reddit0000's Reading List
2 stories
Sa Pagbalik || Unique Salonga AU by SG2383
SG2383
  • WpView
    Reads 133
  • WpVote
    Votes 14
  • WpPart
    Parts 3
"Ay, di ko abot." Napalingon ang lalaki nang marinig ang mahina at malungkot na bulong ng bata sa tabi nya. Isinara niya ang librong binabasa na dahilan para di nya mapansin agad ito. Yumuko siya at nangalabit. "Hello." Panimula nya. "Kailangan mo ba ng tulong?" Bigla namang ngumiti ang bata dahilan para ngumiti rin ang lalaki. Napatitig siya rito saglit nang mapansin ang bahagyang pagsingkit ng mga mata nito. Ang cute nya. At parang may kahawig siya. "Pwede po kayong ma-istorbo?" "Oo naman." Sagot niya, natutuwa sa manners na nakikita niya. "Alin ang hindi mo abot?" "Iyon po, sir. Yung color blue po na may spaceship na white tapos may yellow na stars!" Turo niya rito at tila hindi na makapaghintay. "Please po." Natawa naman ang kausap nito. "Okay, okay. Ito na." "Wow." Sambit ng batang lalaki habang binubuklat ang libro. "Ang ganda." "Maganda nga." Tango niya. "May gusto ka pa bang kunin?" "Wala na po." Tumingin sa kaniya ito bago ngumiti nang malaki. "Thank you po!" "Walang anuman. Ako nga pala si Unique." Napahinto ang bata sa pagtingin sa libro. "Ako po si-" "Uly?" "Mama!" Tumakbo bigla ang bata papunta sa bagong dating dala ang librong ilang linggo na niyang kinukulit sa kaniyang ina. "Look mama, nakuha ko na po oh. Tinulungan po ako ni Sir Unique." "Ha?" Biglang napatingin ang babae sa matangkad na lalaking kausap ng kaniyang anak kanina. Nanlaki ang mga mata nito at tila namutla nang bahagya. Mukhang napatigil din si Unique at tumingin ulit kay Uly. Tinitigan niya itong maigi. Pinuna ang hugis ng kaniyang mga mata, ilong, at labi. Para siyang nakatingin sa batang bersyon niya. Ang pinagkaiba lang, may bahagyang kulot ang buhok nito at may mataas at mabilog na pisngi. Maamo ang mukha, kagaya ng mama niya. "Akin ba siya?"
makasarili by tita_zild
tita_zild
  • WpView
    Reads 146
  • WpVote
    Votes 10
  • WpPart
    Parts 3
"pagmahal mo ang isang tao, ipaalam mo."