PHR
91 stories
MECHANIC OF THE DAY : MR. SUAVE (Men in Blue) by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 61,498
  • WpVote
    Votes 1,456
  • WpPart
    Parts 11
Nandidiri si Dulce kay Galileo dahil lagi itong nanlilimahid sa langis at grasa. Ganoon na nga ang lalaki pero nuno ng yabang at matindi ang bilib sa sarili. Never na papatol siya sa isang kagaya ni Galileo. After ten years, hindi akalain ni Dulce na makikita niya uli ang lalaki. Hindi niya akalain na aasamin niyang makulong sa malangis at magrasang mga braso nito...
THE STORY OF US 5: SOCORRO AND HANS (published under PHR1953) by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 86,954
  • WpVote
    Votes 1,601
  • WpPart
    Parts 10
Pangit at wala raw sex appeal si Socorro kaya imposibleng magustuhan siya ng kahit sinong lalaki, lalo na ng crush niyang si Hans Gatmaitan. But she proved her detractors wrong. Sa tulong ng isang kaibigan, animo isang bulaklak na namukadkad ang kanyang ganda. Napansin siya ni Hans. Naging visible siya sa paningin nito. They became friends. Nadama niya ang importansiyang ibinibigay nito sa kanya. Dahil doon ay lalong nahulog ang loob niya sa binata. Nag-umpisa siyang mangarap na isang araw ay kakausapin siya ni Hans at magtatapat ito ng pag-ibig sa kanya. Ngunit isang malaking dagok sa kanya ang nalaman niya sa birthday party ni Hans. Nadurog ang kanyang puso sa deklarasyong binitiwan nito sa harap ng mga bisita. Kalabisan ba talaga ang asamin ang puso nito? *** Things we love about being pinay: *** How positively friendly we are... we can get along with just anybody...
MISS ULTIMATE BELIEVER IN TRUE LOVE (Published under PHR5303)Completed by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 72,046
  • WpVote
    Votes 1,633
  • WpPart
    Parts 12
Nakilala at nakapalagayang loob ni Portia si Nic, ang lalaking kagaya niya ay mahilig din sa mga animated at fairy-tale movies. Sa ilang beses na pag-imbita ni Nic na manood sila ng sine ay tila may mahikang taglay ang binata na hindi matanggihan ni Portia. At sa isang iglap ay namalayan na lang niyang hinalikan siya ni Nic. Para kay Portia, itinuring niyang isang hangin lang na dumaan sa buhay niya ang namagitan sa kanila ni Nic. Nagpalit siya ng cell phone number upang maiwasan at para hindi na siya magambala muli ng binata. After all, wala siyang kaide-ideya kung sino talaga si Nic at ganoon din ito sa kanya. Subalit hindi inakala ni Portia na muli niyang makikita si Nic. Isang masamang biro na si Nic o Gannicus pala ang kaisa-isang anak na lalaki ng kanilang boss at ang binata na ang nakatakdang mamahala sa kompanyang pinapasukan niya... Makakaya pa kayang pangatawanan ni Portia ang pag-iwas kay Gannicus gayong ang binata na mismo ang lumalapit sa kanya?
THE STORY OF US: PATTY AND ANDRES (published under PHR2370)  COMPLETED by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 272,863
  • WpVote
    Votes 2,720
  • WpPart
    Parts 11
Masugid na nanliligaw si Andres sa kaibigan ni Patty na si Azenith. Maliban sa kanya, botung-boto ang lahat sa binata para sa kanilang kaibigan. Matagal na silang magkakilala ni Andres pero ni hindi siya pansin nito. Bilang ganti, madalas niyang asarin ito. Pikon at suplado kasi si Andres kaya natutuwa si Azenith na kulitin ang binata. Nang mabasted ito, somehow, ikinaligaya niya iyon. Nalaman niya ang dahilan kung bakit... nang halikan siya nito.
IBIGIN MO AKO, LALAKING MATAPANG (MEN IN BLUE#26) COMPLETED by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 134,817
  • WpVote
    Votes 2,078
  • WpPart
    Parts 11
Kung ano-anong masasakit na salita ang palaging ibinabato ni Happy sa kababata niyang si Garret. Ngunit kung anong inis niya rito, siya namang pagkagiliw ng tatay niya rito. Si Garret ang palaging kasa-kasama ng tatay niya sa pagkakarpintero. "Kahit ano'ng sabihin n'yo, ayoko pa rin sa Garret na 'yon. Ayoko sa lahat iyong taong walang modo, basagulero, at walang ambisyon sa buhay." Lumipas ang mga taon. Isa na siyang matagumpay na arkitekto. Sa pagkakataong iyon ay muling nagkrus ang mga landas nila Garret. Ibang-iba na ang lalaki sa Garret na nakilala niya noon. Mukhang kakainin yata ni Happy ang mga sinabi niya noon tungkol sa lalaki dahil sa kakaibang damdaming nararamdaman niya rito...
