My favorite books of Ajeomma
14 stories
MGA MATA NI VIRGINIA- KILABOT CHANNEL- Kwentong Kilabot by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 26,282
  • WpVote
    Votes 929
  • WpPart
    Parts 21
May mga nakikita ako na hindi nakikita ng iba. Masasabi ba itong isang KAPANGYARIHAN o, isang SUMPANG hind ko matatakasan? Hindi ko hiniling ang ganitong kapangyarihan. Sinubukan kong iwasan. Ngunit hindi ko natakasan. At nang sumapit ang aking ika- labing walong kaarawan, nagsimulang muli ang kababalaghan. Ako si Virginia. Anak ng MANGKUKULAM. Mula sa PULONG UWAK.
The Untold Real Stories 2 by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 186,054
  • WpVote
    Votes 6,460
  • WpPart
    Parts 39
Ang mga kwento na inyong matutunghayan ay base sa tunay na karanasan ng mga taong nasasangkot. Sama-sama nating buksan ang nakapinid na pintuan ng kanilang kasaysayan...... Espiritu Guni-guni o isang katotohanang mahirap ipaliwanag? Alamin ang kwento ni Miguel. Bintana Bunga ba ng mapaglarong imahinasyon, o isang pangitain na magaganap sa tamang panahon? Palengke Biro lamang, o isang babala? Paano kung maganap na ang hindi inaasahan? Pakiramdam May mga pangyayari ba na ikaw mismo ang nakaranas? Masasabi mo bang ito'y isang kalokohan lamang?
The Untold Real Stories by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 220,016
  • WpVote
    Votes 6,378
  • WpPart
    Parts 31
Ang lahat ng pangyayari ay pawang tunay na karanasan ng totoong tao sa totoong lugar at pagkakataon. Ospital Karanasan ng isang ginang sa ospital matapos ng kanyang operasyon. Malik-mata Ano ang pangyayaring naganap sa kanyang asawa na nakita niya sa itaas ng bubungan? Yabag Paano maipapaliwanag ng inyong isipan ang naririnig at nararamdaman, lalo na kung malalaman ninyong narinig din pala ng iba? Terrace May bisita ka ba? Guni-guni bang matatawag kung dalawa kayong nakakita?
Ito kaya'y, totoo? {horror stories} by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 298,700
  • WpVote
    Votes 11,556
  • WpPart
    Parts 51
Mga matatandang kasabihan..., Mga sinaunang pamahiin........, Mga paniniwalang hindi maipaliwanag kung saan at kanino nagmula...., Sinusunod pa ba..? O pinagwawalang bahala na lamang sa paglipas ng mga taon at ng makabagong panahon? Ito kaya'y totoo? Gusto mo bang maranasan upang iyong ... MAPATUNAYAN? ...ang nilalaman ng kwentong ito ay kathang isip lamang ng inyong lingkod ayon sa mga sinaunang pamahiin at kasabihang aking tatalakayin. maraming salamat po.. (*^__^*) Copyright © ajeomma All Rights Reserved
Lady PSYCHIC (lumuluhang kaluluwa) by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 468,317
  • WpVote
    Votes 2,081
  • WpPart
    Parts 5
A Psychic is a person who professes an ability to perceive information hidden from the normal senses through extrasensory perception (ESP), or is said by other to have such abilities.-- Wikipedia Anak ng isang pekeng psychic si Virginia. Lingid sa kaalaman ng mga dumarayo sa kanila na ang ginagawa ng kanyang ina ay isang mahusay na palabas lamang. Ang nanay niya ay fake. Ngunit siya ay hindi! Hindi niya lamang binibigyang pansin ang angking kakayanan at lalong hindi ito alam ng kanyang ina. Paano kung ang ipinagwawalang bahala niyang galing at kakayanan ay matuklasan ng isang tunay na Psychic? Paano kung matutunan na niya itong gamitin? Papayag ba siyang maging sunud-sunuran sa inang gahaman sa salapi at kapangyarihan? O, maging kasangkapan ng kabutihan at katarungan? Magagawa ba niyang patahanin ang mga, lumuluhang kaluluwa? Inilunsad- Hunyo 8, 2015 Nasimulan- Hulyo 21, 2015 Natapos- Pebrero 11, 2016 Paranormal, Horror, Mystery/thriller Cover by: Wacky Mervin Copyright © ajeomma
My Part time Husband by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 130,616
  • WpVote
    Votes 1,269
  • WpPart
    Parts 5
Pumayag si Renata aka Rennie dela Cruz sa pakiusap ng kaibigang pansamantalang mag-board sa kanyang bahay ang kaibigan nitong si Lennie. Dahil talaga namang kailangan niya ng boarder para may mapagkukunan ng ekstrang kita ay agad siyang pumayag. Laking gulat niya nang makitang lalake pala ang Lennie na titira sa bahay niya! Isang lalake na kabaligtaran ng ugaling mayroon siya. Ngunit hindi niya nagawang paalisin ang lalake nang bigla siyang ipatawag ng istrikto at makalumang lola. Paano niya ipaliliwanag ang pagiging single mom? Lalo siyang iinsultuhin at pagtatawanan ng mga kapatid sa ama. Magdadahilan sana siya at hindi na lang sisiputin ang abwela ngunit nabuko na ng mga step sisters niya ang tungkol sa kanyang anak. Mabuti na lang at naroon sa bahay niya si Lennie kaya naisip niyang kunin ang serbisyo nito upang magkunwaring asawa niya. Makatulong naman kaya ang lalake sa problema niya? O, ito mismo ang maging piiiinaka malaking problema? Copyright © ajeomma All Rights Reserved
