deyzmerano's Reading List
45 stories
Paint My Love (Completed!) de IamAyaMyers
IamAyaMyers
  • WpView
    Leituras 829,427
  • WpVote
    Votos 13,175
  • WpPart
    Capítulos 14
Arthur Franz de Luna's story. :) Kumukulo ang dugo ni Ada sa boss niyang si Arthur Franz de Luna. Adelantado at arogante ito. Tila misyon din nito sa buhay ang painitin ang ulo niya araw-araw. Kaya lagi rin siyang may sagot sa bawat atake nito. Kung hindi nga lang napakalaki ng utang-na-loob niya sa mga magulang nito ay matagal na siyang nag-resign sa trabaho. Pero naglaro ang tadhana. Nagkasakit siya at ang binata ang nasa tabi niya. Hindi niya inasahan ang labis na pag- aalala nito sa kanya. Sa unang pagkakataon, nakapag-usap sila nang hindi nagbabangayan. Iyon ang naging daan para magbago ang pakikitungo nila sa isa't isa. Nadiskubre niya ang magagandang katangian nito na hindi niya nakikita noon dahil sa inis niya rito.
Ikaw, Ikaw Ang Iniibig Ko (COMPLETED) de MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Leituras 381,479
  • WpVote
    Votos 9,637
  • WpPart
    Capítulos 21
"Kung mayroong pagkakataon para sa atin, I'll make love to you right here. In a bed of grass... at twilight." Identical twins sina Angelo at Anthony. Hindi maitago ni Wilna ang pagkamangha sa remarkable likeness ng magkapatid. Paano malalaman ng dalaga na ang iniibig niya at ang kasintahan ay dalawang magkaibang tao? Magagawa ba niyang tukuyin kung sino ang sino?
Old Photos And Crinkled Love Letters COMPLETED (Published by PHR) de PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Leituras 174,894
  • WpVote
    Votos 4,417
  • WpPart
    Capítulos 24
Old Photos And Crinkled Love Letters By Chelsea Parker "Noong una kitang makita... ang unang naisip ko, sa wakas, nakabalik ka na." Ang balak lang naman ni Luchi ay isauli ang mga gamit na ipinuslit niya ten years ago nang mag-field trip silang magkakaklase sa isang lumang mansiyon. Madali lang sana ang kanyang misyon, kung hindi lang umepal ang tadhana. Tuloy, nalintikan ang kanyang plano nang muntik na siyang mabuko sa pagte-trespass sa lumang mansiyon. Mabuti na lang at mabilis siyang nakapagtago sa isang kuwarto. At dahil determinadong hindi pahuhuli nang buhay kaya ginawa ni Luchi ang natitirang option-tumalon siya sa balkonahe ng kuwarto mula sa ikalawang palapag. Ang kaso lang, 2015 ang taon nang magpatihulog si Luchi. Pero nang mag-landing siya sa ibaba, 1928 pa lang daw, sabi ng poging lalaking nakadaupang-palad niya. Anyare?
My Love My Hero, Hanz (UNEDITED)(COMPLETED) de MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Leituras 471,180
  • WpVote
    Votos 14,010
  • WpPart
    Capítulos 27
Angeli found her boyfriend murdered in his office. Subalit walang gustong maniwala sa kanya. Ayon sa imbestigasyon ay nagpakamatay si Dirk. Nagbakasyon siya sa isang bayan sa norte upang malimutan ang trahedya. Doo'y nakilala niya si Hanz Belleza, a gorgeous fisherman, whose smile melted her knees. But he owned a black Honda Civic. At iyon mismo ang sumusunod kay Angeli sa daan nang patungo siya sa San Nicolas. At ang humahabol sa kanya nang gabing mamatay si Dirk ay ang itim ding Honda Civic. At natitiyak niyang may lihim sa likod ng pagkatao ni Hanz. Was she risking her life as well as her heart by falling in love with him?
