GwenCastillo918's Reading List
13 stories
Music In My Winter's Heart by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 47,983
  • WpVote
    Votes 932
  • WpPart
    Parts 13
Angelie was a writer. Was, past-tense. Marami na siyang naisulat na libro. Stories about love which captured every person's heart who read her books. Ngunit ang inspirasiyon na nagbibigay sa kanya ng dahilan para magsulat ay biglang binawi ng langit. She decided to turn her back on writing when her fiancé died. Isang dahilan para tuluyan na niyang kalimutan kung paano ngumiti at kung paano magmahal. Makalipas ang limang taon. Hindi akalain ni Angelie na babalik siya sa pagsusulat, ngunit sa pagkakataon na iyon, bilang isang songwriter. Her fiancé was an aspiring composer. Pangarap nito na sumikat ang kanta na ginawa nito. Ngunit dahil wala na ito, nagdesisyon ang dalaga na siya ang tutupad sa pangarap ng namatay na nobyo. There, she met Jay Lim. Ang leader ng sikat na grupong Seven Degrees. Sa unang pagkikita pa lang nila ay hindi na maganda ang impresiyon niya dito. Ngunit sa hindi inaasahan pagkakataon, si Jay ang napili ng PhilKor Entertainment na kumanta ng song entry niya. Sa mga araw, linggo at buwan na magkasama silang dalawa. Jay found his way through her heart. Until she realized one morning that she's falling deeply in love with Jay. Pakiramdam ni Angelie ay nagtaksil siya sa nasirang nobyo dahil sa pangako niya na ito ang huling lalaking mamahalin niya. Pinigilan niya ang damdamin ngunit sa huli ay hindi siya nagwagi. Kasabay ng pag-amin niya na mahal na niya si Jay, isang katotohanan ang sumabog sa harapan niya. Dahilan upang nagdesisyon itong iwan siya.
UNEXPECTEDLY (COMPLETED) by BethanySyLove27
BethanySyLove27
  • WpView
    Reads 120,613
  • WpVote
    Votes 2,136
  • WpPart
    Parts 13
"Hindi mo lang alam kung gaano ko katagal na hinintay ang tamang panahon para sabihin sa 'yo kung gaano kita kamahal." Basted si Patty kay Kurt kaya sa galit ay hindi niya ito kinausap nang ilang taon. Pero hindi maiiwasang makita niya ang lalaki dahil bukod sa magkapitbahay sila at magkaibigan ang kanilang mga magulang, best friend din niya si Zac, ang kakambal ni Kurt. Matitiis sana ni Patty na makita ang pagmumukha ni Kurt, kaso may isa pa itong atraso. Sa hindi niya malamang dahilan, sinabi nito sa lahat ng mga nagtatangkang manligaw sa kanya na may dala siyang sumpa. Lahat daw ng naging boyfriend niya, kung hindi naaksidente ay naholdap, o kaya ay minalas. Kaya nagalit siya kay Kurt. Hindi naman siya tinantanan ng paliwanag ng binata. Kasabay niyon ay sinuyo siya nang katakot-takot. Nagawang tunawin ng pagmamahal nito ang galit niya. Kurt proved to her that he deserved to be loved. Nagtaka siya. Binasted na siya nito dati, hindi ba? Nasagot naman ang lahat ng katanungan ni Patty nang malamang ang katuparan pala ng pag-iibigan nila ni Kurt ay kalungkutan ang dulot sa taong kapwa mahalaga sa kanilang mga puso...
Love Search (completed) by KaylaCaliente
KaylaCaliente
  • WpView
    Reads 66,230
  • WpVote
    Votes 1,021
  • WpPart
    Parts 11
Maghanap ng lovelife sa internet
Somewhere Only We Know COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 242,694
  • WpVote
    Votes 4,005
  • WpPart
    Parts 24
Somewhere Only We Know By Europa Jones How bad could it be to develop a crush on him? After all, crush pa lang naman. Hindi akalain ni Marjory Arieta-Student Council President ng Benedict College na pakikiusapan siya ng principal para sa disciplinary sanction ni Jason Velasquez. Sa kabila ng nararamdamang pagtutol dahil sa reputasyon ng lalaki bilang isang bully at tyrant ay wala na rin siyang nagawa kundi ang pumayag. Pero siniguro niya sa sarili na pahihirapan itong mabuti. Nagbago ang lahat nang makilala nang husto ni Marjory si Jason. Lalo na nang matuklasan nila ang sekretong grotto. Unti-unting naging malinaw ang lihim sa pagkatao at ang mga dahilan ng mga ipinapakitang pag-uugali ng binata. Naging saksi ang grotto sa pag-usbong ng unang pag-ibig ni Marjory kay Jason. Nararamdaman niyang may pagmamahal din ang lalaki sa kanya pero natatakot siyang ungkatin ang estado ng relasyon nila dahil umiiwas ito tuwing ipipilit niya ang topic. Kahit pa inamin ni Jason na mahal siya nito ay nilayuan pa rin siya ng lalaki dahil hindi nito kayang tanggapin ang sarili. Pero maghihintay pa rin si Marjory. Hahanapin niya si Jason. At sana balang-araw ay puwede na itong mahalin...
To Love a Robot by Kayla Caliente (published) completed by KaylaCaliente
KaylaCaliente
  • WpView
    Reads 51,155
  • WpVote
    Votes 897
  • WpPart
    Parts 10
Posible ba na ma-in-love sa isang robot?
