peachxvision🧡 DR
22 stories
Lost and Found by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 303,500
  • WpVote
    Votes 13,217
  • WpPart
    Parts 37
Hiniling ni Ma. Natasha Kaluag, o Tasha, ang isang unique na malatelenobelang buhay. Ibinigay naman ito ng universe nang mawala ang wallet niyang may laman dapat na one-by-one picture na inabot naman ni Theo Agustino. Ang pagbintangan si Theo nang makita niyang wala ang litrato sa wallet ang nag-umpisa ng pag-iiba ng kanyang mga araw at ang paghahanap ng isang bagay na si Theo lamang ang makapagbibigay. Hindi maganda ang nakaraan ni Theo -- na-late siya ng isang taon sa pag-aaral dahil sa isang aksidente at nawala ang tsansa niya sa taong matagal na niyang gusto. Kaya nang matagpuan niya ang wallet ni Tasha at mapagbintangan siyang itinago ang litrato nito, alam ni Theo na may pagkakataon pa siyang mag-umpisa ng bagong kabanata na si Tasha naman ang kasama. Dalawang taong nawalan, dalawang taong may nahanap. Kung sabay ba nilang tutuklasin ang mundo ng pag-ibig na ngayon pa lang nila mararanasan, sabay rin ba silang mawawala?
Crosswalk by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 54,158
  • WpVote
    Votes 3,881
  • WpPart
    Parts 10
'Wag tumawid. Nakamamatay. Masunurin sa batas si Glamor Izabelle Ramos, a.k.a. Glai, lalo na sa mga batas sa daan. Late na siya't lahat, hihintayin niya pa rin niyang maging berde ang pedestrian signals bago tumawid. Blessing naman ito dahil dito magkukrus ang landas niya at ng kanyang "ideal guy." Nga lang, ang "ideal guy" pala niya ay ang supervisor ng department nila sa opisina, si Aion. Masaya na sana ang lahat . . . kaso taken pala si Aion base sa mga nakatenggang social profiles niya. Maguguluhan pa si Glai dahil iba ang ikinikilos ni Aion tuwing sila ang may moment. May mga pagkakataon nga ba kung kailan puwede isantabi ang mga patakaran . . . o maninindigan si Glai na hintayin ang green light ng pag-ibig?
Tibok (Published) by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 110,941
  • WpVote
    Votes 4,449
  • WpPart
    Parts 8
Tila tadhana nang makita uli ni Kayi si Kabi sa isang salo-salo matapos niya itong makasalamuha sa siksikang tren. Sa dami ng kanilang pagkakatulad, nakabuo sila ng natatanging koneksiyon . . . na madaling namang nakapagpatibok ng puso ni Kayi. Mahirap man, alam ni Kayi na kailangan niyang ihinto ang kanyang mga nararamdaman. Una, may boyfriend si Kabi na hindi niya masikmura. Pangalawa, di rin naman niya alam kung posible bang magkaroon ng pagtingin si Kabi para sa kanya. Pero kung tadhana na ang paulit-ulit na nagsasabing pagmamahalan ang dapat magwagi, mapipigilan pa ba niya ito? Pula, kahel, dilaw, luntian, bughaw, indigo, lila -- ano nga ba ang kulay ng pag-ibig? Published by Summit Books under the Pop Fiction imprint © 2020 (with additional content). Now available in bookstores nationwide.
548 Heartbeats (Published) by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 3,938,222
  • WpVote
    Votes 64,967
  • WpPart
    Parts 56
Nalilimitahan nga ba ang bilang ng tibok ng puso para sa isang tao? Ang gusto lang naman ni Xei, isang estudyante mula sa Section I ng isang science high school, ay matataas na grades at tahimik na "crush" life. Tanggap naman niya na imposibleng magustuhan siya ng crush niyang sobrang nagpatibok ng puso niya sa una pa lang nilang pagkikita at heartthrob ng batch nila -- si Kyle. Pero magugulo ang tahimik niyang buhay nang dahil sa mga di inaasahang pangyayari: nang magustuhan siya ng kaibigan ni Kyle na si Chris, nang magustuhan ni Kyle ang kaibigan niyang si Rai . . . at nang mapalapit siya kay Kyle na mas nagpalala ng mga nararamdaman niya. Dito higit matututunan ni Xei na hindi lang basta-basta sinusunod ang tibok ng puso, lalo na kung may masasaktan -- kailangang pag-aralan din. Published by Summit Books under the Pop Fiction imprint © 2013 (translated in English). Now available in bookstores nationwide. Its anniversary version (with added content and special chapters!) is published by KPub PH © 2023.
Pares (Book 1 of the Paboritong Ulam na May Sarsa o Sabaw Series) by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 55,961
  • WpVote
    Votes 4,043
  • WpPart
    Parts 9
Ano nga ba ang tamang timpla ng pag-ibig? Dahil sa punyemas na Twitter algorithm, malalaman ni Taurus Macaraeg ang hindi lang isa kundi dalawang sikreto ng di makabasag pinggan niyang office mate na si Novi Dimaculangan. Umabot naman ang dalawa sa isang kasunduan na ililibre ni Novi si Taurus ng paborito niyang pares kada Huwebes kapalit ng pagtago ni Taurus ng sikreto. Pero tulad ng pagluluto at paghahain ng pares, may mga sangkap na ihahanda ang universe na mas magpapasarap at magpapakulay sa ugnayan nilang dalawa.
Parallel by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 6,487
  • WpVote
    Votes 363
  • WpPart
    Parts 1
Kleid loves his fiancée Lyveve so much that he hopes to give her more than life can allow. If parallel universes were true, he wishes to exchange lives with a successful version of himself, a version he has regretted not becoming. But like points in parallel lines, circumstances in parallel universes never meet.
Paghinga by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 7,070
  • WpVote
    Votes 421
  • WpPart
    Parts 1
Mahal na mahal ni Fritz ang kasintahan niyang si Aura, ngunit ang hangin na kanyang ibinubuga, pati ang nagbabagang tukso na di-mahipan, ang unti-unting pumapatay rito. Kailan pa naging mahirap ang pumili sa pagitan ng paghinga at pahinga? Para kay Fritz, palagi.
Huli & Una by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 26,991
  • WpVote
    Votes 1,750
  • WpPart
    Parts 1
See external link for the real style and format of the story.
Siguro by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 41,531
  • WpVote
    Votes 1,431
  • WpPart
    Parts 1
Nagtagpo. Natagpuan. At magtatagpo muli . . . Siguro.
Kaulayaw by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 8,853
  • WpVote
    Votes 714
  • WpPart
    Parts 1
May mga tao tayong pinupuntahan sa tuwing tayo'y nakararamdam ng matitinding emosyon. Kasama mo silang magsaya sa iyong mga tagumpay at manabik sa mga bagong pagkakataon. Sa panahon ng pagdadalamhati, sila ang iyong sandigan -- para malibang, para makalimot, para lumuha't maglabas ng hinanakit. Tila nakakonekta ang inyong mga puso't isipan, at ika'y mapapaisip kung ano nga ba sila para sa iyo. Hindi mo sila kadugo tulad ng iyong pamilya, hindi mo sila katalik tulad ng iyong asawa, ngunit alam mong ang inyong ugnayan ay higit pa sa mga ito. Para sa mga manunulat . . . sino ang inyong kaulayaw?