Historical fiction♥
17 stories
Way Back To You by PlayfulEros
PlayfulEros
  • WpView
    Reads 551,483
  • WpVote
    Votes 36,699
  • WpPart
    Parts 101
Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki. Napunta siya sa mundong malayo sa mundong kaniyang kinagisnan. Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang mundo o matututunan na rin niyang mahalin ang bagong mundong kabibilangan niya? First ranks and tags achieved: #1 Historical Fiction #1 History #1 PhilippineHistory #1 TimeTravel #1 War #1 Revolution #1 SA2019 #1 1899 #1 HisFic #1 Bayani #1 Kalayaan #1 Heneral #1 Pilipinas #1 19thCentury
Thy Love by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 8,660,021
  • WpVote
    Votes 307,145
  • WpPart
    Parts 36
Thy Series #1 Si Celestina Cervantes ay isang binibini na may kapansanan sa pagsasalita. Nagmula siya sa isang mainpluwensiyang pamilya sapagkat isang gobernadorcillo ang kanyang ama. Ngunit nang yumao ito ay kinailangan niyang manilbihan upang mabuhay at bayaran ang utang ng kanyang ama na lingid sa kanyang kaalaman ay kabi-kabila pala. Sa paninilbihan bilang alipin ay muling magtatagpo ang landas nila ni Martin Buenavista, ang binatang nakatakda sanang ikasal sa kanya noon. Ano nga bang magiging papel ni Martin sa buhay ni Celestina gayong may ibang babae na siyang iniibig? Language: Filipino Book Cover by: ABS-CBN Books Date Started: January 05, 2018 Date Finished: June 05, 2019 Completed.
Sirene by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 6,094,515
  • WpVote
    Votes 187,636
  • WpPart
    Parts 21
May isang pinaniniwalaang alamat ng Karagatan na kung saan may mga sirenang nagbabantay ng mahiwagang Perlas sa Hilaga, Timog, Silangan at Kanluran ng Pilipinas. Sa tuwing kabilugan ng buwan ay nag-aalay ng buhay ng tao ang mga sirenang iyon para sa Karagatan. Sa loob ng ilang libong taon ay napanatili ang pangangalaga sa mahiwagang Perlas hanggang sa isang gabi ay ninakaw ng isang pilyong binata na kilalang manggagantso ang perlas ng Kanluran na binabantayan ni Sirene. Isang mahiwagang perlas, isang mamamatay-tao na Sirena, isang pilyong manggagantso na binata, isang hapon na kapitan ng barko, at ang paparating na Ikalawang Digmaang Pandaigdig (World War II). Ang istoryang ito ay panahon pa ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Date Written: November 15, 2017 Date Finished: July 10, 2018
Bride of Alfonso (Published by LIB) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 5,332,711
  • WpVote
    Votes 196,697
  • WpPart
    Parts 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapangarap ni Estella Concepcion. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Lucas, ang pinsan at karibal ni Enrique sa politika. *** Makatwiran at hindi nagpapatalo, lumaki si Estella Concepcion na patuloy na umaasang magkakatuluyan pa rin sila ni Enrique Alfonso, ang batang nagpagaan ng kanyang loob labinlimang taon na ang nakararaan. Ni minsan ay hindi nawala ang kanyang paghanga at pagtingin sa binata na siyang magiging susunod na gobernadorcillo ng bayan ng San Alfonso. Ngunit tila gumuho ang kaniyang mundo nang mapag-alaman niyang ipinagkasundo na ito sa ibang dalaga. Desididong mapangasawa pa rin ang binata, hihingin ni Estella ang tulong ni Lucas, ang pinsan ni Enrique. Sa paglipas ng panahon at sa mga sikretong kaniyang matutuklasan, handa pa nga rin bang gawin ni Estella ang lahat upang maikasal sa binatang matagal na niyang inaasam? O tulad ba ng ihip ng hangin ay magbabago rin ang isinisigaw ng kaniyang puso? Cover Design by Precious Pages Corp./LIB Books Book Type: Hardbound (With Book Jacket Cover)
Salamisim (Published by Flutter Fic) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 12,598,200
  • WpVote
    Votes 586,103
  • WpPart
