Kwentong pambata
14 stories
13. After Life by CDLiNKPh
13. After Life
CDLiNKPh
  • Reads 472,436
  • Votes 2,442
  • Parts 6
Isang girl na may third eye, maiinlove sa isang multo. May forever yata talaga dahil palagi itong nakabuntot sa kanya.
Alamat ng Ilog Pasig Completed (Published by Lampara Books) by Kuya_Jun
Alamat ng Ilog Pasig Completed (Published by Lampara Books)
Kuya_Jun
  • Reads 4,972
  • Votes 52
  • Parts 1
Noong unang panahon, may isang binata at isang dalagang tunay na nag-iibigan. Ngunit pinaghiwalay sila ng tadhana. Gabi-gabi, bawat isa sa kanila ay nagpupunta sa gilid ng burol na katapat ng isa pang burol, walang tigil sa pagluha. Ang mga butil ng luha, gumugulong sa mga dalisdis ng dalawang burol. Alamin sa makabagong alamat na ito kung paano ang mga butil ng luha ng dalawang taong labis na nagmamahalan ay bumukal bilang isang ilog.
Alamat ng Tipaklong COMPLETED (Published by Lampara Books) by Kuya_Jun
Alamat ng Tipaklong COMPLETED (Published by Lampara Books)
Kuya_Jun
  • Reads 2,862
  • Votes 37
  • Parts 1
Noong unang panahon, may isang batang nagngangalang Paklong na nangarap tumira sa palasyo. Ipinag-adya ng tadhana na matupad ang kanyang pangarap--naging kaibigan niya ang prinsipe at ang hari't reyna; nakatuntong siya sa palasyo, at nakapagsuot ng mga damit ng prinsipe. Kung naging mapagkumbaba lamang si Paklong sa kabila ng magandang kapalaran na dumating sa kanya, baka sakaling natupad ng tuluyan ang kanyang pangarap na maging tunay na prinsipe. Sa halip, siya ay naging-\ TIPAKLONG!
Alamat ng Paniki COMPLETED (Published by Lampara Books) by Kuya_Jun
Alamat ng Paniki COMPLETED (Published by Lampara Books)
Kuya_Jun
  • Reads 1,536
  • Votes 24
  • Parts 1
Kuwento ni Segundo D. Matias Jr. Guhit ni Ghani Madueño Noong unang panahon, ang mga paniki ang itinuturing na may pinakamgaganda at may makukulay na pakpak. Mahahaba ang kanilang buntot. Bukod sa mga katangiang iyon ay mapupungay rin ang kanilang mga mata. Isang araw, dumalaw ang diyosa na may hatid na masamang balita. Dahil dito, nagsimulang lumitaw ang tunay na mga saloobin ng mga paniki, hudyat ng simula ng pagbabago ng kanilang anyo. Alamin sa makabagong alamat na ito kung bakit sa gabi lamang lumalabas ang mga paniki mula sa kanilang mga lungga, at kung bakit patiwarik sila kung dumapo.
Alamat ng Pagong COMPLETED (Published by Lampara Books) by Kuya_Jun
Alamat ng Pagong COMPLETED (Published by Lampara Books)
Kuya_Jun
  • Reads 5,448
  • Votes 31
  • Parts 1
Alamat ng Pagong Kuwento ni Segundo D. Matias Jr Guhit ni Ghani Madueño Noong unang panahon, may isang lalaking pinagkaitan ng magandang kinabukasan. Ngunit dahil sa kanyang busilak na puso ay ginantimpalaan siya ng pagkakataong umunlad sa buhay. Ngunit ang magandang kapalarang ipinagkaloob sa kanya ay kanyang inabuso, at dahil dito, siya ay isinumpang maging isang makupad na hayop. Alamin sa makabagong alamat na ito ang pinagmulan ng pagong at ang kapalit ng pagiging mapagmataas.
