cathvilsan's Reading List
15 stories
Isabella Hope (PUBLISHED UNDER PHR) by AnastasiaKiss007
Isabella Hope (PUBLISHED UNDER PHR)
AnastasiaKiss007
  • Reads 108,488
  • Votes 2,166
  • Parts 25
"I want you to be sure when you're ready to accept me in your life. Because once you're mine, wala na akong balak pakawalan ka pa." Naniniwala si Isabella Hope Gomez na kapag may naramdaman siyang spark and magic kagaya ng description ng pagtatagpo ng mga bida sa isang romantic love story sa sino mang lalaking makikilala niya, iyon na ang pag-ibig na itinakda ng kapalaran para sa kanya. But what if fate made its way na maramdaman niya iyon kay Karl Jonathan Montero, ang childhood enemy na hindi niya inaasahang magbabalik sa Pilipinas makalipas ang ilang taon, na kahit para silang aso't pusa noong mga bata pa ay naging secret crush niya? Sa muli nilang pagkikita, naging isang malaking sorpresa kay Hope na muling maramdaman ang itinagong damdamin noon sa kababata. And since it seemed that their feelings were mutual, she chose to give in to what her heart truly desired. Pero paano kung nagkamali si Hope sa paniniwala na sila ni Karl ang nakatakda para sa isat isa after all these years? Lalo na at nagbabalik ang ex-girlfriend ni Karl na nakikiusap na ipaubaya na lang niya ang binata. Kaya bang magparaya ni Hope para sa kaligayahan ng iba at hayaang mawala ang pag-ibig na matagal din niyang hinintay na dumating sa buhay niya? (Unedited Version)
Love Links 2: Chasing Drei [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR] by NaturalC
Love Links 2: Chasing Drei [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]
NaturalC
  • Reads 65,239
  • Votes 2,495
  • Parts 20
Andrei Wallas, isang artistang pinagpapantasyahan ng madlang kababaihan. At hindi naiiba si Melody sa mga babaeng 'yon. Isang weirdong comic writer na handang tawirin ang pitong kontinente, masilayan lamang ang lalaki. Sixteen years old siya nang mag-propose siya ng kasal dito. Ang dahilan ay dahil sa binata niya natagpuan ang inspirasyong makabuo ng mga perpektong karakter sa manga niya. At para siyang battery na nalo-lowbat kapag hindi niya nakikita o nakakasama si Andrei. Ang problema ay pinagtawanan ng lalaki ang proposal niya at ang kaweirduhan niya. She's only some strange brat for him. Pasalamat na lang siya dahil manager nito ang kapatid niya kaya siya nakakalapit sa lalaki. Pero ibang usapan na kung sobrang unreachable na nito dahil sa pagiging celebrity nito. Paano na ang love story nilang kinakatha niya sa isip? And he even saw her as an obsess stalker.
Still maid for you (Complete) by helene_mendoza
Still maid for you (Complete)
helene_mendoza
  • Reads 1,514,364
  • Votes 36,752
  • Parts 31
I can't blame him if he still hates me. I left without even saying goodbye. I left the man I love. I left because I have to. I need to find myself and I need to prove something for myself. And after three years, I am back because of my work. Foreign country made me a different person. It made me who I am today. Confident, tough and cold. I am Rosalia Ricarte... and this is my story *** this is the follow up story of Maid for you. I suggest you read it first before you read this so you will understand the story. Part 3 is UNTIL YOU WERE GONE. Story of Bianca and Chris. Note: this story is written in tagalog and english.
