Oneirically
3 kuwento
Sa Mundo Ni Calistin ni thinseee
Sa Mundo Ni Calistin
thinseee
  • MGA BUMASA 34,883
  • Mga Boto 2,956
  • Mga Parte 28
Sa mundong hindi mo kilala... Sa mga nilalang na ngayon mo lamang nakita... At sa mga kakaibang kakayahang hindi mo inakalang may nagtataglay... Kakayanin mo kayang manatiling buhay? Makagagawa ka ba ng paraan upang matakasan ang mundong iyong kinasadlakan? Si Calistin ay hindi katulad ng ibang normal na tao. Siya ay ipinanganak na may mga kakaibang balat at natatanging kondisyon sa mata na kung tawagin ay heterochromia iridum. Ngunit, iba man ang kanyang itsura ay pinilit niyang mamuhay ng normal kasama ang kanyang ina sa kabila ng mga mapanukso at mapang-husgang kaisipan ng mga tao. Subalit sa isang iglap, magbabago ang kanyang nakasanayang pamumuhay. Mapapadpad siya sa isang lugar na hindi kabilang sa mapa ng mundo. Dito, matutuklasan niya ang mga bagay, lugar at nilalang na ni sa panaginip ay hindi niya inakalang mayroon. Sino nga ba si Calistin? At ano ang kanyang magiging papel sa mundo na kung tawagin ay Archimeria.
Likhang Tula (COMPLETED) ni thinseee
Likhang Tula (COMPLETED)
thinseee
  • MGA BUMASA 5,727
  • Mga Boto 1,043
  • Mga Parte 29
Kung puso'y nag-hahanap ng kaunting kurot Ito ang akdang sa kalooban mo'y lalapirot Mababatid na buhay ay hindi biro at masalimuot Sa reyalidad tiyak ika'y mapapahugot Sa koleksyong ito'y napapaloob ang mga madamdaming salaysay Ng mga kaganapang nangyayari sa tunay na buhay Sa pamamagitan ng tula'y pilit na isasabuhay Upang tao'y magkaroon ng malay Ang pag-husga ay nasa iyo na Kung ikaw ay maniniwala at padadala Ikaw ang magbibigay ng sariling pag-unawa Ano man ang maintindiha'y ikaw na ang bahala
Love @ 12th Sight (COMPLETED) ni thinseee
Love @ 12th Sight (COMPLETED)
thinseee
  • MGA BUMASA 3,185
  • Mga Boto 542
  • Mga Parte 15
Sabi nila, dito raw sa mundo palaging may nakalaan para sa isang tao. Nasa iyo na iyon kung maniniwala ka o hindi. Basta ako naniniwala ako. Bakit? Dahil sa akin mismo nangyari ang noo'y "pantasya lang walang personalan" na natuloy sa matamis na totohanan. Ang sarap pakinggan hindi ba? Pero, tingnan natin kung ano ang pinagdaanan.