Luna Ville <3
3 stories
Luna Ville Series 3: Playful Fairy Trick (COMPLETE) by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 88,838
  • WpVote
    Votes 3,375
  • WpPart
    Parts 26
"Mahal kita. Mahal mo ako. Ngayon, kung may magsasabing hindi tayo puwedeng magsama, aawayin ko sila." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Nagising na lang si Eura isang araw na walang alaala. Ang inaasahan niyang makapagsasabi sa kanya kung sino siya ay ang mga taong kumupkop sa kanya-ang kambal na sina Melou at Stein. Pero wala rin palang alam ang magkapatid tungkol sa kanya maliban sa kanyang pangalan. Sa kabila ng mga katanungan niya tungkol sa pagkatao niya, may kumompleto pa rin sa kanya. At si Stein iyon. She was so comfortable with him she found herself falling in love with him. Minahal din siya ng binata sa kabila ng ikli ng panahong nagkakilala sila. He even proposed marriage to her during the legendary Luna Queen's Night in their village. Ang akala niya, magiging masaya na sila. Pero kung kailan naman maayos na ang lahat, saka naman bumalik ang isang lalaki mula sa nakaraan niya. Kasabay ng pagbabalik nito sa kanyang buhay ay ang pagbabalik din sa kanya ng mga alaala niya. Now she had to choose which string she had to cut: the string that connected her to her past, or the string that connected her to Stein.
Luna Ville Series 2: Mystical Blue Cat (COMPLETE) by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 123,663
  • WpVote
    Votes 4,383
  • WpPart
    Parts 29
"I want to hear you call my name." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Nakiusap ang kakambal ni Moana na magpalit sila ng katauhan. Makikipagtanan kasi si Moana sa boyfriend nito para matakasan ang lalaking gustong ipakasal ng ama nila rito. Pumayag si Moana na magpanggap bilang "Monina" at sumugod siya sa Luna Ville kung saan nakatira ang fiance ng kakambal niya--si Sley Enriquez. Iisa lang naman ang misyon niya: ang guluhin ang buhay ng binata upang umurong ito sa engagement "nila." Ginawa niya ang lahat para inisin ito mula sa pagiging pasaway hanggang sa pangugulo sa bahay nito. But Sley turned out to be the nicest guy she had met in her whole life! Not to mention the most gorgeous man she had laid her eyes on, too. Pasensiyoso ito at maalaga pa. Isang ngiti lang nito, kinikilig na siya. Hanggan sa dumating ang hindi niya inaasahan -- kabaligtaran ng plano niya ang nangyari. Instead of hating her, Sley actually fell in love with her. Paano na ang misyon niyang paurungin ang binata sa kasal nito at ng kakambal niya kung bigla-bigla ay mahal na rin niya ito?
Luna Ville Series 1: Lovely Magic Fountain (COMPLETE) by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 126,506
  • WpVote
    Votes 4,446
  • WpPart
    Parts 28
"I can stop dreaming now, because finally, the reality where you're here beside me, that I can hold you like this, is better than any dream." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Desperada si Umi na makahanap ng prinsipe na tulad ng mga nababasa niya sa fairy-tale books. Pero sa kakamadali niyang magka-love life, muntik na siyang mapahamak. Doon naman umentra si Alaude-ang mortal enemy niya na naging first heartache niya. Dahil sa malaking kasalan ang nagawa nito sa kanya, nag-a la "fairy godmother" niya ito sa paghahanap niya sa kanyang Prince Charming. Kasama niya ito sa lahat ng kilig at pagkabigong naranasan niya sa mga palpak na lalaking dumaan sa buhay niya. Kaya nang dumating si Zagg, nag-alinlangan na sila. Hanggang sa mag-suggest ang mga kaibigan nila na gumawa sila ng "signs" na magsasabi kung si Zagg na nga ba ang lalaking nakalaan para sa kanya. Sumagot naman ang tadhana-nangyari ang lahat ng signs! Pero kung kalian naman natagpuan na niya ang kanyang prinsipe, saka naman niya hinanap-hanap si Alaude. Kaya ba niyang kalabanin ang tadhana na nagsasabing si Zagg ang nakalaan para sa kanya para ipaglaban si Alaude na bigla na lang lumayo sa kanya?