yollieeee
200 stories
Jersey Number Eleven by xelebi
xelebi
  • WpView
    Reads 8,282,652
  • WpVote
    Votes 255,318
  • WpPart
    Parts 61
Falling for their opponent's outside spiker isn't a part of rookie libero Kaizen Reyes' plan. But when Kai discovers that Roen Alejo has liked him for so long, maybe receiving that facial hit from him before isn't that bad after all. *** Determined and innocent, rookie libero Kaizen Reyes believes in the power of manifestation. Whether it be through his studies or winning their volleyball games, as long as he sets his mind on it, he makes a way to make it come true. However, after obtaining a facial hit from Roen Alejo, their opponent's outside spiker, Kai's quiet world suddenly becomes disturbed. Through their constant meetings and communication, Roen is making him feel something he can't fully name, making him doubtful and confused. Now torn between confessing to Roen and keeping their friendship afloat, can Kai remain focused and keep his emotions in check? Or will he take the leap of faith and risk it all for the sake of love? DISCLAIMER: This story is written in Taglish. COVER DESIGN: Louise De Ramos Published under Pop Fiction
QED University 2: House War by AkoSiIbarra
AkoSiIbarra
  • WpView
    Reads 215,468
  • WpVote
    Votes 10,821
  • WpPart
    Parts 16
The four Houses of QED University prepare for the highly anticipated House War. The bond of Team WHAM will be tested as their Houses try to outwit and outmatch one another in the quadrennial tournament. Classes resume. House sigils by AJ
Rotura de la Luz by MiSenyorita
MiSenyorita
  • WpView
    Reads 4,211
  • WpVote
    Votes 222
  • WpPart
    Parts 17
Regreso Series #1 Sa kabila ng palaban at matapang na anyo ni Mira Solana ay ang nakatagong pusong sawi hindi lamang sa pag-ibig kundi maging sa aspeto ng buhay. Nadala na siya at hindi na naghahangad pang magpapasok ulit ng sinuman sa kaniyang buhay. Ngunit paano kung isang araw, may isang tao siyang kailangan papasukin sa kaniyang buhay sa ayaw man niya at gustuhin? Lalo pa't ang taong iyon ay ang siya rin palang sasagot sa matagal na niyang katanungan tungkol sa kaniyang totoong pagkatao... Makamtan na kaya niya ang liwanag na iinaasam-asam? Pero paano kung taliwas sa kaniyang inaasahan ang mangyari? Lengwahe: Filipino/Tagalog Book Cover by:@MsLegion Date Started: September 17, 2020 Date Finished: ---
Camino de Regreso (Way back 1896) by MiSenyorita
MiSenyorita
  • WpView
    Reads 141,145
  • WpVote
    Votes 6,638
  • WpPart
    Parts 64
Ikalawang Libro. Noon akala ko simple lamang ang buhay, basta humihinga ka at nakakain ng tatlong beses sa isang araw ay ayos na. Pero nung mapunta ako sa sinaunang panahon, namulat ang aking puso't-isipan. Lahat ng aking nasaksihan trahedya, kasawian at kapighatian...mga bagay na siyang nagpabago sa aking buong pagkatao, dahilan upang isarado ko na nang tuluyan ang aking puso. Ngunit paano kung may isang taong mula sa aking nakaraan ang magbalik? Kakayanin ko pa bang tanggapin siya lalo pa't noon pa man ay hindi na kami itinadhana para sa isa't-isa? Handa pa ba akong masaktang muli, bagay na kinakatakot ko? Ako si Celestina de la Serna at muli samahan ninyo akong lumaban sa hamon ng aking buhay. Date written: April 13, 2020 Date finished: August 5, 2020 Book cover by @MsLegion
Camino de Regreso (Way back 1895) by MiSenyorita
MiSenyorita
  • WpView
    Reads 304,433
  • WpVote
    Votes 9,293
  • WpPart
    Parts 47
