For Critiquing:)
9 stories
Tagu-taguan by EMPriel
EMPriel
  • WpView
    Reads 5,258
  • WpVote
    Votes 284
  • WpPart
    Parts 11
"Tara laro tayo!" "Anong laro naman ang gusto mo?" "Tagu-taguan...ikaw ang taya ha?" "Haha sige sige gusto ko 'yan!" "Oh dali! Dali na takpan mo na ang mga mata mo tapos bilang ka hanggang sampu ah?" "Tapos hahanapin kita?" "Oo hahanapin mo 'ko. Kapag nahanap mo ako, ako naman ang taya." Nakakapanibago yata na sa pagkakataong iyon ay pumayag kang maging taya kung matataya kita. "Sige! Isa...dalawa...tatlo..." Nagbilang ako hanggang sampu sa likod ng puno ng ating paboritong palaruan. Noong una akala ko nasa paligid ka lang. Halos isang oras siguro akong naghanap sa 'yo, nakangiti pa ako noon. Mukha nga akong tanga habang naghahanap, pero noong naisip ko ang sinabi mo sa akin dati ay hindi ko na tinuloy ang paghahanap. "Bakit ba kasi tayo hanap ng hanap sa mga bagay na nagtatago? Kaya nga sila nagtatago...kasi ayaw nilang magpahanap," sabi mo. "Oo nga 'no? Kasi kung gusto nila magpahanap, magpapakita sila. Kahit gaano katagal 'di ba?" sagot ko naman. Ewan ko ba. Sa tuwing maaalala ko ang mga panahon na 'yon noong mga bata pa tayo, napapangiti na lang ako. Mga bata pa nga tayo noon, wala pang alam. Pero hindi na tayo bata ngayon. Hindi na siguro natin kailangang magtaguan...ng nararamdaman. Special thanks: Cover by: AFeelingWriter
Pretending Mrs. Acosta (COMPLETE) by helene_mendoza
helene_mendoza
  • WpView
    Reads 3,491,494
  • WpVote
    Votes 75,954
  • WpPart
    Parts 49
Nagmahal. Nasaktan. Lumayo. Iyan ang ginawa ni Amy Solomon para makalayo lang sa pag-ibig na nanakit sa kanya. Okay na siya kung masaktan man at takasan ang lalaking minamahal. Ang mahalaga ay kasama niya ang anak niya. Isang aksidente ang nangyari at natagpuan niya ang sarili sa isang pamilya na inaangkin siya at tinatawag siyang Aria. Paninindigan na lang ba niya ang bagong pagkatao na ibinigay sa kanya?
Mr.Future by Cesvibiesca
Cesvibiesca
  • WpView
    Reads 68,162
  • WpVote
    Votes 929
  • WpPart
    Parts 8
Flight 914 took off in 1980 but landed in the Philippines after 37 years. Ana Maria Lopez, one of the 57 passenger of American flight 914 survive the time travel plane. Isa lamang siya sa mga pasaherong naka-baba mula sa eroplano bago ito muling nawala na parang bula. Walang nakaka-alam na isa siya sa mga pasahero ng flight 914. Halos mabaliw siya ng malaman niyang year 2017 na! At higit sa lahat wala na siyang pamilyang uuwian sa pilipinas. Until she met Kelvin! Kahawig ito ng nobyo niya! Ngunit hindi na siya nito nakilala. Anong gagawin niya? Bakit hindi nagbago ang edad niya? Nananaginip lamang ba siya? Wala siyang ibang maisip na paraan kung hindi humingi ng tulong kay Kelvin.
Tiklado by EMPriel
EMPriel
  • WpView
    Reads 2,237
  • WpVote
    Votes 121
  • WpPart
    Parts 3
Noon iniisip kong gumagawa lang ako ng kanta para sa sarili ko. Iniisip ko na isinusulat ko lang silang lahat dahil...dahil gusto ko. Pero nagbago bigla ang lahat noong makita kita isang araw sa sayawang iyon. Hindi ka sumasayaw. Nakatitig ka lang sa akin at pinapanood mo ako habang tinitipa ang bawat tiklado ng aking piano. Nilapitan kita pagkatapos, ngumiti ka pero hindi ka nagsalita. Tumakbo ka palayo pero muli kang lumingon para lang ipakita ang iyong napakagandang ngiti. Kailan ko nga ba isinulat ang kantang ito? Ah...oo naalala ko na. Naalala ko noong sinabi mo sa akin na papayag ka lang na makilala kita kung gagawan kita ng kanta. Hindi ko alam na iba pala ang dahilan mo kung bakit gusto mong isulat ko ang bawat piyesa ng kantang ito.
