strawvrhi
- Reads 1,544
- Votes 70
- Parts 17
Ang kwentong ito ay kagagawan,
Ng isang taong ubod ng kabaliwan.
Isang taong hindi mo malaman,
Kung ano-ano ang iniisip na kababalaghan.
Sa una'y wala akong mailagay,
Kaya't magulo ang mga salaysay.
Ngunit habang naglalakbay,
Ay nagkakaroon ng saysay.
Ito ay pitong storya,
Ngunit pinagsamasama sa isa.
Nawa'y ang aking gawa,
Magustuhan ng madla.
Ang aking mga idolo,
Inspirasyon sa paggawa nito.
Sana ito'y magbigay tuwa sa inyo,
Dahil ito'y handog ng aking puso.