Mariecrisy
- LECTURAS 103
- Votos 0
- Partes 1
ISANG PAG-AALAY
Sa alaala ng mga paring sina Don Mariano Gomez (84 taon), Don Jose Burgos (35 taon), at Don Jacinto Zamora (37 taon) na binitay sa bagumbayan noong ika-17 ng Pebrero, 1872.
Ang Simbahan, sa pagtanggi nitong kayo ay hamakin ay nagpaparamdam na maaaring kayo ay walanh kasalanan. Ang Pamahalaan, sa pagbibigay diin nitong maaaring ang paghusga sa inyo ay bunga ng ilang kamalian ay mayroon ding pinapaniwalaan. Ang Pilipinas naman, bilang inyong bansang sinilangan ay may ibang paninindigan. Tinawag niya kayong mga martir at para-parang tinatanggap niya ang inyong naging pagkukulang.
Para sa akin, hindi mahalaga kung mapatunayan man o hindi ang pakikilahok ninyo sa pag-aalsa ng Cavite. kilalanin man kayo o hindi bilang mga bayani. Totoo man o hindi na nag-apoy ang inyong mga damdaming makabayan sa ngalan ng katarungan at kalayaan, buong pusong iniaalay ko pa rin sa inyo ang nobelang ito. Sa inyo na mga biktima ng walang katapusang kasamaang layunin kong hanapin at tapusin.
At habang hinihintay naming maghugas ng kaniyang kamay ang bansang espanya sa inyong sinapit na kamatayan, hayaan ninyong mag silbing mga tuyong dahon ng katotohanan ang mga pahina ng nobelang ito. At sa sinumang mangangahas na pupula sa inyong alaala bilang mga Martir ng Bagumbayan, hayaan ninyong maligwakan ang kaniyang kamay ng sariwang dugong inyong inialay sa sangkapilipinuhan.
- J. RIZAL