Phr stories
9 stories
Sweetheart 5 - All My Love (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,602,021
  • WpVote
    Votes 30,755
  • WpPart
    Parts 28
Siyam na taon si Lara nang una niyang makita si Jaime, ang binatilyong ampon ng lola niya. Kinaiinisan niya ang pagiging malapit nito sa sarili niyang ina. Sa pakiramdam niya'y lahat ng mahal niya'y nakuha na ni Jaime ang atensyon. She was seventeen nang makita niya ang sariling ina sa silid nito kayakap ang binata. Pero walang gustong maniwala sa kanya, kahit ang sariling ama na ganoon na lang ang pagmamahal sa asawa at tiwala kay Jaime. Siya ang gumawa ng pasya. She left her home. Nang mamatay ang mga magulang niya'y muli siyang nagbalik upang malamang kay Jaime ipinamana ng mama niya ang villa, ang inheritance na dapat ay sa kanya. She despised him. Pero bakit hindi magkapuwang ang ibang lalaki sa buhay niya? Bakit sa kabila ng galit niya'y nadadarang siya kay Jaime.
[Completed] Cold Eyes Saga 1: Behind The Eyes Of A Monster [FILIPINO] by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 222,491
  • WpVote
    Votes 6,603
  • WpPart
    Parts 53
*Won 2016 PHR Novel Of The Year* "Hush... There's a monster in you..." Isang pambihirang oportunidad ang dumating kay Police Inspector Jemimah Remington nang bigyan siya ng sariling team ng direktor ng SCIU, ang pinapasukan niyang ahensiya na humahawak sa mga murder cases na mahirap lutasin. Isang serial killing case ang una nilang kaso. Jemimah was given a promising roster of team members: si Mitchel, isang napakatalinong profiler; si Paul na isang matulunging prosecutor; si Douglas na masunuring rookie cop; at si Ethan, isang napakagaling at misteryosong private investigator. Isang matalino at malupit na serial killer ang kailangan nilang hanapin at hulihin. At habang tumatagal, unti-unting nare-realize ni Jemimah na mas personal pala ang kasong iyon kaysa sa inaasahan niya... {Cold Eyes Saga is a series published under Precious Pages Corporation for PHR Singles imprint. It is under mystery, crime, romance genre. There are five books in this saga. I will be posting the first book here on wattpad for promotion purposes only. :) Continuous po ang saga na ito. Tatapusin ko dito sa wattpad ang first book. For those who want to try out this saga, you can read the first book here for free. And kung magustuhan niyo po, available ang buong Cold Eyes Saga (5 books) sa lahat ng Precious Pages Bookstores, National Book Stores. Or you can download the Precious Shop application on PlayStore, you can buy books there online. Thank you so much! P.S. This story is the unedited version of Cold Eyes Saga 1: Behind The Eyes Of A Monster. The hard copy is slightly different from here. - Venice Jacobs}
MIDNIGHT BLUE SOCIETY SERIES #4  - PICOLO aka PIOLO by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 132,301
  • WpVote
    Votes 2,462
  • WpPart
    Parts 11
Labinlimang taon si Amparo nang maramdaman ang unang pag-ibig at matikman ang unang halik. Si Piolo ang kanyang hinangaan, sinamba at pinangarap na makasama habambuhay. Pero mayaman ang lalaki at ayaw ng matapobreng mama nito sa kanya. At nasaktan ang batang puso niya nang iwan siya ni Piolo. Pagkaraan ng mahigit sampung taon, muling nagkrus ang kanilang mga landas. At kahit isa nang sikat na modelo at sinasamba ng mga kalalakihan ay hindi nagbabago ang epekto ni Piolo kay Amparo. Pero kailangan niyang maging matibay. Kung noon ay muntik nang may mangyari sa kanila, ngayon ay ipinapangako ni Amparo: kahit si Piolo pa ang kahuli-hulihang lalaki sa mundo, hindi niya ipagkakaloob ang sarili rito. Pero ano ang ginagawa ni Piolo sa kanyang kuwarto? Nakatayo ito sa harap niya. At siya, naghihintay lang sa susunod nitong hakbang...
