lostangelintime
Isang Kwento ng 21 taong gulang na dalagang nasa ikalawang taon pa lamang sa kolehiyo, ang kanyang buhay sa loob ng isang magulong tahanan. Bilang gitna sa tatlong magkakapatid, naiipit siya sa pagitan ng responsibilidad, galit ng ama, katahimikan ng ina, at pagprotekta sa nakababatang kapatid. Sa kabila ng magulong buhay, pinipilit niya na magpatuloy pinapangarap ang buhay na malaya sa sigaw, sakit, at takot. Isa itong kwento ng katahimikang pinipilit panatilihin ng pangarap sa gitna ng bangungot, at ng isang dalagang lumalaban kahit paunti-unti.