PHR
129 stories
Dangerous Kiss by dEityVenus
dEityVenus
  • WpView
    Reads 704,927
  • WpVote
    Votes 15,697
  • WpPart
    Parts 41
PUBLISHED UNDER PRECIOUS HEARTS ROMANCES Isa sa pinakamagaling na miyembro ng Federal Bureau of Investigation Secret Alliance si Joseph, dahilan upang sa kanya ipahawak ang kaso ng most wanted na magnanakaw na si Lupin. Ang auction ng first lady ng Pilipinas ang sunod target ng notorious na magnanakaw kaya naman desidido si Joseph na mahuli ito. Eveything was going according to his plan, pero nagbago ang lahat ng makilala nya si Savannah. Something about the alluring woman seems familiar to him... kahawig ito ng namayapa nyang kasintahan. Paano gagampanan ni Joseph ang sinumpaang tungkulin kung mahulog ang loob niya sa taong dapat ay kalaban. It's love against the law but they can never say no to a dangerous kiss.
My Love My Hero Andro - Laurice Del Rio by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 13,481
  • WpVote
    Votes 240
  • WpPart
    Parts 10
Napapiksi si Charisse nang abutin nito ang braso niya't hilain siya. Gayunpaman, hindi siya pumiglas nang sapuin nito ng dalawang palad ang kanyang mukha't dampian ng halik ang kanyang mga labi. "Does this mean na pumapayag ka na sa terms ko?" Nagbabaga ang mga mata ni Andro sa masidhing emosyon habang nakatitig sa kanya. Do I have a choice? gustong isigaw ni Charisse.
Insta Wedding (PUBLISHED UNDER PHR) by zerously
zerously
  • WpView
    Reads 1,726,042
  • WpVote
    Votes 35,982
  • WpPart
    Parts 35
Picture this. Nagsusukat ka lang ng wedding gown sa isang sikat na boutique. Suot mo pa ang gown habang nakatingin sa malaking salamin sa harap mo ng may tatlong lalakeng nag ga-gwapuhan na pumasok sa boutique. Nagulat ka nalang ng pagitnaan ka ng dalawa at walang habas na hinawakan ka sa magkabilang braso at binuhat. Inilabas ka ng shop at gusto kang ipasok ng mga ito sa isang magarang sasakyan. Nag pupumiglas at sumisigaw ka ng "kidnap" pero walang naniwala sa mga nakakita sa inyo. Sino nga ba naman ang mag aakalang ang mga lalakeng di niya kilala ay kidnapper? Palibhasa, kahit siya iisiping nasisiraan na siya ng bait. Sa huli ay wala kang nagawa. Dinala ka ng mga ito sa simbahan. Hindi ka makapalag dahil pinagbantaan ka ng mga itong babarilin. Ito pa mismo ang nag hatid sayo hanggang sa dulo ng altar. Natulala ka ulit ng makilala ang groom. It was no other than Charles Natividad, the oh so hot bachelor slash Celebrity Chef. Ang alam niya nga ay ngayon ang kasal nito sa babaeng di naman nito pinapakilala sa madla. Malalaman lang daw ng mga tao kung sino iyon sa araw mismo ng kasal. Pero tangina naman! Ano to? Bakit siya ang nandito? Magkakilala ba sila? Nagka amnesia ba siya kaya di niya to maalala? Or ito ba ang revenge chuchu na tulad ng mga nababasa niya? Bakit silang dalawa ang ikakasal? Hindi siya handa! Hindi manlang siya pinag ayos ng mga ito! <<<FIRST INSTA SERIES>>> [Published under PHR. Hindi na complete ang chapters na nandito.]
Insta Baby (PUBLISHED UNDER PHR) by zerously
zerously
  • WpView
    Reads 1,506,079
  • WpVote
    Votes 30,975
  • WpPart
    Parts 35
Si Grasya, ang babaeng disgrasyada. Ops! Wag judgemental, hindi siya buntis o nabuntis ha. Ingat na ingat nga siya sa puri niya e. Ang ibig kong sabihin sa disgrasyada ay literal na hinahabol, pinapaulanan at minamalas siya dahil sinasalo na at niya lahat ng aksidenteng pwedeng mangyari. Kakambal na niya ang kamalasan. Siguro nung nakaraang buhay niya isa siyang killer, holdaper, magnanakaw, manloloko, kaya ngayong nabuhay siyang muli ay pinaparusahan siya. Paano kung dahil sa isang baby ay kailanganin siya ni Teodoro Natividad na CEO ng isa sa pinakamalaking kompanya ng bansa. The most strict and serious man that she'll ever met. Makakaya ba nilang matagalan at mapakisamahan ang bawat isa? *2nd Inta series* [published under PHR. Hindi na complete ang chapters na nandito.]
+18 more
Somewhere Only We Know COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 242,623
  • WpVote
    Votes 4,004
  • WpPart
    Parts 24
Somewhere Only We Know By Europa Jones How bad could it be to develop a crush on him? After all, crush pa lang naman. Hindi akalain ni Marjory Arieta-Student Council President ng Benedict College na pakikiusapan siya ng principal para sa disciplinary sanction ni Jason Velasquez. Sa kabila ng nararamdamang pagtutol dahil sa reputasyon ng lalaki bilang isang bully at tyrant ay wala na rin siyang nagawa kundi ang pumayag. Pero siniguro niya sa sarili na pahihirapan itong mabuti. Nagbago ang lahat nang makilala nang husto ni Marjory si Jason. Lalo na nang matuklasan nila ang sekretong grotto. Unti-unting naging malinaw ang lihim sa pagkatao at ang mga dahilan ng mga ipinapakitang pag-uugali ng binata. Naging saksi ang grotto sa pag-usbong ng unang pag-ibig ni Marjory kay Jason. Nararamdaman niyang may pagmamahal din ang lalaki sa kanya pero natatakot siyang ungkatin ang estado ng relasyon nila dahil umiiwas ito tuwing ipipilit niya ang topic. Kahit pa inamin ni Jason na mahal siya nito ay nilayuan pa rin siya ng lalaki dahil hindi nito kayang tanggapin ang sarili. Pero maghihintay pa rin si Marjory. Hahanapin niya si Jason. At sana balang-araw ay puwede na itong mahalin...