    Parts 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na kaniyang isinulat. Ang kaniyang nobelang Salamisim ay tungkol sa pagmamahalan ng isang dalaga na anak ng gobernadorcillo at ng isang binatang nabibilang sa samahan na naglalayong pabagsakin ang pamahalaan. Nakilala ni Faye ang lahat ng karakter na kaniyang pinangalanan. Naranasan niya ang lahat ng eksena na binuo ng kaniyang malikhaing kaisipan. At narinig niya ang lahat ng linya na kaniyang pinaghirapan. Hindi siya naniniwala sa Happy Ending, ngunit paano na ngayong nakilala niya si Sebastian Guerrero? Ang pangalawang tauhan na siyang magiging hadlang sa kuwento. Hanggang saan ang kayang gawin ng manunulat upang protektahan ang kaniyang akda kung mahuhulog ang kaniyang damdamin sa antagonista? Date Started: February 29, 2020 Date Finished: May 26, 2020 Published by Flutter Fic/ Anvil Publishing All Rights Reserved 2020
The Queen's Secret by Adamant
Adamant
  • WpView
    Reads 252,487
  • WpVote
    Votes 9,571
  • WpPart
    Parts 47
[BoyXBoy|Yaoi|Historical Fiction] ~The Queen's Secret~ Sa panahon na ang bawat kontinente, bansa, at bahagi ng mundo ay napapsailalim sa pamamaraan ng pagsakop at pamumuno ng iba't ibang imperyo at kaharian. Isang bahagi ng kasaysayan ang hindi naitala sa anumang libro. Isang kasaysayan ng isang kaharian na itinago ng panahon ang siyang hindi napabilang sa mga libro na nagsasabi tungkol sa kasaysayan ng mga bansa, tao, kaharian o mundo. Ito ang isang bahagi ng kasaysayan ng mundo na siyang magpapakita ng anyo ng tunay na pagmamahal sa noong mga nagdaang panahon. Isang bahagi ng kasaysayan na gigising sa tunay na kahulugan ng pagmamahal. Isang bahagi ng kasaysayan na babaliin ang mga maling paniniwala ng mapanghusgang mundo. ALL RIGHTS RESERVED 2015 ©Adamant
Memento Mori: A Love Story from 1804 by JoeyJMakathangIsip
JoeyJMakathangIsip
  • WpView
    Reads 245,719
  • WpVote
    Votes 6,258
  • WpPart
    Parts 59
She loves him. Yet, he kept her sedated for nothing. The reason? Simply because, he's nonexistent at all. Well he exist---but only in her mind and in 1804. And his name is--- Thomas Clemente Cordova, a handsome ghost soldier whom Catherine Cruz had fallen in love with.
Ang Boyfriend Kong Kastila by aurorasybil24
aurorasybil24
  • WpView
    Reads 26,209
  • WpVote
    Votes 756
  • WpPart
    Parts 14
Paano kung one day, magising ka na lang na ang matagal mo ng hinihintay ay wala pala sa yung present kundi nakakulong sa past. Papaniwalaan mo ba ang tila mapagbirong dikta ng tadhana. Samahan si Joy sa pagtuklas ng naiibang uri ng pag-iibigan, kung saan hindi lamang panahon ang pagitan. Matawa, mamangha at maniwala that love has no boundaries...
The Lost Prince Of Spain by littlemkt
littlemkt
  • WpView
    Reads 875,981
  • WpVote
    Votes 29,048
  • WpPart
    Parts 67
She's Leign Sevilla, an Archeology student who is very eager to know the history of some things. Ngunit anong mangyayari kung sa sobrang kagustuhan niyang matuklasan ang kasaysayan ay mapunta siya sa panahong nais niyang pag-aralan. Ang panahon kung saan ang kaharian ng Espanya ang naghahari sa bansang Pilipinas at ang panahon ng pagkawala ng Prinsipe ng Espanya. "The Life of Prince Javier Valentino after His Disappearance in the Kingdom of Spain" Ang kasaysayang nais niyang pag aralan ngunit kahit isa ay wala siyang makitang kasagutan. Sa hindi malamang dahilan ng pagpasok niya sa panahon ng espanyol ay makatutulong ba ito sakanya upang malaman ang nasa likod ng storya ng Prinsipe? Paano kung sa hindi inaasahan ay makasalamuha niya ito sa panahong ganap na magiging kabilang siya? Time setting: Filipinas 1882 HIGHEST RANK: #1 in Time Travel.
IN ANOTHER PLACE AND TIME by xristianbryan25
xristianbryan25
  • WpView
    Reads 484,605
  • WpVote
    Votes 14,346
  • WpPart
    Parts 73
Completed 081717 #1 in Timetravel 020819 #5 in His Fic 031518 #2 in His Fic 062317 #3 in His Fic 062217 Samahan po natin ang magbestfriend na Almira at Theo sa kanilang adventures sa nakaraan. Magkaibigang puno ng kasiyahan sa kabila ng minsay nakakaranas ng kalungkutan. Malagpasan kaya nila ang mga trahedyang idinulot ng digmaan sa panahon ng mga Hapones? May kaugnayan kaya ito sa kasalukuyan nilang buhay? Maaari ba nilang baguhin ang nakaraan? O ang isang nakaraang pangyayari na akala ng lahat maling nagawa ay magawa kaya nilang itama sa kasalukuyan? Samahan na lang po natin sila kung paano nila malalagpasan ang lahat sa panahon ng takot, pangamba at pighati dulot ng digmaan.