Midnight Blue Society Series 2  - JEBU - by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 106,888
  • WpVote
    Votes 2,010
  • WpPart
    Parts 11
Jebu wanted revenge at any price... hanggang sa makaharap niya si Janelle. Namalikmata siya nang makita na ang babae ay nagtataglay ng maamong mukha. Natagpuan na lang ni Janelle ang sarili sa mga bisig ni Jebu, kapatid ng lalaking nagdala sa kanya sa kapahamakan. Hindi niya napaglabanan ang malakas na magnetismong humihigop sa kanya para malunod sa kakaibang emosyong nalalasap tuwing magdidikit ang mga kanilang mga katawan... Her instinct dictated na si Jebu ay hindi isang kakampi kundi kaaway!
MECHANIC OF THE DAY : MR. SUAVE (Men in Blue) by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 61,352
  • WpVote
    Votes 1,444
  • WpPart
    Parts 11
Nandidiri si Dulce kay Galileo dahil lagi itong nanlilimahid sa langis at grasa. Ganoon na nga ang lalaki pero nuno ng yabang at matindi ang bilib sa sarili. Never na papatol siya sa isang kagaya ni Galileo. After ten years, hindi akalain ni Dulce na makikita niya uli ang lalaki. Hindi niya akalain na aasamin niyang makulong sa malangis at magrasang mga braso nito...
Angel Creed Trilogy Book 1: Angel's Tale COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 128,147
  • WpVote
    Votes 1,966
  • WpPart
    Parts 25
Angel Creed Trilogy Book 1: Angel's Tale By Bridgette Marie "Be with me... kahit saglit lang... Puwede naman tayong maging makasarili kahit ngayon lang, 'di ba?" Walang himala! Iyon ang itinatak ni Emie sa sarili mula nang biguin siya ng Langit nang mga panahong kailangang-kailangan niya ng himala. Hindi kasi nailigtas sa kamatayan ang kanyang pamilya nang masangkot ang mga ito sa isang trahedya. Bitter na kung bitter, wala siyang pakialam. At wala rin siyang pakialam kung siya na lang ang hindi apektado sa charm ng bagong doktor sa ospital na pinagtatrabahuhan niya. Weh? Hindi nga? Dahil ang totoo, dead-ma kuno si Emie kay Cassiel-dahil tuwing ngingiti naman ang doktor, ang puso niyang puno ng bitterness ay napapalitan ng sweetness. At mukhang sinusuwerte siya dahil panay naman ang lapit ni Cassiel sa kanya. Feeling ni Emie, sa wakas ay mukhang magiging masaya na siya. Pero ano itong nalaman niyang hindi raw maaaring manatili sa mundo ng mga tao si Cassiel? Ano raw?!
Forget Me Not COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 350,750
  • WpVote
    Votes 5,400
  • WpPart
    Parts 20
Forget Me Not By Gazchela Aerienne "Hindi pala kailanman mapipilit ang puso na mahalin ang isang tao. You'll feel it naturally." Aeriella "Eilla" Eisenhauer is a brat-multibillionaire daughter. Wala siyang ginusto na hindi nakukuha. Ngunit sa kabila ng karangyaan ay naghahanap ng seryosong relasyon. Hanggang sa nakilala niya si Akito, ang lalaking hindi yata aware kung sino si Eilla sa East Hampton. Nakipaglapit si Eilla sa lalaki; pinatulan din naman ni Akito ang pakikipaglapit ng dalaga. She thought she already found the one. Pero isang araw ay biglang nawala ang kanyang the one.Umalis si Akito at nangakong babalik. Pero naka-graduate na't lahat si Eilla ay hindi pa rin niya nakita kahit ang anino ng lalaki. Nagkrus lamang muli ang kanilang mga landas nang magbakasyon si Eilla sa Pilipinas. She was sure he was that same guy. Pero paano tatanggapin ni Eilla na ang lalaking nakilala niya noon ay isa lamang kathang-isip? Na ang lalaking minahal niya ay wala nang natatandaang kahit ano tungkol sa kanya. Akito wasn't Akito anymore. He was using a different name-Thaddeus Montreal.
After The Kiss COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 342,659
  • WpVote
    Votes 5,087
  • WpPart
    Parts 23
After The Kiss By Jasmine Esperanza
MECHANIC OF THE DAY: MR. SUAVE COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 263,312
  • WpVote
    Votes 3,956
  • WpPart
    Parts 23
MECHANIC OF THE DAY: MR. SUAVE By Jinky Jamolin