m2m fantasy story
7 stories
Falling for Angels (BL Fantasy) by MrAoiKun
MrAoiKun
  • WpView
    Reads 28,672
  • WpVote
    Votes 1,487
  • WpPart
    Parts 19
Dahil sa pagsuway sa utos ng kataas kaatasang nilalang, Ang pinakamalakas at pinakamakapangyarihang anghel na si Michael ay tinanggalan ng kanyang katayuan sa langit at pinadala sa lupa upang mamuhay bilang isang tao. At ang tanging paraan upang mabawi niya ang kanyang lugar sa langit ay magawa niyang umibig ng tunay. Ngunit paano kung ang pag-ibig na mahahanap niya ay hindi pala tanggap ng karamihan? Ipaglalaban niya pa ba ang kanyang katayuan bilang isang anghel o ang manatiling mortal at ialay sa taong minamahal ang kanyang buhay. Tunghayan ang kakaibang pagmamahalan ng isang supernatural na nilalang at isang ordinaryong tao na magpapatunay na ang pagmamahal ay walang pinipiling uri, kasarian at katayuan sa buhay. Falling For Angels Written by:MrAoiKun Date Started: July 12, 2018 Date Finished:
The Alpha Series Book 1: You are Mine (boyxboy) COMPLETED by JuanDer25
JuanDer25
  • WpView
    Reads 97,771
  • WpVote
    Votes 3,667
  • WpPart
    Parts 49
Matagal kong hinintay ang oras na makilala ko siya. Kahit hindi na ibigay sa akin ang katungkulang inaasam ng lahat. Makilala ko lang siya. Pero anong gagawin ko kung ang oras na iyon ang siya din namang magbabago at gugulo sa mundo ko. Sabi nga nila Love moves in mysterious ways, kaya nga sino ako para kontrahin ang nakatadhana para sa akin at taong nakalaan sa akin. Lalo na at isa din siyang lalaki na tulad ko. I will do my best to prove myself and my love for you kahit na maraming hadlang at pagsubok ang ating dadanasin. I, Liam Yoseph Parker will promise to protect and cherish you my Love, my mate, because "You Are Mine". Highest Ranking: #1 Mpreg #4 Prophecy #2 hunters #9 lovewins --------------------------- Note: Magulo po ng sequence ng Chapters. Pahanap na lang po ang start. Pasensya na po... May numbering naman po lahat. If naguguluhan po kayo, STOP! WAG NA LANG PO BASAHIN! 4x na ako nagbura at nag repost so if issue po ang Magulong Sequence... I am sorry po! Wala na akong magagawa pang iba. Salamat! To my readers, hopefully sa next book maayos na po ang sequence di ko talaga alam bakit magulo ang mga Chapters. -JuanDer25
Hades University by Adamant
Adamant
  • WpView
    Reads 81,078
  • WpVote
    Votes 3,575
  • WpPart
    Parts 35
Hades University [BXB|Mystery|Thriller|Fantasy|Horror] Isang prestihiyosong unibersidad ang bigla na lamang naitatag sa bansa sa kasalukuyang taon, ang unibersidad na iyon ay pinangalanang Adhes University na ipinatayo ng isang pilantropo na biglaan din ang pagpasok sa mundo ng mga kinikilalang mayayamang tao sa mundo na agad niyang naungusan. Sa loob lamang din ng kasalukuyang taon ay naging mabilis ang pagiging tanyag ng Adhes University hindi lang dahil sa ito ang natatanging unibersidad na itinayo at sumakop sa isang buong isla, kundi dahil sa mabilis din na nakuha nito ang lahat ng mga unang pwesto sa lahat ng kompetisyon at eksaminasyon na kinikilala ng bansa at mundo. Ang makapasok sa Adhes University ang pinapangarap ni Nico San Gabriel, ngunit dahil sa estado ng pamumuhay na meron siya na tanging ang kinikita sa pagpasok sa isang maliit na karinderya ang tanging pinagkakasya niya para sa sarili at pagtulong sa pamilya niya ay hanggang pangarap na lamang ito. Ngunit paano kung ang pangarap mo ay magkatotoo? Ngunit ang pagkakatupad ng pangarap mong ito ay tila siya ding magiging mitsa ng buhay mo? Gugustuhin mo pa bang matupad ang pangarap mong ginhawa kung buhay mo ang siyang nakataya?
