Huwada
- Reads 1,015
- Votes 252
- Parts 16
Aming kuwento'y nabuo noong pangalawang digmaan pandaigdig
Isang pangyayaring hindi ko kailanma'y naisip
Tadhana nami'y nilaro at pilit na pinaglapit
'Di inasahang mahuhulog sa lahing mapang-api
Puso'y pinigilan, damdami'y iwinaksi
Bawat sulyap na nangungusap akin ay itinatanggi
Nagdulot ng kirot, anong sakit ang isinukli
Ako'y nagpatalo, hinayaan sariling magpagapi
Sapat ba ang dugo't pawis kapalit ang pag-ibig?
Bawat lusob sa baril, sandata'y buhay na ibinubuwis
Pang-aalipusta sa kapwa'y kamatayan ang pumapawi
Sabihin mo, paano magmahal kung bayan ko'y winawasak na pilit?
Pagtatagpo nati'y taksil at sadyang mapait
Oras ay minadali, panahong walang pasintabi
Puso'y isusuko na, mga alaala'y ikukubli
Panaginip ay wagas na pag-ibig, hayaang iguhit muli ng langit