Unang Libro. Isang simpleng buhay mayroon ang isang Celestiel Irene Serna at kontento na siya sa lahat ng mayroon siya lalo na't sapat na sa kaniya na siya'y biniyayaan ng iba't-ibang uri ng talento at higit sa lahat talino. Isa rin siyang maprinsipyong babae subalit ang lahat ng ito ay nabago nang isang araw magising siya na nasa ibang kapanahunan na. Napuno ng katanungan ang kaniyang puso't-isipan subalit sa pagtagal ng pananatili niya sa sinaunang panahon, isang bagay ang kaniyang napagtanto...na hindi pa pala sapat lahat ng kaniyang nalalaman. Madami pa siyang madidiskubre at malalaman na lingid sa kaniyang kaalaman at isa pa, ang hindi niya inaasahan ay hindi lang pala paniniwala ang maiiba sa kaniya...kundi pati ang kaniyang damdamin. Ngunit ano nga ba talaga ang totoong dahilan upang siyay mapadpad sa panahon ng mga kastila? Muli tayong magbalik tanaw sa mga pangyayari noong nakaraang panahon sa Pilipinas. Date written: November 21, 2017 Date finished: April 12, 2020 Book Cover by @MsLegion
Bride of Alfonso (Published by LIB) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 5,347,847
  • WpVote
    Votes 196,832
  • WpPart
    Parts 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapangarap ni Estella Concepcion. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Lucas, ang pinsan at karibal ni Enrique sa politika. *** Makatwiran at hindi nagpapatalo, lumaki si Estella Concepcion na patuloy na umaasang magkakatuluyan pa rin sila ni Enrique Alfonso, ang batang nagpagaan ng kanyang loob labinlimang taon na ang nakararaan. Ni minsan ay hindi nawala ang kanyang paghanga at pagtingin sa binata na siyang magiging susunod na gobernadorcillo ng bayan ng San Alfonso. Ngunit tila gumuho ang kaniyang mundo nang mapag-alaman niyang ipinagkasundo na ito sa ibang dalaga. Desididong mapangasawa pa rin ang binata, hihingin ni Estella ang tulong ni Lucas, ang pinsan ni Enrique. Sa paglipas ng panahon at sa mga sikretong kaniyang matutuklasan, handa pa nga rin bang gawin ni Estella ang lahat upang maikasal sa binatang matagal na niyang inaasam? O tulad ba ng ihip ng hangin ay magbabago rin ang isinisigaw ng kaniyang puso? Cover Design by Precious Pages Corp./LIB Books Book Type: Hardbound (With Book Jacket Cover)
Segunda by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 1,413,739
  • WpVote
    Votes 41,493
  • WpPart
    Parts 28
De Avila Series #2 Si Maria Segunda De Avila ay masasabing anghel ng kaniyang mga magulang dahil siya'y likas na masunurin, magalang, tahimik, at malapit sa Diyos. Ang mga katangiang ito marahil ang naglagay sa kaniya sa katayuang hindi napapansin ng karamihan. Siya'y hindi nagtataglay ng pambihirang kagandahan, talentong maipagmamalaki, at talinong kayang makipagsabayan sa karamihan tulad ng kaniyang mga kapatid. Pinili niya ang buhay na tahimik sa kabila ng panghuhusga ng lipunan sa mga babaeng tulad niya na maaaring tumandang dalaga. Subalit, ang inaakalang niyang tahimik na buhay ay nagkaroon ng hangganan nang bumalik ang lalaking ilang taon niyang hinintay at ang pagdating ng isang pilyong binata na kakambal ang kaguluhan. Paano haharapin ni Segunda ang dalawang kapalarang naghihintay sa kaniya? Pabalik sa pangakong naudlot ng nakaraan? O patungo sa hinaharap na puno ng pakikipagsapalaran? Book Cover by Bb. Mariya Date Started: September 21, 2024 Date Completed: March 23, 2025
Penultima by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 134,186
  • WpVote
    Votes 2,540
  • WpPart
    Parts 10
Lumaking hindi kilala ang tunay na mga magulang, maagang namulat si Leroncillo San Roque sa kalupitan ng mundo. Ngayong nabigyan siya ng pagkakataong maipaglaban ang pagkakapantay-pantay, handa ba siyang isakripasyo ang lahat maatim lang ang hinahangad na tagumpay? *** Mulat sa bulok na sistema ng lipunan, tumatak sa isipan ni Leroncillo San Roque ang kawalan ng hustisya at hindi patas na trato sa mga mahihirap. Bagama't lumaki sa kalinga ng isang prayle, hindi pa rin naging madali ang daloy ng kaniyang buhay. Patuloy pa rin siyang sinusubok ng mga tao, ng pagkakataon, at ng tadhana. Ngayong naipit si Leron sa isang sitwasyon na maaaring magpahamak sa mga taong mahalaga sa kaniya, ano nga ba ang tamang hakbang upang makamit niya ang inaasam na kalayaan at hustisya? Magagawa ba niyang linlangin ang kalaban at mailigtas ang kaniyang amain at mga kaibigan? O mapupunta lamang ba sa wala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan? Cover Design by Louise De Ramos