KIDLAT Orentes Magpayo Kathang-isip ni Virgilio Alvarez (1 to 5 only)
VirgilioAlvarez
- ЧИТАТЕЛЕЙ 73
- Всего голосов 1
- Части 1
Isa akong immortal, hindi tumatanda, hindi namamatay. Dahil dito, kailangang maging lagalag ako, hindi maaaring manatili sa iisang lugar, para maikubli ang aking katangian.
Sa edad ko ngayon, marami na akong dinanas na kasawian sa buhay. Ang mga taong nag-aruga sa akin, ang naging kabiyak ko, mga kaibigang para ko ng kapatid, na nagsipanaw sa aking piling, ay tunay na nag-iwan ng sugat sa aking puso. Sugat na nananatili sa aking puso't isipan, hindi napapawi na tulad ng sugat na natamo sa pakikipaglaban.
Ito ang isang bagay na kinasusuklaman ko. Ang dahilan kung bakit ibig ko ng wakasan ang aking buhay. Pero paano? Ang kamatayan ay isang bagay na hindi nagaganap sa isang immortal. Matagal ng laman ng aking isipan ang bagay na ito. Pero wala pang kasagutang nasusumpungan ako.
ANO ANG DAPAT KONG GAWIN !!??