EuropaJones 💗
7 stories
Jinxed Series: Lost Lines by EuropaJones
EuropaJones
  • WpView
    Reads 13,868
  • WpVote
    Votes 1,545
  • WpPart
    Parts 37
Calvin Trazo: Noong unang panahon, binasa ng isang manghuhula ang kapalaran ko, sinabi kung sino at kailan ko makikilala ang babaeng ihaharap ko sa dambana. Malambing, mahinhin, masayahin, maganda, at higit sa lahat, masunuring asawa daw. Parang si Maria Clara. Excited ako! Tapos nang makilala ko na siya... Damn. Kamukha nga niya si Maria Clara, kaso pag nagsalita, namukha niya si Tandang Sora, at kaboses si Gabriella Silang. Bilang sikat na basketbolista, lahat ng camera tutok sa akin. Ayokong magmukhang basahan ang asawa ko kaya binigyan ko siya ng credit card para bumili ng class at fashion. Galit na galit siya! Minamaliit ko daw ang kakayahan niya bilang babae. "Don't mess with me! I'm dangerous!" babala niya, inangat ang credit card sa loob ng shopping mall. She was a freakin' circus! But when I remember that hot messy kiss, it was enough for me to shut up and listen to my wife. Megara Cruz: "Wives submit to your husbands in everything, husbands love your wife." Iniisip ko 'to habang tinitignan si Calvin-nahuli ko siyang sumusungkit ng kulangot. No fucking way. I would never submit myself to a homo erectus! Neanderthal! Sikat na basketball athlete sa PBA ang tinadhana ng Diyos na maging aking kabiyak. Maglalayag ako sa Pacific Ocean, tatakbo sa dulo ng mundo, wag lang ako makita ni Calvin Trazo at iharap sa altar. Hinding-hindi ako magpapakasal sa kaniya. He was a freakin' misogynist! But when I remember that hot messy kiss...damn...it was enough for me to imagine what could have been if I didn't run away from our wedding day.
Into The Future by EuropaJones
EuropaJones
  • WpView
    Reads 13,589
  • WpVote
    Votes 1,121
  • WpPart
    Parts 30
Noong 2009, pangarap ni Armaign ang maging abogado tulad ng kaniyang ama. Kasama ang kaniyang best friend na si Diana at ang kaniyang nemesis na si Drenz, hinarap niya ang bagyo na tinatawag nilang law school entrance exam. Pero bumagsak siya sa pagsusulit. At nadurog ang kaniyang puso matapos siyang tanggihan ng kaniyang first love. Galit na galit, dinaan na lang niya sa tulog ang lahat. Siya ay pumikit. At pagdilat ng mga mata niya, nagbago ang mundo. It was 2016. "Time travel?!" Bulalas ni Armaign. No. The doctors called it amnesia, and someone wanted her dead. Kaya ba niyang tumaya at yakapin ang kaniyang bagong buhay?
Cage My Spirit by EuropaJones
EuropaJones
  • WpView
    Reads 13,566
  • WpVote
    Votes 1,507
  • WpPart
    Parts 28
Tindera ako ng Korean beauty products sa Divisoria. Tao lang din naman ako, takot sa Chinese landlord ng shopping mall na si Maki Reyes kapag singilan ng renta. Pinapalayas niya ang walang pambayad, beast mode sa janitor kapag may daga sa building niya, at malupit sa tenants na may maduming tindahan. Biglang nahimatay si Maki-umuwi sa comatose. Ang diagnosis: heat stroke. Pero ang totoo, ginapos ang kaluluwa ni Maki sa kamay ko. Walang tanggalan, parang pinosasan kami ng pulis. Humiwalay ang kaluluwa sa katawan niya. Gulat ako. May kaluluwa pala ang terroristang Chinese na 'to? Kahit saan ako pumunta, bitbit ko si Maki Reyes. Simula noon, hindi na ako pwede maligo, and go poopie! Kasama ko siya sa lahat ng hakbang, eksena, kahihiyan, lungkot, at saya. Para siyang anino na imposibleng takasan. As a survival instinct, we became friends. I am Jaira Geronimo, promising to bring this terrorist back to his body. Kaya bakit ganoon na lang ang pagtutol ko sa kaisipan na balang araw, babalik siya sa katawan niya at iiwan ako sa sulok ng pader, forever alone?
