flyme2mars_'s Reading List
2 Geschichten
Salamisim von UndeniablyGorgeous
Salamisim
UndeniablyGorgeous
  • GELESEN 12,095,896
  • Stimmen 579,381
  • Teile 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na kaniyang isinulat. Ang kaniyang nobelang Salamisim ay tungkol sa pagmamahalan ng isang dalaga na anak ng gobernadorcillo at ng isang binatang nabibilang sa samahan na naglalayong pabagsakin ang pamahalaan. Nakilala ni Faye ang lahat ng karakter na kaniyang pinangalanan. Naranasan niya ang lahat ng eksena na binuo ng kaniyang malikhaing kaisipan. At narinig niya ang lahat ng linya na kaniyang pinaghirapan. Hindi siya naniniwala sa Happy Ending, ngunit paano na ngayong nakilala niya si Sebastian Guerrero? Ang pangalawang tauhan na siyang magiging hadlang sa kuwento. Hanggang saaan ang kayang gawin ng manunulat upang protektahan ang kaniyang akda kung mahuhulog ang kaniyang damdamin sa antagonista? Date Started: February 29, 2020 Date Finished: May 26, 2020 Published by Flutter Fic/ Anvil Publishing All Rights Reserved 2020
Ang Mutya Ng Section E von eatmore2behappy
Ang Mutya Ng Section E
eatmore2behappy
  • GELESEN 170,454,980
  • Stimmen 5,658,606
  • Teile 135
Muling tangkilikin ang pinakabagong bersyon ng Ang Mutya ng Section E! Ipapalabas na ito bilang series sa Jan 3, 2025 exclusively sa Viva One app. Season One of Ang Mutya Ng Section E *** Simple lang ang gusto ni Jay-jay sa buhay: ang malayo na sa gulo at magkaroon ng normal na high school life. Pero kung gulo na mismo ang lumalapit sa kaniya, mapaninindigan pa rin ba ni Jay-jay ang pangako niya? Nang lumipat si Jasper Jean Mariano sa HVIS, nangako siyang lalayo na siya sa gulo at gagawin niya ang lahat para maging normal ang high school life niya. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, napunta siya sa Section E kung saan siya ang nag-iisang babae sa klase. Simula pa lang ng taon, puro kahihiyan at sakit na ng ulo ang inabot niya. Ngayong napaliligiran siya ng mga kaklaseng habulin ng gulo, naiipit si Jay-jay sa sitwasyon. Kakayanin pa rin ba niyang maging normal at makalayo sa pakikipagbasag-ulo kung unti-unti nang nauubos ang pasensya niya? O pipiliin ba niyang sumama na rin sa gulo kung kapalit naman nito ang kaligtasan ng mga kaibigan niya?