BinibiningAwtora_13
- Reads 186,864
- Votes 542
- Parts 4
Mula pagkabata tila nawalan na siya ng pakpak. Pinutol ito ng sariling ina kaya't nagdurugo araw-araw at hindi alam kung ano ang lunas. Hanggang sa lumaki siya, sariling ina pa ang pumasok sa kaniya sa isang bar. Upang maging mananayaw sa entablado. Kung saan dinarayo ng kalalakihang maraming pera.
Sa kabila ng matinding paghihinagpis sa nangyayari sa kaniya araw-araw . . . darating ang panahon na siya'y makakalayo. Sa paglayo niya matapos mapakiusapan ang isang estranghero, pakiramdam niya'y magiging malaya na siya.
Ngunit umpisa na ba iyon ng pagiging masaya niya? Hindi na nga ba muling magdurugo ang puso niya? O madadagdagan lamang habang naghihinagpis pa rin sa mga masasakit na alaala? Magiging masaya nga ba siya sa kabila ng nakakadugong sakit sa nakaraan?