Not Just A Pretty Face by LushEricson
LushEricson
  • WpView
    Reads 79,866
  • WpVote
    Votes 1,490
  • WpPart
    Parts 11
Binansagan si Casey sa kanilang university na "beauty with no brains." Kabilang siya sa tinaguriang "The Loser's Club." Hindi lang niya minsang narinig ang pangungutya sa kanya ng mga tao. Pero hindi na niya ininda ang mga iyon lalo na nang aminin sa kanya ni Red, ang kanyang Prince Charming na gusto rin siya nito. Hindi biro ang mga ginawa niya para mapansin siya ng binata. Naging errand girl siya ng basketball team na kinabibilangan ni Red para lang maalagaan at masilayan niya ang kaguwapuhan nito. Ang akala ni Casey ay maayos ang lahat sa relasyon nila ni Red, pero isang malaking problema pala ang kakaharapin niya-ang mga magulang nito. Kilalang henyo ang buong pamilya ng binata at natatakot siya na baka hindi siya magustuhan ng mga magulang nito para kay Red. Hindi naman siya nagkamali ng sapantaha. Tila nagdilim ang mundo ni Casey nang marinig niya mismo mula sa bibig ng mama ni Red kung gaano siya nito inaayawan. Pero mas masakit pala ang malaman na naipagkasundo na si Red sa ibang babae at pampalipas-oras lamang siya nito.
Lose, Love, Live (COMPLETE) by LushEricson
LushEricson
  • WpView
    Reads 37,770
  • WpVote
    Votes 1,191
  • WpPart
    Parts 27
This is the story of Sita Asuncion. Napakabait niya, wala siyang bisyo, at laging handang tumulong sa iba. But unfortunately, she was diagnosed with stage III stomach cancer. At bigla ay naging iba na ang pananaw niya sa buhay. Gusto niyang gawin lahat ng mga bagay na hindi niya ginawa noon: bumili ng magagandang damit, uminom ng alak, lumabag sa rules... at marami pang iba. Ginawa niya iyong lahat sa tulong ng lalaking mahal niya--si Toyli. And her death wish was simple. For Toyli to love her back. Will it ever happen if he loves someone else? This is the story of Sita Asuncion and it's a story of loss, love and a celebration of life.
Ang Pinakanakakalokang Love Triangle sa Balat ng Lupa (COMPLETED/PUBLISHED) by LushEricson
LushEricson
  • WpView
    Reads 75,554
  • WpVote
    Votes 1,035
  • WpPart
    Parts 16
Isang Babae... Isang Lalake... Nag-aagawan sa isang bakla... Ito ang pinakanakakalokang love triangle sa balat ng lupa!
Invisible Man's Spellbound Heart (COMPLETE) by LushEricson
LushEricson
  • WpView
    Reads 46,556
  • WpVote
    Votes 898
  • WpPart
    Parts 13
Todo ang effort ni Lutgarda sa pagpapapansin sa kanyang ultimate crush na si Robin, pero palaging epic fail ang kinalalabasan. Pati fashion sense ay binago niya. Dati ay palda na hanggang talampakan ang haba ang laging suot niya. Pero ngayon ay nagsusuot na siya ng miniskirt at tank top. Ang siste, nabastos siya ng mga adik na tambay sa kanilang lugar. Sukdulang umabot pang nagpagawa siya ng potion sa kanyang lola para gayumahin si Robin, pero epic fail pa rin. Sa lahat ng mga kapalpakan ng mga da moves ni Lutgarda ay nariyan ang best friend niyang si Jed-na kapatid ni Robin-para i-rescue siya. Si Jed ang palaging nagli-lift ng self-esteem at nagbu-boost ng kanyang confidence tuwing bigo siya kay Robin. Si Jed din ang nagsabi na maganda siya at kaibig-ibig. Sa mga panahong bigo si Lutgarda ay hindi siya iniwan ni Jed. Lalo tuloy lumalim ang appreciation niya sa best friend. "Don't feel bad about yourself. Don't be too insecure," ani Jed. "Always remember na may isang Jed na nagpapakatanga sa 'yo." Diyata't hindi na kaibigan ang tingin nito sa kanya?
The Puppy Love That Lasted Forever (COMPLETE) by LushEricson
LushEricson
  • WpView
    Reads 74,840
  • WpVote
    Votes 1,632
  • WpPart
    Parts 21
Taong 1996, isang dekada pagkatapos ng EDSA Revolution, nangako kay Basty ang kababata niyang si Devon na pakakasalan siya nito. Mga inosenteng bata pa sila noon. Ngunit napapako nga yata ang mga pangako dahil paglipas ng ilang taon ay nakalimutan na rin ni Devon ang pangako nito sa kanya. Ang problema pa niya, kahit nang lumaki na sila ay napaka-sweet pa rin ni Devon sa kanya. Hindi tuloy niya mapigilan ang kanyang puso na umibig dito. And she secretly desired that one day he would realize that his promise was worth keeping. Pero kahit yata magpasimula pa siya ng panibagong people power sa kahit anong kalsada ng Pilipinas, alam niyang imposible nang matupad nito ang pangakong iyon. In love na kasi ito sa iba...