Maid for you (COMPLETE) by helene_mendoza
Maid for you (COMPLETE)
helene_mendoza
  • Reads 1,356,348
  • Votes 35,029
  • Parts 41
Dahil sa pag-ako ng responsibilidad, naging single mother si Sallie sa murang edad. Ang mundo niya ay umiikot lang sa kanyang anak - anakan at kung paano pa magiging maayos ang kanyang trabaho. Pero sa isang hindi inaasahang pagkakataon, nagtagpo ang landas nila ni Carmelo Timoteo Fernandez. Ang nag - iisang anak at tagapagmana ng Boulevard Suites, hotel na pinapasukan niya at kinailangan niyang baguhin ang kanyang pagkatao. Love happens without any reason dahil iyon ang naramdaman niya para dito. Pero paano niya ipapaliwanag na isang pagpapanggap lang ang pagiging mayaman niya at kahit kailan ay hindi siya maaaring pumantay sa lalaki. Will he forgive her if he knows her true identity? NOTE: Marami kasi nagre-react that I copied the story of Maid in Manhattan. Yes. I got the idea from there. The story is inspired from that movie at 'di ko naman 'yun tinatanggi because I really love that movie. But before any of you accused me of copying everything from it, pwedeng basahin 'nyo muna hanggang dulo so you will know the difference? I just want to write and express my ideas. If this offends you, then stop reading. Napakarami pong stories sa wattpad. Please stop putting negative vibes kasi marami pong nag - enjoy na basahin ito kaya nagkaroon pa ng part 2 and part 3. - HM
My Sweet Misery by dwayneizzobellePHR
My Sweet Misery
dwayneizzobellePHR
  • Reads 338,858
  • Votes 8,992
  • Parts 23
published under PHR 2013 (Modified version) "I need you. You're the only thing that keeps me sane, the only thing that keeps me going, and the only person who can make me whole again." 💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞 Aso't pusa, iyon sina Ethan at Jessica. Pero sa totoo lang ay mahalaga ang binata kay Jessica dahil best friend ito ng kuya niya. Minsan ay inabutan niya si Ethan na iniinsulto ng mortal nitong kalaban. She had to do something, or else ay ramble na naman ang kasunod nito. Mabilis niyang nilapitan ang binata at ikinawit ang mga braso sa beywang nito. "There you are, babe! Kanina pa kita hinahanap." Natigilan si Ethan at tinapunan siya ng are-you-crazy-stare. Nang sila na lang dalawa ay sinita siya nito. "You know, I go to parties to pick up a one-night stand. And since tonight you labeled me, staying here would be useless. Pangatawanan mo na girlfriend kita. You're coming home with me." Nanlaki ang mga mata ni Jessica. Wala sa sariling iniyakap niya ang mga braso sa dibdib. Sumunod ang mga mata ni Ethan sa bagay na pinoprotektahan niya. Pumalatak ito at umiling. "Do you really think na pagnanasaan ko ang mga bubot na papaya?" Ang hinayupak! Kahit kailan ay peste talaga ang lalaking ito sa buhay niya. 💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓 Reading Order: Book 1: I Couldn't Ask For More Book 2: Fall All Over Again Book 3: My Sweet Misery Book 4: Creepy Little Thing Called Love
Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED)
MarthaCecilia_PHR
  • Reads 527,427
  • Votes 14,564
  • Parts 58
Isang tatsulok na pag-ibig. Dalawang lalaking parehong umiibig sa isang babae at walang nais magparaya. Ang sabi ni Shane: "Ako ang mahal ni Caroline! Bakit gusto mong magpakasal sa isang babaeng ibang lalaki ang mahal?" "Si Caroline ang mahal ko. Ang iniibig ko. I have never loved a woman as much as I loved her. At ipaglalaban ko ang pag-ibig ko sa kanya. Morally or otherwise..." sagot naman ni Matt. Caroline loves one man and will marry another. Hindi niya iniibig sa tunay na kahulugan ng salita si Matt. Subalit minamahal, hinahangaan, at iginagalang niya ito. Naroon ito sa panahong sinaktan siya ni Shane. Iisa lang ang kanyang puso at naibigay na niya iyon kay Shane. Subalit umaasa siyang mababawi pa niya ang puso mula kay Shane at maibigay kay Matt sa takdang-panahon.
Maybe Someday (Published under Precious Hearts Romances) by KimberlyLace
Maybe Someday (Published under Precious Hearts Romances)
KimberlyLace
  • Reads 154,863
  • Votes 2,446
  • Parts 10
My very first approved novel from Precious Hearts Romances. "Ayokong marinig mula sa iyo na hindi mo na ako mahal." Pagkalipas ng apat na taon ay nagbalik si Cassandra sa Pilipinas para pagbigyan ang hiling ng kanyang amang may sakit. Sa pag-uwi niya ay nagkrus uli ang mga landas nila ni Anton Santillan. Hindi niya inakalang sa pagtatagpo nilang iyon ay gigisingin nito sa kanya ang isang damdaming pilit niyang kinalimutan-isang batang pag-ibig na nagdulot sa kanya ng ibayong sakit ng kalooban na siyang dahilan ng pag-alis niya sa bansa. Sa pag-uwi rin niyang iyon ay may natuklasan siyang isang bagay na gusto niyang pagsisihan: a child's play that ruined her chance at happiness. Magagawa pa ba niyang itama ang mga maling nagawa niya at bawiin ang pusong minsan ay naging pag-aari niya?