I LOVE YOU, DON'T CRY (Published under Dream Love #11 book imprint) by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 107,001
  • WpVote
    Votes 1,311
  • WpPart
    Parts 11
Nakatakda nang ikasal si Ciarra nang muling sumulpot sa landas niya si Miguel, ang kanyang kababata at ex-boyfriend. Ang malditong si Miguel ang kanyang first enemy, ang kanyang first love, first kiss at ang kanyang first heartbreak. Gaano man katagal ang lumipas na panahon, at gaano man niyang pilit na ikaila sa sarili ay na-realize niyang hindi pa rin nagbabago ang epekto ni Miguel sa kanya. Ito lang ang may kakayahang magpatuliro ng isip niya, ang magpa-excite sa kanya nang bonggang-bongga. Kaya lang, alam niyang hindi makatarungan na magpatuloy pa ang kahiwagaang dulot ni Miguel. Kailangan niyang iwasan ito dahil ikakasal na siya sa lalaking sa tingin niya ay mas karapat-dapat sa kanya.
Midnight Phantom by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 842,678
  • WpVote
    Votes 19,079
  • WpPart
    Parts 25
Si Brandon Brazil - ang Midnight Phantom. Isang guwapong DJ. Magnificently male. With a voice that would make a nice girl go bad. Subalit patuloy na nakakulong sa babae ng kahapon. Si Anya - ang thirty-nine-year-old stepmother. Kasalanan ba niya kung bakit nanatiling may poot sa dibdib ang Midnight Phantom? Ano ang lihim ng kanyang pagkatao? Si Nadja - ang magandang stepdaughter who fell in love with the voice of the Phantom. Hinangad na makatagpo ito sa kabila ng hindi ito nakikiharap sa mga adoring fans. Pinagbigyan siya ng DJ at dinala sa Phantom Island. Isang disimuladong kidnapping. Silang tatlo, caught in a web of love, deceit, and vengeance.
Kristine Series 2: Ang Sisiw at ang Agila by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 2,050,836
  • WpVote
    Votes 49,270
  • WpPart
    Parts 25
Si Jasmin ang napili ni Don Leon na ipakasal kay Nathaniel. Wala siyang mapagpipilian kundi ang sumunod. Si Nathaniel ay nagpupuyos sa galit dahil sa manipulasyon ni Don Leon, at sa pagkakaalam nitong hindi na birhen ang babaeng pakakasalan. Mahigpit na tradisyon ng pamilya na malinis at marangal na babae lamang ang ipapanhik sa Villa Kristine. Sa nangyayari'y naiipit si Jasmin sa magkabanggang mag-lolo. Kay Don Leon na ang nais ay diktahan ang mga nasasakupan at kay Nathaniel na ang nais ay makawala sa manipulasyon ng matanda.
Sweetheart Series 3 (You Belong To My Heart) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,292,776
  • WpVote
    Votes 26,635
  • WpPart
    Parts 20
"You belong to me, sweetheart, to my heart, now and forever." Hindi mapaniwalaan si Joana na makalipas ang pitong taon ay muling nagbalik sa buhay niya si Franz. Seven years of heartache pero mukhang determinado si Franz na patuluy siyang magdusa sa kasalanang bagaman hindi niya ginawa ay inako niya. Isa lang ang alam niyang solusyon upang matahimik na silang pareho, ang magpakasal kay Arnel.
With This Ring (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,103,406
  • WpVote
    Votes 24,277
  • WpPart
    Parts 22
"One day, I'll teach you how to make love... at minsan, parang hirap na hirap akong hintayin ang araw na iyon... when you're this close..." Hindi niya alam kung sino siya at kung saan siya nagmula. Ang tanging alam niya ay kailangang makatakas siya sa mga ahente ng white slavery na tangkang dalhin siya sa Maynila. Sa pagtakas, sa isang cargo ship siya napatakbo. Napapasok sa isang bakanteng cabin at nagtago sa closet. Hindi nagtagal ay dumating ang umookupa ng cabin. At mula sa closet ay kitang-kita niya nang maghubo't hubad si Gino! Sa tingin niya ay tila ito isang "Greek god"! Paano siya lalabas? Saan siya pupunta? Naglalayag na ang cargo ship!