bleuweirdo
Meet Ace Nheon Wentherson, 17 years old, isang senior college student. Isang spoiled brat na mula sa Albay. Siya ang anak ng dean ng Aquinas University of Albay (AUL) na siya ring may-ari ng paaralan. Kilala si Ace bilang isang pasaway na senior kaya naman upang bigyan ng leksyon ang binata, napagdesisyonan ng kaniyang ina na ipadala sila sa isang survival camp.
Sa camp na iyon, may isang babae ang bigla na lamang lumitaw sa kung saan, nakita ito ni Ace at unang tingin palang ng binata sa babae ay nahulog na agad ang kaniyang loob.
Sa kabilang banda, si Astra ay isang Diyosa na nakagawa ng kasalanan sa mundo ng mga Diyos at Diyosa. Bilang parusa, ipinadala siya sa mundo ng mga tao upang magsagawa ng isang misyon-ang misyon na iyon ay ang patinuin ang binatang nagngangalang Ace.
Posible kayang mahulog ang loob ni Astra kay Ace sa kalagitnaan ng misyon niya? Ano ang mangyayari kapag ganoon?
Alamin ang kwento nila Ace at Astra
©Bleuweirdo