currently reading
1 story
The Ballerina's Stand by Teykux
Teykux
  • WpView
    Reads 459
  • WpVote
    Votes 167
  • WpPart
    Parts 14
Sheia Clarisse Chavoso, an 18 year old Ballerina at Starita Entertainment. Being the star of every show, the eye catcher of every performance, how could she say no? Ito ang kanyang pangarap, ang kanyang kasiyahan, at ginusto niya ito dahil ito ang gusto ng kayang ina. Si Chad Stephen Salazar naman ay isang lalaking nanggaling sa isang pamilyang hindi kailanman naging marangya, salungat sa buhay na mayroon sina Sheia. Kahit na mahirap, kumakayod siya kasama ng kanyang ama at ina upang makapag-aral siya at makatapos ng kursong Engineering, na siyang pinapangarap niya noon pa lamang. Bukod sa pagiging matalino, maaalahanin, at masipag, si Chad ay isang heartthrob sa kanilang University. Kilala siya dahil isa siyang top student at isang Gitarista. Simula nung nakita ni Chad si Sheia sa isang tarpaulin na para sa isang show, nabighani ito sa angking kagandahan ng dalaga, nagtrabaho siya ng part-time at umipon para lamang makabili ng ticket sa performance ng dalaga. Sa bawat show ng dalaga, nandoon siya, tahimik na nanonood at pinagmamasdan ang magaling na dalaga. Matagal niya nang gustong makilala pa ng mas mabuti si Sheia, ngunit palaging pumapasok sa isip niya ang mga salitang "hindi pwede." Pero paano kung gusto niya, at hindi niya kayang hindi gawin?