AkryssGonzalves's Reading List
9 stories
Si Prinsesa Magda by June_Thirteen
June_Thirteen
  • WpView
    Reads 79,039
  • WpVote
    Votes 2,810
  • WpPart
    Parts 24
Walang kasing bait. Ngunit wala ring kasing bagsik. Hindi inakala ni Magda na magbabago ang takbo ng kanyang pamumuno ng dahil lamang sa isang taong hindi niya naman kadugo. Dahil sa isang pangakong binitiwan ay malalagay sa panganib ang kanyang buong nasasakupan, mailigtas lamang ang pamilya ni Kadyo, ang kanyang kinikilalang kapatid na minsan nang pinagtangkaang burahin ng kanilang ibang kalahi. Magawa niya kaya silang maprotektahan hanggang sa huli? Kasama na ang kanyang sariling buhay? Isang istorya ng dalawang magkaibang nilalang at ng pangakong binitiwan. Isang maigsing kuwentong kathang-isip lamang. Ang alin man pong nakakahawigan ng sa inyo ay hindi sinasadya, marahil ay pareho lang po tayo nang naisip. June_Thirteen's "Si Prinsesa Magda" All rights reserved. Any part of this story can't be copied without the author's permission.
Alagad ng Diyos, Kampon ng Dimonyo by GYJones
GYJones
  • WpView
    Reads 202,080
  • WpVote
    Votes 13,482
  • WpPart
    Parts 42
Sa ikatlong libro ng serye, mahaharap ang JHS--ang grupo ng paranormal experts na kinabibilangan ng isang exorcist, psychic at parapsychologist sa isang kaso ng demonic possession na hindi nila kailanman inaasahang mangyayari. Ito ang epic na konklusyon ng trilogy ng JHS.
Ang Dalawang Anino ni Satanas by GYJones
GYJones
  • WpView
    Reads 237,238
  • WpVote
    Votes 14,215
  • WpPart
    Parts 41
Nagbabalik ang team ng exorcist, psychic at parapsychologist upang makipagtuos mismo sa hari ng kadiliman--si Satanas, at sa tulong ng isang private detective ay makakasagupa nila ang grupo ng mga Satanista habang ginagawa ang exorcism ng isang lalaking possessed may kakaibang sikreto. Book 2 ng JHS series na tampok ang grupo ng paranormal experts na sina Father Markus, Jules at Hannah.
Ang Batang Ipinanganak sa Haunted House by GYJones
GYJones
  • WpView
    Reads 665,056
  • WpVote
    Votes 26,599
  • WpPart
    Parts 40
Isang notorious na haunted house. Isang kaso ng demonic possession. Ang grupo ng paranormal experts na sina Father Markus na exorcist, Hannah na psychic at Jules na parapsychologist ay naglakbay tungo sa isang maliit na bayan sa Quezon Province upang mag-perform ng exorcism ng isang batang sinapian ng dimonyo. Nguni't para matalo ang dimonyo ay kinakailangan nilang gawin ang exorcism mismo sa haunted house kung saan ipinanganak ang bata, at sa tulong ng isang malakas na religious artifact. IT'S THE EXORCIST MEETS INSIDIOUS MEETS THE DA VINCI CODE.
Anno Demonica by GYJones
GYJones
  • WpView
    Reads 192,615
  • WpVote
    Votes 14,078
  • WpPart
    Parts 58
Isang malaking paglalaban sa pagitan ng mga anghel at dimonyo ang magaganap sa lupa, at nasa mga kamay ng grupo ng paranormal experts ang kapangyarihan para pigilan ito.
Paslit (Apo Ng Manggagamot Book Series) by June_Thirteen
June_Thirteen
  • WpView
    Reads 70,753
  • WpVote
    Votes 1,879
  • WpPart
    Parts 49
Isang normal na bata lang din siya kung iyong pagmamasdan.Tahimik at mahina kung minsan. Ngunit hindi nila hinagap na darating ang araw na siya pala ang magiging pinaka-kinatatakutan. Sadyang minsan ang pagiging mahina ay nasa katauhan na ni Elena, mula pa lamang nang isilang hanggang sa nagka-isip ay walang natatanggap na papuri kahit mula sa kanyang mga magulang. Madalas din kutyain ng mga batang kaanak niya sa kanilang maliit na baryo, tampulan nang tukso ng kahit sino. Minsan sa hindi inaasahang araw ay magtatagpo ang landas nila ng batang si Lorna sa baybayin ng dagat kung saan pinangingilagan ng lahat, bitbit ang mga alagang kuting na siyang magbubuklod sa dalawa upang magsimula ang magandang samahan. Doo'y mababago ang lahat kay Elena. At ang hindi inaasahang mga bagay ang magpapamulat sa kanya sa katotohanan. Matututo siyang lumaban at ipaglaban ang mga para sa kanya, na kahit pa buong baryo na angkan nila ay uubusin niya. Tunghayan natin ang kuwento ng buhay ni Elena. Kung paano siya ngumiti at umiyak. Kung paano siya nakipag-kaibigan na pinag-ugatan ng lahat. Isang maikling kuwento na bunga lamang ng malikot na isipan. Ang mga nilalaman po ay pawang walang katotohanan. Aking magalang pong pasintabi sa lahat ng tunay na may nalalaman. June_Thirteen's "PASLIT" All rights reserved. Any part of this story can't be copied without the author's permission. Published: May 13, 2016
Nakatagong Mata Ni Luisa by June_Thirteen
June_Thirteen
  • WpView
    Reads 91,241
  • WpVote
    Votes 3,063
  • WpPart
    Parts 20
Paano kung ang ayaw mong akaping kakayahan ay siyang dumadaloy sa dugo mo? Magawa mo kayang pigilan ang pagdating nito? Paano kung mismong sila na ang lumalapit upang ito ay iyong kamulatan? Magbubulag bulagan ka pa rin ba? Samahan nating tuklasin ng nag-iisang tagapag-mana ni Andrea ang... "Nakatagong Mata Ni Luisa" All rights reserved. Any part of this story can't be copied without the author's permission.
LAGIM SA BARYO TIKTIKAN(ANM IKA-APAT NA YUGTO) by June_Thirteen
June_Thirteen
  • WpView
    Reads 397,838
  • WpVote
    Votes 13,179
  • WpPart
    Parts 39
Hindi sila nag- iisa sa kanilang laban ngayon. Samahan nating muli sina Andrea at ang kanyang mga kasama na magtutulong-tulong sa pagbalik ng katahimikan sa kanilang munting.. Baryo Tiktikan. Aswang sa kapwa aswang at pagsasakripisyo ng isang nilalang sa ngalan ng pag-ibig. All rights reserved. Any part of this story can't be copied without the author's permission.
Apo Ng Manggagamot by June_Thirteen
June_Thirteen
  • WpView
    Reads 130,205
  • WpVote
    Votes 4,631
  • WpPart
    Parts 10
Simula pagka-bata ay alam nya na kung paano gamitin ang kanyang kakayahan,at dahil sa patnubay ng kanyang lola kung kaya't mas marami pa syang nalaman na maaring gawin dito. Samahan natin ang isang dalaga na tuklasin pa ang lalim ng kanyang kakaibang kakayahan. Isang maikling kwento na bunga lamang po ng malilikot na imahinasyon. All rights reserved. Any part of this story can't be copied without the author's permission. Published: Tuesday, August 18, 2015