MSOB
3 stories
DUYAN by cold_deee
cold_deee
  • WpView
    Reads 28,065
  • WpVote
    Votes 1,511
  • WpPart
    Parts 15
[ Note: Ang kuwentong ito ay una kong inanunsiyo na may titulong 'POSITIVE'. ] Synopsis: Sa buhay ng tao, ang mga pagkakamali ay normal lamang. Ito rin ang mabisang daan upang tayo ay makakuha ng aral. Pero paano kung ang resulta ng mga pagkakamali sa nakaraan ay madadala na natin habang-buhay? Isang halimbawa na lamang ang nangyari kay Rex. Dahil sa pagiging mapusok at mapaglaro ay nakuha nito ang isa sa mga itinuturing na pinakamatinding sakit sa mundo. Hindi niya ito matanggap. Hindi niya alam kung paano haharapin ang bukas. Pinili na lamang niyang sumuko lalo na at tinalikuran na siya ng lahat. Ngunit sa kalagitnaan ng pakikibaka niyang iyon, dumating naman ang isang taong handa siyang tanggapin sa kabila ng kanyang kondisyon ---- si Alexis. Ano-ano pa kaya ang magiging papel nito sa buhay ni Rex? Sinadya ba ito o itinadhana? Pinagtagpo ba sila upang may mabuksang isipan? Nangyari rin ba ang pagkikita upang ang isang pangarap ay mabigyan ng katuparan? Tunghayan ang isang kuwentong maaaring magmulat sa atin sa reyalidad. Alamin ang pinagdadaanan ng mga taong nabibilang sa itinuturing ng marami na nasa ibang komunidad. Kilalanin sila at bigyan ng pagkakataon na sarili nila ay maihayag. COMPLETED: MAY 2018 PUBLISHED: AUGUST 12, 2018
Marco (Unang Yugto) by InaroLove
InaroLove
  • WpView
    Reads 9,691
  • WpVote
    Votes 236
  • WpPart
    Parts 10
Isa akong pulubi na nanlilimos ng hustisya. Pulubing masasabing walang kahit na anong pag-aari sa mundong ito kundi ang aking pamilya. Isang pulubing nawala sa landas, nasira ang buhay at nawasak ang kinabukasan hanggang naging palaboy sa lansangan. Minsan ang tawag sa akin ay Baliw. Tumatawa ng mag-isa sapagkat mithiin ko lamang ay maging masaya. Umiiyak sa kalye pagsapit ng hatinggabi tanda ng kalungkutan na sa buong pagkatao ko ay bumabalot. Ano ba ang hustisya para sa isang baliw? Meron ba? Hindi ko rin alam. Taong-grasa naman ang tingin ng iba sa akin, mabaho, marumi, pinaghalong pulubi at baliw. Nagmamasid sa mga eskinita, nagsasalita mag-isa, nag-aabang at nagtatagos sa dilim. Naghihintay sa hustisyang matagal ko ng hinihiling. Sino ako? Ano ako? Sino at ano ba ako sa mundong ito? Ako si Marco, ito ang istorya ko.
Sa Tagpuan Ni Bathala by thelittlehsien
thelittlehsien
  • WpView
    Reads 527
  • WpVote
    Votes 32
  • WpPart
    Parts 1
When you are a lost star, how will you be able to find love in a universe created by God? Walk with Andrian as he finds his self in unconditional love, as he stands with his faith anew, and as he journeys with a hope to find the one that God allowed.