Aikobels16's Reading List
2 stories
Isang Rosas, Isang Pag-ibig, Isang Ikaw by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 595,653
  • WpVote
    Votes 10,768
  • WpPart
    Parts 29
Isang Rosas, Isang Pag-ibig, Isang Ikaw By Victoria Amor "Kung dumating ang araw na kailangan kong pumili, paulit-ulit kong bibitawan ang lahat kapalit mo." Buong pusong tinanggap ni Gabrielle ang isang napakahirap na role-ang maging ina ni Avi na anak ng kanyang adopted sister. Sa pagtanggap niya sa role na maging ina ay kinalimutan niya ang sarili. Si Avi na ang naging sentro ng kanyang atensiyon at pagmamahal. Hindi niya gustong maranasan ni Avi ang kanyang dinanas bilang ulilang nagkaisip sa ampunan. Dumating ang panahong dumarami na ang tanong ni Avi tungkol sa tunay na ama-na sa litrato lang nila nakilala. Pagsapit ng sixth year birthday ni Avi ay hiniling ng bata na makasama ang ama. Inimbitahan ni Gabrielle si Liam De Nava ngunit hindi siya umasang darating ang lalaki. Ngunit dumating si Liam. At ang pagbabalik ng lalaki sa Pilipinas ang magpapabago ng buhay ni Gabrielle at maglalantad din sa isang lihim na ipinagkait sa kanila ng yumaong ina ni Avi...
In Love With A Love Guru by Andie Hizon by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 215,284
  • WpVote
    Votes 4,576
  • WpPart
    Parts 22
"Mula ngayon, hindi ka na mag-iisa dahil nandito na ako at hinding-hindi ako mawawala sa buhay mo." Dahil sa isang malungkot na pangyayari sa buhay niya ay nagtungo si Gladys sa Maynila. Napadpad siya sa Alba's Residence, isang ladies' boardinghouse kung saan siya nakatagpo ng mga bagong kaibigan. So far so good ang takbo ng mga pagbabago sa buhay niya. Pero biglang nagulo iyon nang tuligsain ng isang DJ Zeph ang mga gawa ng mga romance writer na katulad niya. Worse, he did not do it once but twice! Aba't nawiwili yata ito? Sa inis niya ay tumawag siya sa programa nito sa radyo para depensahan ang mga romance novel. Nag-click sa mga listener ang tambalan-este, bangayan nila. Mukhang hindi lang panradyo ang chemistry nila dahil nang magkakilala sila nang personal ay may naramdaman siyang spark sa pagitan nila. Subalit kung kailan nagkakaunawaan na ang kanilang mga puso ay saka naman umeksena ang best friend slash first love nito. Bigla ay para siyang nawala sa eksena. Mauwi pa kaya sa totohanan ang "tambalan" nila?