Philippines: Year 2300 (1st Published Filipino Sci-Fi from Wattpad) by EMPriel
EMPriel
  • WpView
    Reads 715,316
  • WpVote
    Votes 12,657
  • WpPart
    Parts 27
Philippines: year 2300 Ang panahon kung saan ang Pilipinas ay nahahati sa tatlong paksyon na tila caste system na pamumuhay; una, ang mga bid (ang pinaka mababang uri ng pamumuhay o ang pinakamahirap). Pangalawa, ang mga commoner (middle class napamumuhay). At ang huli ang pinakamataas na antas ng pamumuhay, ang mga bidders. Kung bakit bidders? Sila ang may kakayahan para bumili ng mga bid o kahit na commoner para mailipat ang kanilang memory gene sa ibang katawan at masabing imortal sila. Ang memory gene na ito ay inimbento ng kompanyang MEMO© na hawak ng kasalukuyang diplomatic government. Isang eksperimontong pumasa sa Europe at patuloy na ginagamit ng mga bidders upang mabuhay sa kahit gaano pa kahabang siglo.
The Jumper (Short Story by EMPriel
EMPriel
  • WpView
    Reads 6,151
  • WpVote
    Votes 257
  • WpPart
    Parts 8
Kung tutuusin ay halos 420 feet o kulang-kulang tatlumpu't limang palapag ang taas ng gusaling kinatatayuan ko ngayon. Ang bilis ng hangin na tumatama sa aking mukha ay umaabot ng 30 hanggang 40 kilometro per oras. Ang taas ng harang kung saan ako nakatayo mula sa roof top ng building na ito ay umaabot lang ng 4 feet. Sapat upang harangan ang mga taong susubok na pigilan ako sa aking gagawin. Hindi sila nagtatangkang lumapit dahil alam nila na kapag sinubukan nila ay baka gawin ko ang kanilang iniisip. May halos limang helicopter ang paiko-tikot lang sa ere. May mga camera ang ilan sa mga taong nakadungaw sa bawat helicopter na lumilipad. Humigit kumulang dalawampung truck ng bombero ang nag-aabang sa ibaba. Wala naman silang magawa kundi subukang abutin ang kinalalagyan ko ngayon gamit ang naghahabaan nilang mga hagdan. Kahit gawin pa nila ang lahat ay siguradong hindi naman nila ako maaabot dito.
Captive of My Desire by charmdiatz
charmdiatz
  • WpView
    Reads 218,607
  • WpVote
    Votes 1,358
  • WpPart
    Parts 6
Romance l Drama l Humor Saan ba patungo ang isang relasyong sa simula pa lang mali na? Sean and Delta got married for all the wrong reasons, and their life went on separate ways because of it. Sa muli nilang pagtatagpo, magkaroon kaya sila ng happy ending o maging daan ito para lalo nilang pasakitan ang isa't isa? After all, si Delta ay bumalik hindi para gawin ang kanyang tungkulin bilang mabuting maybahay kung 'di para maging hadlang sa bagong relasyon ng asawa. Ang hindi inaasahan ni Delta ay ang damdaming muling nabuhay na mas matindi pa kaysa noon. Kaya niya bang labanan ang batas ng atraksyon? Susugal ba siya o matututo siyang magparaya sa ngalan ng pag-ibig?
Complete Surrender by charmdiatz
charmdiatz
  • WpView
    Reads 295,003
  • WpVote
    Votes 1,462
  • WpPart
    Parts 5
Romance I Humor I Light Drama I'm sorry. Iyon ang salitang matagal nang hinihintay ni Chloe na sabihin ni Oscar sa kaniya, ngunit hindi iyon ang inaasahan niyang maririnig nang unang gabing may namagitan sa kanila. Itinuring niya itong matalik na kaibigan pero inakusahan siya nito ng isang bagay na hindi niya ginawa. Naghiwalay sila na dala nito ang maling akala. Lumipas ang ilang taon, muling nagkrus ang kanilang landas. Pinilit niyang pigilin ngunit nahulog uli ang pesteng puso niya sa guwapong binata. Isusugal niya ba ang damdamin sa isang lalaking nagpakita ng kawalang tiwala sa kaniya noon? At ang masakit, hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang tingin sa kaniya nito... Isang traydor.
Silakbo by charmdiatz
charmdiatz
  • WpView
    Reads 302,058
  • WpVote
    Votes 1,715
  • WpPart
    Parts 6
*Highest ranking received, number 1 in historical fiction.* Historical Romance Sabi nila, walang lihim na di-nabubunyag. Lumaki si Miranda sa gubat kasama ang kaniyang lola. Walang nakakaalam ng tungkol sa kaniya maliban kay Diego, ang binatilyong sinagip niya sa pagkalunod. Nangibang bansa si Diego matapos siyang itakwil ng ama. Obligasyon sa pamilya ang dahilan kaya siya'y umuwi. Sa kaniyang pagbalik, nakaharap niya si Miranda ngunit ito'y nakabalatkayong lola nito. Naalala niya ang bata sa gubat. Hinanap niya ito at nabigla sa nakita---isang maganda't inosenteng dilag na umakit at nagpasiklab sa kaniyang damdamin. Ngayon lang humanga si Miranda sa isang lalaki. Ngunit si Diego ay nakatakda nang ikasal. Sa kabila n'on, patuloy na nagniningas ang sensasyong kaniyang tinitimpi. Ginugupo n'on ang kaniyang katinuan. Maaangkin siya ng binata dahil sa init na sumi... SILAKBO