni Angelique na palabasin sa lahat na ang anak niya ay produkto ng artificial insemination. But Chris was back. At gusto siya nitong pakasalan para daw magkaroon ng ama ang kanyang anak. Hindi siya papayag! Baka matuklasan ni Chris ang panloloko niya rito at maging dahilan pa iyon para mawala sa kanya ang pinakamamahal na anak.
Doctor, Heal My Heart (Published by PHR) Unedited Version by KaytWP
KaytWP
  • WpView
    Reads 112,072
  • WpVote
    Votes 1,931
  • WpPart
    Parts 15
"What have you done to my heart? Why can't I love anyone but you?" Hindi pa man nakikilala ni Hansen si Joanna, ang babaeng pinag-aaral ng kanyang mga magulang, mainit na ang dugo niya rito. Nagseselos siya sa atensiyong ibinibigay rito ng kanyang mama. Nalaman pa niya na pansamantalang ipinagamit sa babae ang kanyang kuwarto. Pagpasok nga niya roon ay iba na ang ayos ng kuwarto. Wala na rin ang kanyang mga gamit. Lalabas na sana si Hansen nang may pumihit sa doorknob. In-off niya ang lamp shade at nagtago sa likod ng pinto. Bumukas iyon at pumasok ang isang babae. Hindi man lang yata nito napansin na may ibang tao roon kaya basta na lang naghubad ng damit. Nanlaki ang mga mata ni Hansen at biglang nagbawi ng tingin. Ilang beses na siyang nakakita ng hubad na katawan ng babae, pero sa pagkakataong iyon ay parang nahiya siya. Pagkatapos magbihis ay binuksan ng babae ang lamp shade. At ganoon na lang ang pagkagulat ni Hansen nang si Joanna ang makita. Sisigaw na sana si Joanna pero mabilis niyang natakpan ang bibig nito. Kasabay niyon, parang may mainit na bagay na bumalot sa kanya sa pagdidikit ng kanilang mga katawan. Dahil ba sa kagandahang tumambad sa kanya? At bago pa ma-realize ni Hansen, hinahalikan na niya si Joanna sa mga labi...
Isla Sanctuario (Love Paradise) COMPLETED by dawn-igloria
dawn-igloria
  • WpView
    Reads 125,071
  • WpVote
    Votes 2,273
  • WpPart
    Parts 22
Phr Imprint 3516
Written In The Stars (Completed!) by IamAyaMyers
IamAyaMyers
  • WpView
    Reads 994,056
  • WpVote
    Votes 12,864
  • WpPart
    Parts 15
Sa edad na dalawampu ay hindi pa nagkakaroon ng boyfriend si Margaux. May history pa naman ang pamilya nila na hirap nang magkaanak kapag nasa late twenties na. Kaya nagdesisyon siyang sumailalim sa artificial insemination noong nakatira pa siya sa New York. Nagbalik siya sa Pilipinas at doon ay muling nagkrus ang mga landas nila ni Miro, ang kababata niya na wala nang ginawa noon kundi asarin siya. Pero napakalaki na ng ipinagbago nito at tila desidido itong bumawi sa kanya. Niligawan siya nito. Hindi narendahan ni Margaux ang puso niya at tuluyang nahulog ang loob niya kay Miro.
Rush (The Gentle Soul) PREVIEW by Victoria_Amor
Victoria_Amor
  • WpView
    Reads 162,080
  • WpVote
    Votes 3,728
  • WpPart
    Parts 25
Mahinhinon Virgins Book 3: Macaria (a.k.a Ariah)