BUKAL ng BUHAY: "Ang Paglalakbay" #TAMBAYAN
merrainegostrellas
- Reads 1,404
- Votes 130
- Parts 6
Tulad ng kasabihang 'may pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba,' pitong nilalang na mayroong magkakasalungat na pananaw, ugali at kultura, ay magsasama-sama. Ang paghahanap sa bukal ng buhay ang siyang magbubuklod sa kanila. Subalit lingid sa kanilang kaalaman, ito ay nahihimlay sa sagradong lupain. Na tanging may dalisay na puso lamang ang pinahihintulutang makapasok.
Gayong ang bawat isa sa kanila ay bilanggo sa sugat ng nakaraan at alipin ng kasalanan sa kasalukuyan, ang hinahangad na mapaghimalang tubig, paano nila makakamtan?
------
"Halakhak ang aking maskara, karamay ko'y pighati at luha," - Nitzan
"Hahamakin ang lahat para sa pamilya. Buhay ay ibibigay, sila lamang ay guminhawa," - Niamh
"Kaligayahan ko'y aking ipagpapalit kaakibat ng tungkuling aking nakamit," - Segev
"Masdan mo't kaakit-akit subalit puso'y nababalot ng inggit," - Tam
"Kawangis ko'y isang tupa ngunit daig ko pa ang leon," - Ro'i
"Talino ang aking kalasag. Imbensyon ang aking espada," - Alumnia
"Kapatawaran. Ang tangi kong hiling sa liwanag ng buwan," - Tubbataha
Sinimulan: 6-setyembre-2018