Rxmxnxx
"Oo, pagod na pagod na ako. Pagod na akong intindihin ka. Pagod na akong suyuin ka. Ako na lang kasi parati ang dapat na nag-aadjust eh. Maliit na problema, pinapalaki mo, simpleng mali lang nagagalit ka na agad! Lagi ka na lang nage-emote! Ang problema kasi, hindi ko na nararamdaman na Girlfriend kita, ang nararamdaman ko lang ay boyfriend mo ako. Ikaw na lang lagi ang nasusunod. Gusto mo ako maging perfect, pero hindi na ako 'to e. Siguro nga dapat na tayong maghiwalay. Kung yan gusto mo, sige! Maghiwalay na tayo! Yan naman ang lagi mong pinagpipilitan diba? Ako na lang kasi ang lumalaban diba? Kaya sige, hindi mo na kailangan pang ulit uliting saktan ako dahil sa gusto mong makipag hiwalay sakin! I'm very sorry. Salamat sa Lahat-lahat."
- Seen. March 12, 2017. 7:20 P.M
Hanggang ngayon binabasa ko pa rin yan ng paulit-ulit. Nagbabakasakali na isang araw babawiin niya yan at sasabihin prank o joke lang ang lahat. Hindi ako magagalit, hindi ako magtatampo, pero mahigit ilang buwan na din ang lumipas pero hindi na din sya nagparamdam.
Hindi ko alam kung bakit sa twing nakikita ko sya, naaalala ko ang lahat ng sinabi na tila ba binubulong iyon sa tenga ko.
Ganun na ba ako kababaw? Ang hiwalayan sa chat? O ganun ba sya kahina para di nya kayang sabihin lahat yun sa harap ko?
Siguro we're not meant to be.
Lalake ang gusto ko, Lalake din ang gusto nya. Ang hirap kasi!