The Bouquet Ladies 2: Conquering Ariana's Taste (COMPLETE) - Published under PHR by MissClosetNovelist
The Bouquet Ladies 2: Conquering Ariana's Taste (COMPLETE) - Published under PHR
MissClosetNovelist
  • Reads 331,364
  • Votes 8,401
  • Parts 28
Buong buhay ni Ariana ay pinaghahandaan niya ang araw na ipapasa na sa kanya ng papa niya ang pamamahala sa Ariana's Taste. Kaya naman napakasaya niya nang sa wakas ay mangyari din iyon kahit pa temporary lang. Ngunit dahil sa isang maling business decision ay nasira ang tiwala ng papa ni Ariana sa kanya. Pero hindi lang pala iyon ang dapat problemahin ni Ariana. Dahil may iba pang naging casualty ang kanyang ginawang business decision, ang De Asis Corporation na pinamamahalaan ng pinaka-aroganteng lalaking nakilala niya-si Clarence De Asis aka Clay, the man who acted like he was a god among mortals. Before Ariana knew it, binablackmail na siya ni Clay na gawin ang lahat ng nais nito. At hindi lang iyon. Minamanipula na din nito ang kanyang buhay. Hanggang sa umabot na sila sa puntong napapayag na siya nitong magpakasal para lang sa kapakanan ng negosyo. Sa pagitan ng mga pagbabanta nito at pagpapaka-charming, hindi na alam ni Ariana kung alin ba doon ang umepekto sa kanya kaya niya biglang natagpuan ang sariling nakikipagpalitan ng "I do" kay Clay.
The Start Of Forever (Completed) by IamAyaMyers
The Start Of Forever (Completed)
IamAyaMyers
  • Reads 475,028
  • Votes 14,492
  • Parts 38
The Bouquet Ladies Trilogy Three friends attending their friend's wedding. During the bouquet throwing, they fight each other for the flowers because they believe the one who gets it gets married next... Book 1 Aya Myers Book 2 Kensi Book 3 Dwayne Izzobelle
When I Fall In Love  (The Bouquet Ladies Trilogy Book 3) by dwayneizzobellePHR
When I Fall In Love (The Bouquet Ladies Trilogy Book 3)
dwayneizzobellePHR
  • Reads 159,536
  • Votes 3,460
  • Parts 14
"I'll wait forever if I have to." Published Under PHR 2016 xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox Paglipas ng maraming taon ay nagbalik si Ynella sa probinsya na kanyang kinalakihan para pangasiwaan ang kasal ng dati niyang kabarkada noong high school. Kasabay ng masayang okasyon na nasaksihan niya ay ang pagbabalik ng mapapait na alaala. Lalo pang lumala ang pait nang makaharap niya ang vocalist ng sikat na banda na tutugtog sa reception. Sevastian de Angelov "Torch" Montelibano, rock star, sinfully handsome devil, her first love, first kiss, first heartache... her one and only love. Dahil sa isang pangyayari sa kanilang nakaraan ay pinaghiwalay sila ng tadhana. Ngayon ay muli silang pinagtagpo para ipamukha sa kanya ang kasalanan niya sa lalaki noon. Mukha namang bale-wala na kay Sevastian ang lahat. In fact, halatang interesado pa rin ito sa kanya ngayon. Pero malinaw ang mensaheng ipinapahatid ng bawat salita at titig nito- he was only in for some fun. Fun. Hindi siya interesado doon. Especially not with him. Lalo na ngayong maayos na ang buhay niya. At lalo pa ngayong napatunayan niya na hindi pa rin naghihilom ang sugat na dulot ng nakaraan. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Bawat lingon niya ay naroroon ang lalaki, at mukhang determinado itong durugin ang puso niya sa ikalawang pagkakataon.