SBAATSB 3- Ang SUGO by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 157,895
  • WpVote
    Votes 1,539
  • WpPart
    Parts 5
Nagbalik ang alaala ni Sebastian. Alam na niyang siya si Baste, ang tinutukoy sa Alamat na nakatagpo ng mahiwagang tubig sa bukal. At si Anghel, ang naging bunga ng pag-iibigan nila ng matalik na kaibigang si Rosalia. Ang anak ng Alamat na naging katuwang ng ama sa pagliligtas ng Baryo Masapa sa tiyak na kapahamakan. Muli siyang magbabalik taglay ang misyong palaganapin ang kapayapaan sa lahat ng dako. Sa patnubay ng mga makapangyarihang nilalang na naninirahan sa loob ng kakahuyan. Sa tulong ng mga hayop na nagagawa niyang kausapin sa pamamagitan ng isip lamang. Samahan natin siya sa pagganap ng dakilang tungkuling iniatang sa kanya. Si Anghel, ang anak ni Sebastian. Siya... Ang Sugo Paunawa: Ang kwentong ito ay karugtong ng Si Baste at ang Tubig sa Bukal at Anghel ng Baryo Masapa. Upang maiwasan ang pagkalito, mangyaring tunghayan muna ang mga naunang kwentong nabanggit. Salamat po.. --**--ajeomma--**-- Copyright © ajeomma All Rights Reserved
SBAATSB 2- Anghel ng Baryo Masapa by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 313,889
  • WpVote
    Votes 1,550
  • WpPart
    Parts 4
Si Baste at ang tubig sa Bukal Book 2 Halika na at muli mo akong samahang tunghayan ang kasaysayan ng isang kakaibang paslit na nagngangalang Anghel... ang anak ng isang Alamat. ~ ** ~ "Awooo!" Malakas na alulong ni Balbon upang ibalita sa pangkat ng mga lobo ang pagsisilang ni Rosalia. Hindi ito mapakali sa bawat pag-iri at pagsigaw ng nanganganay na ginang. "Huwag ka riyan umumang sa pintuan, Sebastian! Lalong mahihirapan sa panganganak ang asawa mo. Dumoon ka na muna sa labas." Natatarantang sabi ni Minyang sa pamangkin. Agad namang sumunod ang ama ng sanggol na isisilang . Sa likod bahay ito nagpabalik-balik habang nilalamukos ang sariling mga kamay. Mayamaya pa ay... "Uha! Uha!" Napatalon si Sebastian sa kagalakan at humahangos na pinuntahan ang kanyang mag-ina. Samantala... "Awooo..." Muling alulong ni Balbon upang ibalita sa lahat ng nilalang sa loob ng kakahuyan ang pagsilang ng isang sanggol na lalaki. Ang paslit na nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan at nakatalagang gumanap ng malaking papel sa MASAPA ayon sa librong pinangangalagaan ng mahiwagang Ingkong. Si Baste, ang kanyang amang nakatagpo sa mahiwagang tubig sa bukal... tuluyan na kayang nabura sa alaala nito ang mahihiwagang nilalang na naging kaibigan? Ano-ano ang panganib na haharapin ng mag-ama upang mapangalagaan ang mga kababaryo at ang kakahuyang tirahan ng mga nilalang na tanging sila lamang ang nakakarinig at nakakakita? Copyright © ajeomma All Rights Reserved
Si Baste at ang Tubig sa Bukal  by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 367,076
  • WpVote
    Votes 3,902
  • WpPart
    Parts 10
"Bakit lagi nila ako niaaway? Hindi ko naman sila niaano, a." Humihikbing sumbong ni Baste sa alagang aso. Tila nakakaunawa, ikiniskis naman ng aso ang ulo sa braso nito. Binata na si Baste kung pagbabasihan ang panlabas na kaanyuan, subalit ang isip nito ay kahalintulad ng isang musmos, inosente't walang muwang. Madalas ay tampulan ng tukso at ginagawang katatawanan ng ibang tao. Ang lahat ng pagdaramdam ay idinadaan na lamang nito sa tahimik at impit na pag-iyak. Datapuwa't may kakulangan, si Baste ay may kakayahang makakita ng 'di pangkaraniwang nakikita ng ordinaryong mga mata. Subalit, paano siya paniniwalaan ng mga taong ang tingin sa kanya ay sintu-sinto at kulang-kulang? Ano ang magiging kaugnayan niya sa bukal? Anong hiwaga ang matutuklasan niya sa tubig? Ano ang magiging kapalit ng kanyang pagtitiis at pagpapakumbaba? Sama-sama nating tunghayan ang kanyang kasaysayan........ Copyright © ajeomma All Rights Reserved
TCOAUW- MRS. RAMIRO'S STORY @NOBELISTA  by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 72,289
  • WpVote
    Votes 274
  • WpPart
    Parts 3
The Confessions of an Unfaithful Wife (Series) Confession #2- MRS. RAMIRO Paano kung dumating ang pag-ibig na hindi na maaaring angkinin? Lalaki lamang ba ang maaaring patawarin kapag nagkamali? Sadya bang ang paghusga ay ipinapataw agad kahit ang paliwanag ay hindi pa naririnig? Totoo ba ang lahat o gawa-gawa lamang ng malisyosong isipan? Alamin natin ang kasaysayan ng isang... makasalanan? ~ ajeomma