What Makes You Beautiful by Zayllah_Ysaac
Zayllah_Ysaac
  • WpView
    Reads 86,824
  • WpVote
    Votes 1,636
  • WpPart
    Parts 23
A certified basketball fanatic, iyan si Cesz. Bukod sa pagsuporta sa kanyang paboritong koponan, isa pa sa magpapatunay na isa siyang tunay na fangirl ay ang walang-kamatayan niyang pagsinta sa guwapong basketbolista na si LA Vasquez. Matagal nang pangarap ni Cesz na makilala nang personal ang kanyang iniidolo. Kaya naman sobrang saya niya nang isang araw ay pagbigyan ng tadhana ang kanyang hiling. Hindi lang niya basta nakilala ang binata, naging magkaibigan pa sila. Everything was going well. Pero bumalik ang nakaraan ni Cesz na hindi niya alam ay may kaugnayan pala kay LA. Magpatuloy kaya ang kasiyahan na nararamdaman nila o magiging hadlang ba ang nakaraang iyon para maputol ang kanilang masayang samahan?
Angel Creed Trilogy Book 1: Angel's Tale COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 128,253
  • WpVote
    Votes 1,966
  • WpPart
    Parts 25
Angel Creed Trilogy Book 1: Angel's Tale By Bridgette Marie "Be with me... kahit saglit lang... Puwede naman tayong maging makasarili kahit ngayon lang, 'di ba?" Walang himala! Iyon ang itinatak ni Emie sa sarili mula nang biguin siya ng Langit nang mga panahong kailangang-kailangan niya ng himala. Hindi kasi nailigtas sa kamatayan ang kanyang pamilya nang masangkot ang mga ito sa isang trahedya. Bitter na kung bitter, wala siyang pakialam. At wala rin siyang pakialam kung siya na lang ang hindi apektado sa charm ng bagong doktor sa ospital na pinagtatrabahuhan niya. Weh? Hindi nga? Dahil ang totoo, dead-ma kuno si Emie kay Cassiel-dahil tuwing ngingiti naman ang doktor, ang puso niyang puno ng bitterness ay napapalitan ng sweetness. At mukhang sinusuwerte siya dahil panay naman ang lapit ni Cassiel sa kanya. Feeling ni Emie, sa wakas ay mukhang magiging masaya na siya. Pero ano itong nalaman niyang hindi raw maaaring manatili sa mundo ng mga tao si Cassiel? Ano raw?!
A Home In His Arms COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 937,198
  • WpVote
    Votes 13,380
  • WpPart
    Parts 42
A Home In His Arms By Aya Myers
Dumb Ways To Love COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 247,284
  • WpVote
    Votes 4,459
  • WpPart
    Parts 57
Dumb Ways To Love By Luna King "And that smile was enough to make him forget why he hated the world, even for a while." For Tazmania, loving Odie was like playing Dumb Ways To Die. One wrong move, and the character will die. Movie producer si Tazmania na ang trabaho lang sana ay gawing pelikula ang love story ni Odie at ng pumanaw na fiancé nito na si Pluto. Naging hit kasi ang video ng kasal ng dalawa kung saan namatay si Pluto bago pa man din makapag-"I do." Nagkasundo sina Tazmania at Odie na papayag ang dalaga na gawing pelikula ang buhay nito, at ido-document naman ni Tazmania ang "journey" ni Odie habang ikinukuwento at binabalikan ang love story nito at ni Pluto. Hanggang sa aksidenteng nakuha ni Tazmania ang listahan ni Odie ng mga paraan ng pagpapakamatay na magmumukhang aksidente, dahil pinaplano pala ng dalaga na sundan sa kabilang buhay si Pluto. Hindi naman ganoon kasama si Tazmania para magbulag-bulagan, kaya ginawa niya ang lahat para pigilan si Odie sa masamang balak sa sarili. But while doing his self-appointed duty of stopping her from killing herself, Tazmania found himself slowly falling in love with Odie... ...even if he knew she would never love any other man after Pluto.
Diary Of A Heart Stealer COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 308,288
  • WpVote
    Votes 4,849
  • WpPart
    Parts 22
Diary Of A Heart Stealer By Dawn Igloria First encounter pa lang ni Gwen kay Paolo ay palpak na. Marami itong nabisto tungkol sa kanya: ang habit niya na makipag-usap sa sarili, ang singing voice niya na parang pinupunit na yero, ang plano niyang agawin ang secret love niyang si Lawrence, at ang grabeng pamimintas niya sa nililigawan nito. Malay ba niyang may isang cute na Paolo palang nakikinig sa solo concert at monologue niya? Mula noon ay inasar-asar siya nito. Baka raw isumpa siya ng singer ng kantang pinipilit niyang ibirit. Maluwag daw ang turnilyo niya at maghahanap daw ito ng vise grip para higpitan iyon. Asar na asar siya rito pero mas nanaig ang pagkakaroon niya ng crush dito. Ang kaso ay bigla itong nawala na parang bula. Five years later, muli silang nagkita. Nabuhay uli ang atraksiyon niya rito. Ang kaso ay ikakasal na ito sa iba. Kailangan niyang makaisip ng paraan para maagaw ito. Magpaagaw naman kaya ito?