Somewhere Only We Know COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 242,959
  • WpVote
    Votes 4,005
  • WpPart
    Parts 24
Somewhere Only We Know By Europa Jones How bad could it be to develop a crush on him? After all, crush pa lang naman. Hindi akalain ni Marjory Arieta-Student Council President ng Benedict College na pakikiusapan siya ng principal para sa disciplinary sanction ni Jason Velasquez. Sa kabila ng nararamdamang pagtutol dahil sa reputasyon ng lalaki bilang isang bully at tyrant ay wala na rin siyang nagawa kundi ang pumayag. Pero siniguro niya sa sarili na pahihirapan itong mabuti. Nagbago ang lahat nang makilala nang husto ni Marjory si Jason. Lalo na nang matuklasan nila ang sekretong grotto. Unti-unting naging malinaw ang lihim sa pagkatao at ang mga dahilan ng mga ipinapakitang pag-uugali ng binata. Naging saksi ang grotto sa pag-usbong ng unang pag-ibig ni Marjory kay Jason. Nararamdaman niyang may pagmamahal din ang lalaki sa kanya pero natatakot siyang ungkatin ang estado ng relasyon nila dahil umiiwas ito tuwing ipipilit niya ang topic. Kahit pa inamin ni Jason na mahal siya nito ay nilayuan pa rin siya ng lalaki dahil hindi nito kayang tanggapin ang sarili. Pero maghihintay pa rin si Marjory. Hahanapin niya si Jason. At sana balang-araw ay puwede na itong mahalin...
Books & Plane Tickets & Us by EuropaJones
EuropaJones
  • WpView
    Reads 62,081
  • WpVote
    Votes 2,230
  • WpPart
    Parts 17
#Lifegoals ang nangyari kay Hera pagkatapos niyang manalo sa isang raffle draw. Isang buwang adventure sa Malaysia, Singapore South Korea, San Francisco, USA ang nasungkit niya sa raffle. Sagot niyon ang hotel accommodation at ang pocket money niya. Pero may isang heavy baggage sa biyahe ni Hera, ang Spanish-Filipino tour guide niya na may deep-set blue eyes, adorable dimples, at sexy stubble beard: si Ymas. Mukhang Indio si Hera kapag itintabi rito. Vain, Iyon ang perfect description kay Ymas. Akala mo stepmother ito ni Snow White kung manalamin. Napag-alaman ni Hera na ka-share niya si Ymas sa lahat ng hotel accommodations nila. "Would it really kill you to sleep with me?" asik ng lalaki. "Oo! Madamot ako at ayaw ko ng sharing." Pero habang tumatagal na nakakasama niya si Ymas, nahuhuli ni Hera ang sariling mga mata na naglalakabay sa Spanish Adonis nitong katawan. Anak ng tipaklong! Nabubuo ang magnet atraction sa pagitan nilang dalawa. Hindi nagtagal, nabunyag ang sikreto sa pagkatao ni Ymas. At may anti-feminist agenda pala ito kay Hera.
Jinxed Series: A Beautiful Scar by EuropaJones
EuropaJones
  • WpView
    Reads 8,365
  • WpVote
    Votes 1,026
  • WpPart
    Parts 25
Von Carlos Renolt: Handa na akong tumalon ng high-rise building para tapusin ang buhay ko. Wala nang pwedeng mawala sa akin matapos kong isuko ang pangarap na maging isang pintor. Bago ko pa gawin 'yon, dumating siya sa buhay ko, sakay ng broomstick. Isa siyang mangkukulam, at nakikita niya ang future. May sumira daw ng tadhana ko kaya hindi ako naging pintor. Sumama daw ako sa kaniya sa Baler, Aurora at Basco, Batanes dahil tutulungan niya akong tuparin ang pangarap ko. Devil worshipper daw ang mga mangkukulam. Totoo ba? Para siyang anghel sa lupa. Isa lang naman akong hamak na mortal na umaasa na siya ang magiging nanay ng mga anak ko balang araw. Tonya Markova: Tinadhana akong tulungan siya na maging isang pintor. Talo ako sa usaping tadhana. Isang lalaki lang ang mamahalin ko. Pero hindi masusuklian ni Carlos ang aking pagmamahal. Ang sabi ng kapalaran ko, hanggang kaibigan lang ang tingin niya sa akin. Tinadhana akong mahalin siya, pero ibang babae ang tinadhana ng Diyos para mahalin niya.
Jinxed Series: Tête-à-Tête by EuropaJones
EuropaJones
  • WpView
    Reads 9,467
  • WpVote
    Votes 1,058
  • WpPart
    Parts 24
"We only love three times in our lifetime, and you're my zero, Valerie Salvosa," sabi sa akin ni Troy, "Tell me! Do you really think you're dreaming? Totoo ang lahat. Kasama mo ako ngayon." Naglapat ang aming mga noo. Sabay naming pinikit ang mga mata. "Valerie?" niyugyog ng isang kamay ang balikat ko. Bigla ako nagising. Nakahiga ako sa aking kama sa kwarto ko. "Gising, anak," sabi ni Mama, "Umaga na." Nakita ko na naman si Troy Marchetta sa aking panaginip. We only love three times in our lifetime, and Troy was my third one, my last life in the game of love. Plot twist: Pwede ko lang siyang maging boyfriend sa panaginip ko. Literal. Kasi sa realidad, ang girlfriend lang niya ang may karapatan na sumakay sa likod ng kaniyang motorsiklo. Humarurot sila at nalanghap ko ang usok ng tambutso. Some love... Game over.