Alamat ng Rosas COMPLETED (Published by Lampara Books) by Kuya_Jun
Alamat ng Rosas COMPLETED (Published by Lampara Books)
Kuya_Jun
  • Reads 3,702
  • Votes 85
  • Parts 1
Alamat ng Rosas Kuwento ni Segundo D. Matias Jr. Guhit ni Ghani Madueño Noong unang panahon, may isang reynang namumukod-tangi ang kagandahan na namumuhay nang maligaya sa piling ng kanyang asawang hari. Isang karibal na hari ang naghangad sa kanya at ipinadukot siya, samantalang isang mainggiting mangkukulam naman ang naghangad sa kanyang magandang mukha at buong kataksilang kinuha iyon sa kanya. Alamin sa kuwentong ito ang pinagmulan ng rosas-kung gaano kalaki ang pagmamahal ni Haring Hulio kay Rosa, at kung paano nagkaroon ng mga tinik ang rosas.
Alamat ng Buwaya COMPLETED (Published by Lampara Books) by Kuya_Jun
Alamat ng Buwaya COMPLETED (Published by Lampara Books)
Kuya_Jun
  • Reads 4,592
  • Votes 38
  • Parts 1
Alamat ng Buwaya Kuwento ni Segundo D. Matias Jr. Guhit ni Rowen T. Agarao
Alamat ng Ahas COMPLETED (Published by Lampara Books) by Kuya_Jun
Alamat ng Ahas COMPLETED (Published by Lampara Books)
Kuya_Jun
  • Reads 2,110
  • Votes 33
  • Parts 1
Alamat ng Ahas Kuwento ni: Segundo D. Matias Jr. Guhit ni Ibarra Crisostomo Noong araw sa isang lugar na hindi na matukoy, may dalawang lalaking matalik na magkaibigan: Sina Arman at Dumaz. Si Arman ay may kasintahan na nagngangalang Doray, na ang pangarap ay makatulong sa kanyang mga kanayon. Sa kagustuhan nilang matupad ang pangarap ni Doray, tinunton nina Arman at Dumaz ang isang yungib na may nakabaong ginto. Ngunit dahil sa ginto, nasira ang pagkakaibigan nina Arman at Dumaz. Ipinagkanulo ng isa ang buong pagtitiwala ng isa. Alamin sa makabaong alamat na ito ang pinagmulan ng ahas at kung bakit nanunuklaw ito.
Alamat ng Lansones COMPLETED (Published by Lampara Books) by Kuya_Jun
Alamat ng Lansones COMPLETED (Published by Lampara Books)
Kuya_Jun
  • Reads 4,405
  • Votes 49
  • Parts 1
Alamat ng Lansones Kuwento ni Segundo D. Matias Jr. Guhit ni Glenda Grace Lapid Sa isang barangay noong unang panahon, may isang burol na ipinagbabawal puntahan ninuman. Sa naturang burol ay tumutubo ang mga punong-kahoy na namumunga ng kulay-itim na prutas na nakalalason. Nang salantain ng bagyo ang barangay at walang makain ang mga tao, isang matandang dayo ang sumubok na kainin ang itim na prutas. Anupa't hindi tuluyang nagutom ang mga tao! Basahin sa makabagong alamat na ito ang pinagmulan ng lansones at kung paanong ang pagkalinga sa kapwa at pagtanaw ng utang-na-loob ay nagdudulot ng matamis na gantimpala.
Alamat ng Palay COMPLETED (Published by Lampara Books) by Kuya_Jun
Alamat ng Palay COMPLETED (Published by Lampara Books)
Kuya_Jun
  • Reads 1,467
  • Votes 54
  • Parts 1
Alamat ng Palay Kuwento ni Segundo D. Matias, Jr. Guhit ni Zeus Bascon Noong unang panahon sa isang kagubatansa Asya, may isang halamang nakaligtaang bigyan ng pangalan ng diwata ng kagubatan. Gayunpaman, inialay ng halamang walang pangalan ang buhay nito upang iligtas ang kagubatan sa maitim na balak ng mga mananakop. Dahil doon, nakamit ng halaman ang karangalang maging palay-isa sa pinakamahalagang butil sa buong mundo.