Binatilyo
OMGeeyeah
Para kang hinulugan ng lalaki.
Isang bente-anyos na lalaki ang nakabungguan mo at humihingi ng tulong sa'yo.
Sino ang pinagtataguan niya? Mga pusher? Ang batas? Pamilya?
Isa kang matandang-dalaga. Hindi birhen pero matagal nang walang nobyo. At etong batang to ang mag-sasalba sa'yo gaya ng pag-salba mo sa kanya.
***
Galing sa isang marangyang pamilya na tumakas dahil sa unti-unting pag-kalugi ng negosyo ng kanilang pamilya. Iniwan niya ang lahat dahil gusto niyang mag-simula sa ibaba.
Gustuhin man niya na gumamit ng ibang pangalan at mag-simula muli, kakailanganin niya pa rin ng pera para makapag-simula
Imbis na mag-hanap ng trabaho dahil may natapos naman siya, nalulong siya sa bisyo. Nang dahil sa alak, sugal at babae, ay mabilis na naubos ang natitira niyang pera.
Merong nilaang pera sa kanya ang kanyang mga lolo't-lola. Pero dahil napag-alaman nilang napunta lang ang natitira niyang pera sa bisyo, minabuti nilang kapag nakilala na nila ang babaeng pakakasalan niya ay saka lang niya makukuha ang pera niya.