Rigo's Curse by ClumsySorcerer
ClumsySorcerer
  • WpView
    Reads 217,179
  • WpVote
    Votes 9,394
  • WpPart
    Parts 50
A Sequel to Jairus' Curse 25 years pagkalipas ng digmaan sa pagitan ng mga Gifted at Cursed ay masaya at mapayapang namumuhay si Rigo kasama ang asawa nito na si Khalil at ang kanilang kambal na anak na sila Summer at Winter. Isang magandang trabaho, isang mapagmahal na asawa at dalawang mabubuting anak. Isang normal na pamumuhay na matagal na niyang pinapangarap at wala na siyang mahihiling pa. Ngunit ano ang mangyayari kung sa di inaasahang pagkakataon ay magbalik ang nakaraan at mabunyag ang katotohanan na kanyang itinago sa napakatagal na panahon? Hanggang saan nga ba ang kaya niyang isakripisyo para mapanatili lamang ang perpektong pamilya na kanyang binuo? Samahan natin si Rigo Aragoncillo at ang kanyang mahiwagang kwento. February 2017
Austin's Curse by ClumsySorcerer
ClumsySorcerer
  • WpView
    Reads 180,036
  • WpVote
    Votes 7,639
  • WpPart
    Parts 61
Matapos makipaglaban sa tadhana at magapi si Ignis, ang bathala ng mga isinumpa, ay pinili ng pamilya Aragoncillo ang magkaroon ng payapa at simpleng pamumuhay. Kasama na rito ang pagpasok ni Austin sa dating paaralan ng kanyang kambal na mga kapatid na sila Summer at Winter bilang isang college student. Sa bagong mundo na kanyang tatahakin ay magkakaroon siya ng mga bagong kaibigan, mga bagong karanasan, at iba pang mga bagay na naging mailap sa kaniya noon dahil sa pagiging "kakaiba" niya. Ngunit kasabay ng mga pagbabagong ito ay ang pagbangon ng mga panibagong suliranin na susubok sa kanyang katatagan. Muling mababasag ang katahimikan sa pagbabalik ng nakaraan sa kasalukuyan para sirain ang hinaharap. Bagong Mundo... Bagong Orakulo... Bagong Yugto... Samahan natin si Austin Dale Aragoncillo at ang kanyang mahiwagang kwento. July 2017
Jairus' Curse by ClumsySorcerer
ClumsySorcerer
  • WpView
    Reads 207,976
  • WpVote
    Votes 7,857
  • WpPart
    Parts 41
A Sequel to "Julian's Gift" By Absurd018 HIGHEST RANK: #25 IN FANTASY THEMED STORY Si Julian. Kasama ang asawa na si Matteo at ang iba pang kasama sa Top 10 Gifted, sila ang inatasan na mamahala sa Battle of the Gifted. Sa hindi inaasahang pagkakataon, si Leia, ang Future Seeker sa grupo, ay nakakita ng isang pangitain na maaaring makaapekto sa magiging takbo ng event. Ayon sa kaniyang pangitain, may isang makapangyarihang nilalang na magbabalik at magdadala ng kaguluhan di lamang sa mundo ng mga gifted kungdi pati na rin sa mundo ng mga tao. At ang magiging susi sa pagbabalik ng nilalang na ito ay... Si Julian at Matteo. ••••• Si Jairus. Isang exchange student sa eskwelahang pinapasukan noon ni Julian. Laking America ngunit kinailangan lumipad papuntang Pilipinas para manirahan kasama ang kaniyang ama upang ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral. Namatay sa isang malubhang karamdaman ang kaniyang ina at dahil sa kanyang murang edad na 17, ay kailangan niyang sumama sa kaniyang ama na naninirahan sa Pilipinas kasama ang asawa nito na kapwa rin isang lalaki. Lingid sa kaalaman ng lahat, hindi ordinaryong tao si Jairus. Mayroon siyang kapangyarihan at ito ay ang kakayahang kontrolin ang elemento ng hangin... na kahit kailanman ay di niya itinuring na regalo bagkus ay isang sumpa. December 2016
Ang Alamat ni Prinsipe Malik by Ai_Tenshi
Ai_Tenshi
  • WpView
    Reads 276,340
  • WpVote
    Votes 1,645
  • WpPart
    Parts 7
"Narinig mo na ba ang kwento tungkol sa alamat ng isang mabangis na nilalang sa ilalim ng dagat? Ang halimaw na ito ay sinasabing pinaka makapangyarihang likha na nabubuhay sa anyong tubig at dahil dito siya ang itinuturing na prinsipe ng lahat ng mga naninirahan doon. Mapa isda, balyena, pating at iba pang yamang tubig ay kanyang pag aari. Siya rin ang itinuturong dahilan ng mga aksidente at trahedya sa gitna ng karagatan. Ang mga lumubog na barko at mga nawawalang sasakyang pang hipapawid ay isinisisi din sa kanyang taglay na kapangyarihan. Pinaniniwalaang siya ay naka tira sa pinaka ilalim ng karagatan kung saan ang pinaka palatandaan nito ay ang hugis tatsulok na ibabaw ng tubig at ito ang tinawag na "Bermuda Triangle." Isang ito natatanging nilalang na kalahating tao at kalahating dragon ang katawan. Para itong isang sirena ngunit ang kanyang buntot ay binatay sa isang dragon na may matutulis na pangil at mahahabang kuko. Pangit ito at talagang kinatatakutan ng lahat. Sinasabing kumain ito ng karne ng mga hayop sa ilalim ng dagat ngunit mas paborito nya ang karne ng tao dahil kakaiba daw ang lasa at amoy nito kaya naman ang lahat ng mortal na naliligaw ng gitna ng karagatan ay kanyang binibiktima at ginagawang pang himagas. Ayon sa mga libro at iba pang dokumento, marami na daw ang na ka kita sa nilalang na ito dahil may may mangilan-ngilang imahe ng hindi maipaliwanag na nilalang ang nahahagip ng kanilang mga kamera kaya naman mas lalo pang nabubuhay ang haka- haka tungkol sa alamat ni Malik."