CarlJasperGarcia
"Ikaw ang aking paboritong sakit,
Ni hindi kita mapalitan anumang pilit,
Na kahit hanggang sa aking pagpikit,
Pangalan mo'y patuloy na binabanggit.
Ikaw ang aking paboritong pagkakamali,
Na sa tuwing nandyan ka, ako'y di mapakali,
Pag-ibig ko'y lalong sumisidhi
Tuwing ika'y kasama, tumitigil ang sandali.
Ikaw ang aking paboritong kasinungalingan,
Magmula sa bawat salitang iyong binibitawan
Hanggang sa bawat detalye ng iyong katauhan,
Di man totoo ang lahat, ayaw pa rin kitang bitawan.
Ikaw ang may-ari ng paborito kong mga mata,
Mga nagbubulag-bulagang mga mata,
Bulag sa aking pagmamahal at presensya,
Bulag sa mga bagay na kaya kong ialay pa.
Ikaw ang panganib na palagi kong susuungin.
Ikaw ang memoryang palaging aalahanin.
Ikaw ang salitang di mapapagod sambitin.
Ikaw, ikaw at ikaw...Ikaw?"