Touch Me More (More Trilogy #1) de FGirlWriter
FGirlWriter
  • WpView
    Leituras 4,574,838
  • WpVote
    Votos 135,322
  • WpPart
    Capítulos 33
More Trilogy Book 1: Touch Me More (2016) Maria Clara Alba Flores. Almost 16 years of existence and Czarina can't learn to appreciate her name. Then, Bari came who always calls her by her real name. Crisostomo Ibarra "Bari" delos Santos is a twenty-three year old bachelor-full of wisdom, has a stable job, and a very dreamy and handsome man for Czarina. Gustong-gusto talaga niya ang binata kahit pa imposibleng magkagusto ito sa immature pang kagaya niya. But who knows, right? She will grow up! Magiging dalaga din siya. At sana, siya ang maging Maria Clara nito. Written ©️ 2016
One Night With Mr Gorgeous_Complete de IamLaTigresa
IamLaTigresa
  • WpView
    Leituras 1,076,629
  • WpVote
    Votos 22,982
  • WpPart
    Capítulos 17
One Night With Mr. Gorgeous by La Tigresa "I'm not going to marry you, Theo." "And do you think I want to? Wala akong choice. Nanay ka ng anak ko." Natameme si Arielle. "Hindi ko hinihingi sa 'yo na maging asawa ka sa akin oras na makasal tayo, Arielle. If you're worried about making love to me, huwag kang mag-alala, hindi kita oobligahin. Hindi ko rin naman matandaan na ipinilit ko ang bagay na 'yan sa isang babae. I can always find myself a woman to take your place anyway." Nag-init ang mukha ni Arielle sa inis. At sa ibang babae pala planong sumiping ng walanghiya at hindi sa kanya! 'Eh, kaninong kasalanan? 'Di ba ikaw naman 'tong nag-iinarte? 'Tapos, kapag naghanap siya ng ibang babaeng ikakama, maiinis ka.' Ipinilig niya ang ulo. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit naman siya maiinis kung sakaling gawin nga ni Theo ang sinabi? Nagseselos ba siya? Pumapayag na ba siyang maging Mrs. Theo De Marco? Of course not! HIGHEST RANK : #24 in Romance #21 in random #5 in PHR PHR top 2 Best Seller for the month of March 2017 ================================
Kristine Series 2: Ang Sisiw at ang Agila de MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Leituras 2,051,236
  • WpVote
    Votos 49,270
  • WpPart
    Capítulos 25
Si Jasmin ang napili ni Don Leon na ipakasal kay Nathaniel. Wala siyang mapagpipilian kundi ang sumunod. Si Nathaniel ay nagpupuyos sa galit dahil sa manipulasyon ni Don Leon, at sa pagkakaalam nitong hindi na birhen ang babaeng pakakasalan. Mahigpit na tradisyon ng pamilya na malinis at marangal na babae lamang ang ipapanhik sa Villa Kristine. Sa nangyayari'y naiipit si Jasmin sa magkabanggang mag-lolo. Kay Don Leon na ang nais ay diktahan ang mga nasasakupan at kay Nathaniel na ang nais ay makawala sa manipulasyon ng matanda.
Pahiram Ng Isang Pasko de JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Leituras 113,608
  • WpVote
    Votos 2,446
  • WpPart
    Capítulos 37
12 Gifts of Christmas Series Collaboration
Sweetheart 6 - Mrs. Winters (Soon Your Name And Mine Are Going To Be The Same) de MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Leituras 1,459,839
  • WpVote
    Votos 28,732
  • WpPart
    Capítulos 27
Mula pagkabata'y lihim na minahal ni Kate si Rafael. Subalit ang playboy ng San Ignacio College ay iba ang pinagtutuunan ng pansin, ang kaibigan matalik ni Kate na si Moana. Si Moana na ang gusto'y si Vince. Kahit na nasasaktan ay nagparaya si Kate, walang lakas ng loob na sabihin ang nararamdaman. Sa gabi ng graduation party ni Moana ay natuklasan ni Rafael na mali pala ito ng pinag-ukulan ng damdamin. At ang tunay na pag-ibig ay nasa tabi lang pala nito. Subalit paano pa nito maipaparating kay Kate ang damdamin gayong ang buong pamilya nito'y nangibang bansa na?
Sweetheart 5 - All My Love (COMPLETED) de MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Leituras 1,607,399
  • WpVote
    Votos 30,805
  • WpPart
    Capítulos 28
Siyam na taon si Lara nang una niyang makita si Jaime, ang binatilyong ampon ng lola niya. Kinaiinisan niya ang pagiging malapit nito sa sarili niyang ina. Sa pakiramdam niya'y lahat ng mahal niya'y nakuha na ni Jaime ang atensyon. She was seventeen nang makita niya ang sariling ina sa silid nito kayakap ang binata. Pero walang gustong maniwala sa kanya, kahit ang sariling ama na ganoon na lang ang pagmamahal sa asawa at tiwala kay Jaime. Siya ang gumawa ng pasya. She left her home. Nang mamatay ang mga magulang niya'y muli siyang nagbalik upang malamang kay Jaime ipinamana ng mama niya ang villa, ang inheritance na dapat ay sa kanya. She despised him. Pero bakit hindi magkapuwang ang ibang lalaki sa buhay niya? Bakit sa kabila ng galit niya'y nadadarang siya kay Jaime.