💙
4 stories
Sirene by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 6,099,443
  • WpVote
    Votes 187,696
  • WpPart
    Parts 21
May isang pinaniniwalaang alamat ng Karagatan na kung saan may mga sirenang nagbabantay ng mahiwagang Perlas sa Hilaga, Timog, Silangan at Kanluran ng Pilipinas. Sa tuwing kabilugan ng buwan ay nag-aalay ng buhay ng tao ang mga sirenang iyon para sa Karagatan. Sa loob ng ilang libong taon ay napanatili ang pangangalaga sa mahiwagang Perlas hanggang sa isang gabi ay ninakaw ng isang pilyong binata na kilalang manggagantso ang perlas ng Kanluran na binabantayan ni Sirene. Isang mahiwagang perlas, isang mamamatay-tao na Sirena, isang pilyong manggagantso na binata, isang hapon na kapitan ng barko, at ang paparating na Ikalawang Digmaang Pandaigdig (World War II). Ang istoryang ito ay panahon pa ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Date Written: November 15, 2017 Date Finished: July 10, 2018
Bride of Alfonso (Published by LIB) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 5,338,795
  • WpVote
    Votes 196,753
  • WpPart
    Parts 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapangarap ni Estella Concepcion. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Lucas, ang pinsan at karibal ni Enrique sa politika. *** Makatwiran at hindi nagpapatalo, lumaki si Estella Concepcion na patuloy na umaasang magkakatuluyan pa rin sila ni Enrique Alfonso, ang batang nagpagaan ng kanyang loob labinlimang taon na ang nakararaan. Ni minsan ay hindi nawala ang kanyang paghanga at pagtingin sa binata na siyang magiging susunod na gobernadorcillo ng bayan ng San Alfonso. Ngunit tila gumuho ang kaniyang mundo nang mapag-alaman niyang ipinagkasundo na ito sa ibang dalaga. Desididong mapangasawa pa rin ang binata, hihingin ni Estella ang tulong ni Lucas, ang pinsan ni Enrique. Sa paglipas ng panahon at sa mga sikretong kaniyang matutuklasan, handa pa nga rin bang gawin ni Estella ang lahat upang maikasal sa binatang matagal na niyang inaasam? O tulad ba ng ihip ng hangin ay magbabago rin ang isinisigaw ng kaniyang puso? Cover Design by Precious Pages Corp./LIB Books Book Type: Hardbound (With Book Jacket Cover)
El Gobernador General De Mi Corazón by MariaEljey
MariaEljey
  • WpView
    Reads 1,997,694
  • WpVote
    Votes 92,594
  • WpPart
    Parts 72
Wattys 2019 Winner in Historical Fiction Category Dahil sa isang pagkakamali, out of nowhere ay bumalik sa taong 1855 si Choleng. Nalayo man nang tuluyan sa pamilya ay hindi naman niya inasahang makikilala ang mga taong may kanya-kanyang dinadalang pighati sa kani-kanilang puso ang magpapagulo at magpapasakit nang bonggang-bongga sa kanyang ulo. Maghihilom pa ba ang mga pusong minarkahan ng pagkamuhi at hinanakit? May pag-asa pa nga bang muling mabuo ang mga nagkapira-pirasong pagsasama na winasak ng salapi, kapangyarihan, pag-ibig, at mga ibinaong lihim? Samahan si Choleng na tuklasin ang katotohanan sa kanyang paglalakbay pabalik sa nakaraan. Alin nga ba ang dapat niyang paniwalaan? Ang banta ng kanyang pangitain? O, ang banta ng nagbabalat-kayong katotohanan? Simulan: July 16, 2017 Tinapos: October 29, 2020 #1 in Historical Fiction 05/10/2018 #1 in Classics 05/18/2018 #1 in Mystery 08/06/2022 Wattpad's Talk of the Town 03/01/2022 Current Book Cover: Binibining RaichiMirae Previous Cover: Binibining thiszyourclover
Taste of Sky (EL Girls Series #1) by VentreCanard
VentreCanard
  • WpView
    Reads 59,020,136
  • WpVote
    Votes 2,352,152
  • WpPart
    Parts 83
Most women fall for engineers, doctors, lawyers, architects and businessmen but in my case? I fell in love with an astronaut. Highest rank: 1 Cover is not mine. Credits to the rightful owner.