yobabydoll
- Reads 241
- Votes 10
- Parts 10
Kapag may nakita kang babaeng merong dala dalang sandamakmak na mangas/ anime books habang kumakain ng higit sa dalawang pasta, aba't 'wag ka na magtaka, si Zamara Perri Pellegrino 'yon!
Jolly, makulit, puro kalokohan ang alam, pasta-addict, otaku/ anime lover, at babaeng pinaka pinagpala. Bakit? Siya lang naman ang magiging basketball coach ng isang basketball team na mga gwapo, hotties, fafa, cuties, at kung ano pang pwede mong itawag sa mga hulog ng langit na mga nilalang na ito.
Ni sarili niya 'di niya rin alam kung bakit siya napasok dito o bakit siya pa ang napili bilang maging coach. Basta ang alam niya, kailangan nilang magwagi hanggang sa huling laro para makapunta siya sa pinapangarap niyang bansa na Sweden.
Isama mo pa ang "pressure" dahil nagkagusto sa kanya ang apat na miyembro na kino-coach niya. (Siya na mahaba ang buhok.)
Pero paano? Pa'no niya tutulungan ang mga ito kung wala naman siyang alam tungkol sa basketball? Sinong pipiliin niyang "senpai" ng kaniyang maala anime na buhay?
Ah, basta. KERI 'yan ni PERRI!!