Kung puso'y nag-hahanap ng kaunting kurot
Ito ang akdang sa kalooban mo'y lalapirot
Mababatid na buhay ay hindi biro at masalimuot
Sa reyalidad tiyak ika'y mapapahugot
Sa koleksyong ito'y napapaloob ang mga madamdaming salaysay
Ng mga kaganapang nangyayari sa tunay na buhay
Sa pamamagitan ng tula'y pilit na isasabuhay
Upang tao'y magkaroon ng malay
Ang pag-husga ay nasa iyo na
Kung ikaw ay maniniwala at padadala
Ikaw ang magbibigay ng sariling pag-unawa
Ano man ang maintindiha'y ikaw na ang bahala
This are collections of poems that I'd wrote years of years. Each have stories to be untold. Each have emotions to express.
Read, love, read, and explore!❤️