erica2024's Reading List
4 stories
Jackpot In Love (Published under PHR) by RatedGRN
RatedGRN
  • WpView
    Reads 94,762
  • WpVote
    Votes 1,463
  • WpPart
    Parts 10
Dahil kinailangan ni Barbie na saklolohan si Hero nang unang beses niyang makita ito sa mall, nawala sa kanya ang lotto ticket niya-at nanalo pa naman ang mga numerong tinayaan niya. Gusto niyang mabalik sa kanya ang ticket dahil iyon ang babago sa buhay nila ng kanyang ina. Kaya nang sabihin sa kanya ni Hero na nasa pangangalaga nito ang ticket niya, agad siyang sumang-ayon sa kondisyon nito para maibalik sa kanya ang ticket-kailangan niyang magpanggap na nobya nito. Pine-pressure kasi ito ng tatlong tiyahin nito na maghanap na ng mapapangasawa dahil kung hindi ay ibebenta ng mga iyon ang shares sa kompanya at mapupunta ang pamumuno niyon sa ibang tao-bagay na ayaw mangyari ni Hero. Kailangan nila ang isa't isa kaya nagtulungan sila. Pero nang makilala ni Barbie nang husto ang binata, tila nawaglit na sa isip niya ang pangarap na maalwan na buhay. Napalitan na iyon ng pangarap na makasama ang binata sa habang-buhay. Ngunit may lihim na maaaring sumira sa pangarap niyang iyon...
Be My Valentine - Be My Honey by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 147,917
  • WpVote
    Votes 3,132
  • WpPart
    Parts 40
Meet Ico Abella, celebrity chef. Paano niya susuyuin si Missy na labis nagmahal sa kanya at labis ding nasaktan sa masakit na bintang niya? Namasukan si Missy kay Teddy na isang mayamang negosyante na nagmamay-ari ng halos buong isla. Iisa lang ang hangarin niya. Ang makapaghanap-buhay nang maayos para sa kanyang pamilya. *** Niligawan at minahal niya si Ico na pamangkin ni Teddy. Dahil akala niya, totoo ang pagtingin na iyon. Wala siyang kamalay-malay na bitag lang iyon. Sa paniniwala ni Ico, kagaya din siya ng ibang nauna. Kunwaring sekretarya pero mismong si Teddy ang puntirya. Isang oportunista na manghuhuthot sa batang-bata at binata pa ring negosyante. Lumayo siya na sugatan ang puso. Sumama siya kay Flint at gamit ang talento nila pareho sa pagkanta ay nagpalipat-lipat sila ng lugar para sa mga gigs. Hanggang sa muli ay magpakita sa kanya si Ico. He wanted to win her back. He even proposed marriage. Pero paano ba muling magtitiwala ang pusong labis na nasaktan? Tinanggihan niya ang alok nitong kasal. Pero pursigido si Ico na mabawi siya kay Flint... Be My Honey is the last installment of Be My Valentine mini-series. Cover credit: Yrecka Mei
THE GOOD WIFE  (Published under PHR) by AkoSiAnjBuena
AkoSiAnjBuena
  • WpView
    Reads 208,933
  • WpVote
    Votes 3,338
  • WpPart
    Parts 24
This story was just an experiment. Gusto ko kasi na sumubok magsulat ng action romance. It was a first time for me then. Ang sabi ko subok lang naman. Pero ang hindi inakala ay ang hirap ng pagsulat para sa genre na pinili ko. Intense research at katakut-takot na review ang kinailangan ko para matapos ang story. Dumating pa ako sa punto na gusto ko nang itigil na lang at magsimula ulit ng bago at ibang manuscript. Pero, hindi ako sumuko. At tama lang pala ang hindi ko pagsuko kasi naging maganda naman ang resulta. So guys, here's the teaser of my best story to date. Haha. Happy reading ",) Teaser Nawala na parang bula ang asawa ni Emily na si Neb. Dahil doon ay walang kapantay ang naging lungkot sa buhay niya. Pero isang araw ay biglang bumalik ang kanyang asawa. Hindi niya inakala na ang pagbabalik na iyon ni Neb ay ang pagkakatuklas din niya sa isang masaklap na katotohanan-na nagamit pala siya sa kasamaan at kasakiman ng kanyang hindi nakikilalang ama. Matagal na pala itong tinutugis ng grupo ng mga secret agent na kinabibilangan ng kanyang asawa. At ang misyon sa paghahanap sa kanyang ama ang dahilan ni Neb upang paibigin at pakasalan siya. Tinanggap ni Emily ang katotohanang nagpabago sa kanyang pagkatao. Ngunit ang higit na nagpapahirap sa kanya ay ang malaman na hindi pala totoo ang pagkataong ipinakita ni Neb. Paano niya makakalimutan ang lahat ng sakit upang mabigyan ng isa pang pagkakataon si Neb? Dahil sa kabila ng kasinungalingang ginawa ng asawa ay mahal na mahal pa rin niya ito.
Last Dance by alyloony
alyloony
  • WpView
    Reads 230,738
  • WpVote
    Votes 9,323
  • WpPart
    Parts 1
Our last dance, my last chance.